10/10/2010

OFW sEnTi mOdE (ako sa paborito kong buwan.)

Natapos na naman ang isang araw. Lumalakad ng mabilis ang panahon. Nais tumakas sa mundong ginagalawan. Minsan dumadating ka sa pagkakataong gustong iwasan ang buhay. Natatalo lamang ito ng maraming panaginip, na sa pag gising ngiti parin ang hatid.


Ang Paboritong buwan. Paboritong alalahanin at pilit isinasaksak sa memorya.

Minsan daw, pilit mo ng nakakalimutan ang yong sarili. Nakakalimutan pala ng limot ang hindi pagpansin sa anino. Tipong maraming kulang. Pero buo para sa iba.

Pinuno ng mga pagsubok ang unang buwang espesyal. Gumising sa maraming umaga. At hindi nagpatulog sa mga gabi. Ikinalungkot ang paghagupit ni problema. Masakit at masalimoot. Kunsabagay, wala namang libre sa mundo. Lahat dapat pinagdadaanan. wag naman sana sa paboritong buwan.

Ngunit ‘di napigilan ang panahon. Kusang bumuhos ang ulan. Dumilim ang langit at lumuha. Yumakap ang awa at kawalan ng pag asa.

read more.....

----------------------------------------------------------------------------------

10 comments:

Trainer Y said...

sisilay ang bukang liwayway, darating ang panibagong bukas. lilipas ang unos, ngingiti ang haring araw.. isang panibagong araw..isang panibagong hamon... alaala ng mga mahal sa buhay ang magbibigy inspirasyon at lakas.. lakas upang harapin ang panibagong pagsubok na nakaatang sayong harapan.. humakbang ka.. salubungin ang panibagong umaga taglay ang masayang ngiti sa iyong mukha.. kapit lang.....

pamatayhomesick said...

hi yanah,
nainspire kasi ako sa balagtasan sa fb.. kaya ko naisulat ito...

napakalamig at sumasayaw sa daloy ng alon yung mga binigkas mo...

pareho kasi tayong mahaba ang hair!..:)

salamat!

eye in the sky said...

That is sublime, ever. Tagalog, when used in such a way, becomes a language of immense beauty.

BlogusVox said...

Teka, isa-isahin natin:
-Itong buwan ng sinagot ka ni misis
-Anibersaryo nyo ng labopmylyp mo
-Birthday ng kumander mo.
-Birthday ng prinsesa mo.
-wala lang. type mo ang buwan. : )

escape said...

kakahiya man sabihin mahina ako sa ganito. hahaha...

Anonymous said...

I am speechless. This can be a excellent blog and quite participating as well. Outstanding perform! That is not really significantly returning from an amateur writer like me, but it is all I could consider after enjoying your posts. Fantastic grammar and vocabulary. Not like other blogs. You really know what you're talking about too. So very much that you just produced me need to examine extra. Your blog page has turn into a stepping stone for me, my buddy. Thank you for the articulate journey. I seriously loved the 27 posts that I have examine so much.

pamatayhomesick said...

eye in the sky,

panalo sa komento. sir! salamat!

pamatayhomesick said...

blogusvox,

sana nga pards, ganun...namiss ko ang prinsesa ko..ngayong kababalik ko lang ng bakasyon, hirap ulit umupo ng magisa.

pamatayhomesick said...

dong,
ha ha ha.. magaling ka naman kumuha... kaya kuhanan mo nalang ng picture.. pero alam kong may talent ka sa ganito...:)

pamatayhomesick said...

anonymous,
salamas! este! salamat.:)