Ang iwan ang Pilipinas ay isa sa pinakamalupit na desisyon na nagawa ko sa aking boong buhay. Lumisan akong mag-isa. Tinalikuran ang pamilya -- kahit na nga ba pansamantala.
Day 1 pa lang sa lupang banyaga, malungkot na at nagumpisa nang magbilang ng araw. 300 na araw, 299, 298, 297 ….. Count down patungong Day 0 na, ano pa, kundi ang oras ng paglaya, ng pagbabakasyong balik-Pinas.
Tulad ng mga batang hiling ay ulan para basa ang chalk at wala nang pasok. Tulad ng mga empleyadong nangungulit kung may non-working holiday na nalalapit. Higit pa dito ang pakiramdam ng isang OFW na nauubusan na ng pamatay-homesick. Parang bata. Sana isang linggo lang ang isang taon. Nabubuhay para sa araw ng pagbabalik sa lupang hirang at mga taong mahal.
At ako nga ay nagbalik kamakailan pagkaraan ng higit na isang taon na tila baga sampu sa homesick na diwa.
Kay tagal kung pinaghandaan kung paano masusulit ang aking bakasyon. Kung paanong gagawing isang taon ang isang buwan. Kung paano babawiin ang mga araw na nawala. Kung paano nanamnamin ang mga oras na ipagpapahinga sa Pinas. Tutuo mang hindi na maibabalik ang nawala, maaari namang punuan iyon sa pamamagitan ng paglasap sa bawat sandali sa bayang magiliw. Kalimutan muna ang buhay OFW ... ang mahalaga ay ang buhay balik-Pinas.
read more on Philippine Online Chronicles BUHAY PINOY BUHAY OFW!
balik tanaw
saan tanaw
walang tanaw
balintataw!
kuha mula sa himpapawid...
22 comments:
panibagong panimila ng panibagong pagtitiis..pagtitiyaga..
ayos lang yan kuya..
basta para sa pamilya..
lahat kakayanin...
Godbless!
Uuwi ka ba or nakauwi na! NOthing feels better than going home ano?
kaya lahat ng ofw na nagbabakasyon napakahectic ng sked, hindi naman tlga nagpapahinga.. naaawa ako sa knila pag kelangan na umalis ulit.. nakakaiyak..
yanah,
kamusta kana,yan ang tibay at lakas ni yanah! salamat!
para sa pamilya pagtitiis at pagtityaga!.. lahat kakayanin!.:)
sheng,
natapos na ang bakasyon, etot, nakabalik na naman sa lupang di atin...balik work na naman sa lupang buhangin..
tama ka, paulit ulit nating sasabihin yan, home sweet home ika nga!..salamat sheng!
chyng,
salamat at naramdaman mo ang tunay na kahulugan ng pagbabakasyon...salamat!
Hindi ganyan ka tindi ang pangungulila mo kung kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay.
Sa susunod mong kontrata tsong, habulin mong maibigay sayo ang "family status".
Yung parents ko magbabalik bayan sa summer! hehehe!! Kapag umuuwi parents ko, sobrang busy nila. Bumibisita sa lahat ng kamag anak and everything. lol
Well at least ngayon, kahit papano my Facebook, YM, Skype, etc na. Dati, nung bata pa kami at wala pang cellphone, snail mail lang talaga at paminsan minsan na tawag sa payphone na kelangan eh scheduled pa talaga. :|
sir ever,
isa po akong dubia blogger, ill ba happy kung ma add nyo ako sa blog roll nyo. in add ko na po kayo, salamat po. isa kayong magaling na kinatawan ng mga OFW. eto po site ko:
www.oslekdude.blogspot.com
blogusvox,
pards hanggang ngayon di ko pinipilit, ginagawa ko ang lahat.. pero di ko alam kung hanggang saan ko maipaglalaban...di ako napapagod!
hi! ish.. uu nga mahaba ang bakasyon at oras noon, thanks for www, kahit paano nalilipasan ng konti ang homesickness...
gumaganda tayo ata ngayon araw araw!
duboy,
pards, ngayon palang nakalista kana sa kahanga hangang blog list ko..suportahan natin ang PEBA2010! mabuhay!
minsan ay mapapaisip din kung umalis ng ibang bansa dahil alam ko ang ganyang trabaho. naalala ko yung pagpunta ng tatay ko sa saudi at sinusulit talaga pag uwi niya.
I hope you had a great vacation. I thinks it's something to look forward to; to strive hard and do the best with what you do because the payback would be these vacations.
Feel na feel ko yung nararamdaman mo. Ang masakit, yung bakasyon natin, kulang na kulang pa para lubusin ang mga sandali na kapiling natin ang mga naiwan sa Pilipinas.
lucky you nakapag bakasyon kna. magugulat kna na lang ulit bakasyon na naman :)
dong,
kailanagan walang masayang na oras, para sulit na sulit talaga parads, pero kulang parin...
eye in the sky,
salamat pards, naiyak naman ako sa comment mo...:)
nomadic pinoy,
uu nga pards eh, pero kailangan natin sanayin lalo narin sa trabaho.. hay! homesick ulit ata ako..wahhhhhh!
arlini,
huwaw arlini, positive yun ah, mabilis nga ang panahon,.. hope na bakasyon ulit!
Malungkot talaga... Lalo na pag paalis na naman papuntang abroad... Pero di-bale chat na lang ng chat with loved ones para di gaano malungkot. And parati tambay sa FB - effective iyon pampaalis ng lungkot. :)
dee,
uu nga eh, buti may fb...he he he..saka may kablogs at may peba2010 na pampalipas homesickness..thanks dee.:)
Post a Comment