7/04/2010

OFW nOoN aT NgAyOn!

Habang kumakain, napansin kong bakit nga ba di bagay na paghiwalayin ang kutsara at tinidor? Ang layo ng tanong. Ano naman ang kinalaman nito? Ewan ko ba. Kulit ng isip ko. Siguro dahil sa na ho-homesex, Este! Nahohomesick na naman ako. Napakahirap kasi kung malayo ka sa iyong pamilya lalo na nitong nakalipas na araw dahil sa kakatapos lang na Fathers day! Celebration. Hirap kaya, kahit nakausap ko ang prinsesa ko, masarap parin kung kasama ko siya sa mga araw na ganito. Tapos kwentuhan pako na namiss nya daw yung pagsampa nya sa balikat ko habang namamasyal, para daw kasi siyang on top of the world. Teka muna bago ako mag emote balikan ko itong kutsara at tinidor. Gusto lang naman sigurong itanong ng isip ko kung ano ang mga bagay na hindi pwedeng mawala sa isang OFW? Mga bagay na pagwala, kulang ang buhay. Kulang ang isang araw. Kulang at sayang, dahil maraming bagay ang hindi mangyayari.


ano bang mga bagay ang kailangan noon ng isang OFW?
ano naman mga bagay ngayon ang kailangan ng isang OFW?

SUNDAN ang kwento sa Philippine Online Chronicles

26 comments:

escape said...

kinwento sa akin kapatid ko nung tumira siya sa ireland. sabi niya yung mga laptop daw ng mga pinoy latest pa kaysa sa mga taga nun. mga pinoy lagi daw nagpapalit pag may bago.

Kosa said...

hahaha.
anu nga ba tsong?
di ko din alam..lols

lahat naman yata kase pwede ng abutin lahat. ahihi

NoBenta said...

noon, kailangan ng stamp para sa sulat....ngayon, kailangan ng laptop para sa email!

noon, kailangan ng barya para sa payphone....ngayon, kailangan ng load para sa celfone!

noon, kailangan ng cassette para sa voice tape....ngayon, kailangan ng ipod para sa mp3 o mp4 files na ipapadala!

noon kailangan mo ng tibay ng loob....ngayon, kailangan mo pa rin siya!!!

rakenrol parekoy! \m/

Dee said...

Sa tingin ko, sa lahat ng panahon kelangan natin ang Diyos. Siya ang nag-papatatag at nagbibigay sa atin ng lakas at proteksyon. :)

sheng said...

Lahat ata ng OFW ganyan, laging naho-homesick.

MinnieRunner said...

Malay ko kung ano ang kailangan ng OFW... JOKE!

Sige, sundan ko nalang ang kwento mo :)

BlogusVox said...

Mga bagay na importante sa isang OFW:
Noon - tape recorder
Ngayon - cellphone o para sa "can afford", laptop.

Komunikasyon sa mga mahal sa buhay. Yan lang ang mahalaga para sa isang OFW. Wala sana tayo dito kung hindi natin sila pinahahalagahan.

escape said...

naalala ko ung pumunta yung kapatid ko sa ireland. sabi niya mas magarbo pa daw laptop ng mga pinoy kaysa sa mga taga dun. lagi daw pinapalitan.

rrjm said...

dagdag ko na rin sa sinabi ni BlogusVox.

Importante sa OFW ngayon.

Facebook, YM o kaya Skype.

Pietro Brosio said...

Have a very happy Tuesday!

eye in the sky said...

security and affection.

pamatayhomesick said...

dong,

uu nga ano, kahit dito madalas nauuna ang pinoy pag may bagong kagamitan- sa pagbili...

pamatayhomesick said...

kosa,

pards, hapibertdey!

tama kayang abutin lahat, basta may pagpapahalaga!..:)

pamatayhomesick said...

no nenta,

galing ng paghalintulad mo pards, nuon at ngayon!

pamatayhomesick said...

dee,

hi dee isa ito sa pinakaimportante! ang prayers!
salamat!

pamatayhomesick said...

sheng,
bakit nga ba laging nahohomesick ang mga OFW.. sheng magandang topic toh ah!

pamatayhomesick said...

minie runner,
ha ha ha, salamat minnie!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
kwentong OFW, handog ko ito para sa inyo, kasama pala ako.

nuon at ngayon!

pamatayhomesick said...

dong,
mas laptop rin daw dito ang importante, kasi libre daw sa communication, video at sms...
tama yung kapatid mo. siguro sa mga susunod na araw, di na cellphone ang madalas dalhin, kasi may mga maliliit naring laptop.:)

pamatayhomesick said...

rrjm,
uu nga,
noon- friendster
ngayon- facebook..

salamat!

Sendo said...

wow...tawagan mo na lagn sila palagi hehe...skype kayo hehe...ingat ka na lang at enjoy there hehe...homesickness..para lang ung nanay ko dati hehe

pamatayhomesick said...

sendo,
syempre pa skype skype nalang tayo ngayon..ha ha ha

atto aryo said...

haha. sa susunod na generasyon ng mga OFW di na uso telepono. virtual calls na. virtual homesex na rin! heheh

braggito said...

Internet Connection.. yon ang hirap mawala sa mga OFW..

Abou said...

di ko pa na try ang skype na yan.

:-)

Anonymous said...

Neighbor! Happy Father's Day. One of these days, we should meet; we must EB. Para mahandshake ko finally si Mr Ever (at baka sakaling mabigyan nya ako ng isa sa kanyang obra...hehe...may ulterior motive pala).