Roy Dela Cruz - kilala sa pagiging Struggling Blogger of Philippine Blogging. Isa sa awardee of the Emerging Influential Blogs of 2009, marami ang nakakakilala sa kanya sa talentadong pag Blog! Di mabilang na pakikipagpalitan ng kaalaman sa larangan ng internet! Isang manunulat, pakikipagsapalaran sa larangan ng buhay na nailalabas sa paglikha ng makadamdaming tula, isang makabagong artist!
Luha Sa Aking Mata
likha ni Roy Dela Cruz
Sa aking pag-iisa, ako’y nag-iisip
Aking naalala, mapait na sinapit
Sa kadahilanang hindi ko malaman
Luha sa mata’y biglang nagdaluyan
Tunay na mahirap ang ika’y mawalay
Sa iyong irog at mahal sa buhay
Sa aking pag-iisa, aking naa-alala
Pati ang mga mumunting inakay
Patuloy sa pagdaloy luha sa pisngi
‘di mapigilan, mahabag sa sarili
Sa kalagayan na aking sinapit
Kahit pusong bato ay lalambot din
Diyata’t ako’y sadyang sinusubok
Sa aking tibay at tatag ng loob
Kung gustong ang kinabukasa’y gumanda
Kailangan lampasan ang bawat problema
‘di mapigilan, buntunghininga’y lumalalim
Sa sama ng loob at bigat ng dibdib
At parang naghahabulan pa sa aking pisngi
Ang mga luhang ‘di ko na pinunasan
Patuloy sa pagdaloy, patuloy sa pagluha
Hindi mapigilan, kaya’t hinayaan
‘di ko namalayan na nang kalaunan
Ang luha ko pala, ay naging mga muta
-------------------------------------------------
Roy
December 11, 1998
naisulat habang nakasakay sa bus
papunta sa trabahong malayo sa tahanan
Balanga, Bataan
Philippines