7/17/2010

PiNOy Sa PiNAs PiNOy sA AbRoAD

Pare-pareho lang daw ang Pinoy sa abroad sa Pinoy sa Pinas- pinagkaiba lang ay ang Pinoy na may pagmamahal!

Nais mo pa ba ang iyong lahi?

Oo naman! Katiting lang ang mga butas na ito kumpara sa tanyag na pinoy sa mga positibong bagay. Hindi naman nasusukat sa kung ano ang mali sa tama. Ang mahalaga, ipinagmamalaki kung sino ang totoong ikaw. Ang totoong Pinoy. Sa Pinas man o sa ibang bansa.

Mas makulay parin ang mundo dahil may Pilipino!




8 comments:

rolly said...

dapat lang na mahalin mo kung ano ka. Wala nang mas kawawa pa sa isang tao na ikinahihiya ang sarili niya. I salute you.

DRAKE said...

Aba kahit na maputi ka pa, gumaling ka pa sa ingles, at magmukha ka ng foreigner. Tyak lumilingon ka pa rin pag sinisitsitan ka!

Masarap maging pinoy! Yun lang ang masasabi ko!

Ingat bossing

eye in the sky said...

that looks like a grand party. Of pinoys?

princess_dyanie said...

tamaaaa! basta pinoy pag weekend asahan mo may kainan or kaya kantahan sa bahay lalo na pag sama sama ang pamilya. at pag weekdays, bonding ay yung mga teleseryes.

sheng said...

Ang galing ng mga Pilipino ay kakaiba sa galing mga foreigners, di man tayo pantay sa kulay at kultura, pantay tayo sa mata ng Diyos.

NoBenta said...

tama yung sinabing "best and worst" ang mga pinoy. pero kahit na ganun, we are still proud of our race. mas pipiliin ko pa ring maging pinoy kesa ibang lahi. totoo ito at walng biro.

tayo ang nagpapasaya ng mundo at balang araw ay magiging super-power ang pilipinas! \m/

BlogusVox said...

Ang isang katangi-an ng pinoy ay ang madaling makisalimuha sa banyaga at maka-intindi o di kaya maging panatag sa ibang kultura.

Hindi ko lang alam kung ito ay nakakabuti o nakakasama sa atin.

braggito said...

Wala sa kulay ng balat ang pagiging pinoy.. ito'y nasa isip at sa puso!