11/24/2010

naNG MaGkAHiLiG sA pAgSipAT aNg HoMeSex, este! HoMeSiCk PaLa.

Maraming hilig at talento ang isang tao. Maaring sa pagsusulat, sa pagpipinta, sa eskultura, sa paghahalaman, sa pagluluto, sa pagkukumpuni ng kung anu-anong gadget at makina sa bahay.
May talentong napapalawak mo.  Meron namang naiisantabi.  Kung ikaw ay isang overseas worker na katulad ko, karamihan ng iyong interes ay gusto mong panindigan.  Hindi ko lang sigurado kung bakit.  Dahil siguro may oras ka.  Pagkatapos ng trabaho ay wala ang pamilyang dapat at umagaw ng iyong atensyon. Marahil dahil gusto mong punuin ang iyong oras upang di makapag-isip ng di gaanong masayang bagay.

May ilaw.
may modelo.
may paksa.
Totohanang pagkuha ng larawan.

Sina Ariel Gatson, Noel Sumalague, Chris Perez, at Mark Gomez, pare-parehong matagal na sa larangang ito, at si Ms. Janet Eve, ang modelong nagimbita sakin, ang mga tumulong. Siyempre, naging kabado at excited na rin ako.
Lakasan ng loob at kapal ng mukha lang yan, bulong ko sa sarili kong pampalakas-loob.. Aba, si Pamatay Homesick (tawag ko sa sarili ko), nakikisalimuha sa mga taong bagong kilala lamang.  Aba, at nakikisali sa photo shoot na ngayon lang niya naranasan sa piling ng mga bihasa.   Sa bagay, wala naman mawawala pumapalpak man, susog ko pang pabulong.

Nasabi ko rin sa sarili ko, matapos ng karanasang iyon, na hindi sa galing ng pagsipat ang potograpiya. Pagbabahagi rin ito ng talino, oras at pakikipagkaibigan. Na wala sa itsura ng suot o porma, na wala sa high technology, wala sa kung gaano mo sila katagal na kakilala. Ang mahalaga, pareho ang interes ninyo.  Ang mahalaga, handa kang matuto at sila naman ay handang magturo.

read more on Philippine Online Chronicles (POC)



                              THE PHOTOGRAPHERS
 
Ariel "OkiDok" Gatson

Mark "Marlord" Gomez

Mark "Marlord" Gomez

Chris "Firefly" Perez
 
Chris "Firefly" Perez


Noel "Spider" Sumalague
 
Noel "Spider" Sumalague


natural na ganda ni Ms. Janet Eve
by Pamatay Homesick


BEHIND SCENE


ever, chris,noel, the model Ms. Janet Eve, ariel, mark


photo by Noel "spider" Sumalague
(from left -chris, mark, ariel, ever)

mark, ariel, ever


sipat ni Chris Firefly

this shoot was taken by Ariel OkiDok

 



12 comments:

BlogusVox said...

Noong nag-aaral pa ako ng potograpiya, magastos. Kasi "black&white" ang film namin at dapat mataas ang "grain" para maganda ang kuha. Tapos hindi mo pa alam ang resulta hanga't hindi nade-develop. Ibang pag sasanay namann yun.

Ngayon dahil digital na, kita agad ang resulta at na-eenhance pa ang picture ng software. In the long run, mura. Mahal lang nga sa umpisa ang mga magagandang kamera.

Ayos ang kuha nyo tsong at ang ganda naman ng model nyo. Pinoy na pinoy ang beauty.

Dennis Villegas said...

galing! love ur shots!

Ar-Ar Malalis said...

sana.. one of these days.. ako na model nyo! hihihi

witsandnuts said...

Ang galing! Hindi ko pa nasubukan mag formal photo lessons or makihalubilo sa mga pro-photogs. Last year nung nasa peak ako ng interest sa pagkuha ng litrato, dumating yung time na gusto ko palagi na lang weekend at mag snap continuously. :)

eye in the sky said...

great shots. you've got the talent for portraits.

pamatayhomesick said...

blogusvox,
mahal talga noon, hirap pa pag mali yung kuha lalo na sa mga events or nasira ang kuha sa kasal, di na mauulit.. salamat narin sa bagong tekno, konting sipat, pag hindi gusto ang kuha erase...:)

pamatayhomesick said...

dennis,
minsan papaturo ako ng style mo sa pag kuha.. salamat pards!

pamatayhomesick said...

hi arar,
huwaw talaga.. abangan ko rin yan.

annalyn said...

ang galing..sana dito rin may grupo ng mga Pilipino na pwede kong makasama sa ganyang pagtitipon, yun bang pagpapaunlad ng talento sa potograpiya..kung mayroon nga...kaya lang karamihan ng mga kilala kong pinoy dito e kasing edad ng tito at tita ko at mas gusto ang mag tong it kaysa maglitrato lol!

escape said...

ayon oh. baka may mga nakatago pang kuha. hahaha

AJ said...

aba ay kung ganyan ba naman ka-HOT ang mga subject mo eh, mahohomesex, este mahohomesick ka pa pareng ever =)

kidding aside, galing, ganda!..humble ka talaga, i look forward for u and your equally talented fellow's exhibit in the future, imbitahin mo kami ha..

lestat said...

@ever,

wow..ayos ah. naging mamimindot ka na rin pala..

sali naman ako sa next photoshoot nyo :)

lestat