7/31/2010

(SiNo si RoY?)

Roy Dela Cruz - kilala sa pagiging Struggling Blogger of Philippine Blogging. Isa sa awardee of the Emerging Influential Blogs of 2009, marami ang nakakakilala sa kanya sa talentadong pag Blog! Di mabilang na pakikipagpalitan ng kaalaman sa larangan ng internet! Isang manunulat, pakikipagsapalaran sa larangan ng buhay na nailalabas sa paglikha ng makadamdaming tula, isang makabagong artist!




Luha Sa Aking Mata

likha ni Roy Dela Cruz


Sa aking pag-iisa, ako’y nag-iisip

Aking naalala, mapait na sinapit

Sa kadahilanang hindi ko malaman

Luha sa mata’y biglang nagdaluyan



Tunay na mahirap ang ika’y mawalay

Sa iyong irog at mahal sa buhay

Sa aking pag-iisa, aking naa-alala

Pati ang mga mumunting inakay



Patuloy sa pagdaloy luha sa pisngi

‘di mapigilan, mahabag sa sarili

Sa kalagayan na aking sinapit

Kahit pusong bato ay lalambot din



Diyata’t ako’y sadyang sinusubok

Sa aking tibay at tatag ng loob

Kung gustong ang kinabukasa’y gumanda

Kailangan lampasan ang bawat problema



‘di mapigilan, buntunghininga’y lumalalim

Sa sama ng loob at bigat ng dibdib

At parang naghahabulan pa sa aking pisngi

Ang mga luhang ‘di ko na pinunasan



Patuloy sa pagdaloy, patuloy sa pagluha

Hindi mapigilan, kaya’t hinayaan

‘di ko namalayan na nang kalaunan

Ang luha ko pala, ay naging mga muta



-------------------------------------------------

Roy

December 11, 1998
naisulat habang nakasakay sa bus
papunta sa trabahong malayo sa tahanan
Balanga, Bataan
Philippines

24 comments:

Roy said...

maraming salamat pareng Ever sa pagpapa-unlak mo sa aking kahilingan :)

NoBenta said...

hmmm....makadalaw nga sa kanyang bahay. salamat parekoy at may bago akong tatambayan! \m/

Dee said...

Magaling talaga si Roy! Two thumbs up! :)

Pietro Brosio said...

Congratulations to Roy!
Happy new week :-)

Chyng said...

heartfelt naman ayng sinulat nya.
share ko lang sir, i've never been out of the country for more than 5 days. kaya etong latest backapcaking south east asia trip ko (for just 10 days) made me realize iba pala talaga yung lungkot when you're so fas aay from home..

MinnieRunner said...

Roy, naiiyak na ako eh.. biglang naging muta sa huli :) Nice one!

BlogusVox said...

hehe, parang neil simon. palulunkutin ka tapos pangingiti-in.

Roy said...

@NoBenta
Maraming salamat sa pagbasa at sa gagawin mong pagdalaw sa aking MGA tahanan :)

@Dee
andito ka pala hehe... kumusta na kayo ni Jedi Luke? long time no hear :)

salamat sa pagbasa mo sa tula

@Pietro
maraming salamat sa pagbibigay mo ng oras :)

@Chyng
mahirap talaga ang malayo sa pamilya, minsan nakakaiyak... minsan, muta lang pala :)

@Madz
Hi! naiiyak ka na ba? buti na napangiti pa rin kita hehe... salamat

@BlogusVox
salamat. ma-research nga si neil simon :)

@ever
salamat ulit 'pre!
mabuhay ka!

Anonymous said...

napakaganda naman nito, pwede itong maging isang likha at gawan ng tono, at maging isang hit na kanta..

napadaan po!

Roy said...

Hello Anonymous,

Sana nakapagpakilala ka para nalaman man lang namin ang iyong pangalan.

gayun pa man, salamat sa pagdaan at pagbasa sa aking tula :)

eye in the sky said...

So many new and emerging artists in the Phils, it's exciting! :->

Nebz said...

Alam kong marami akong matututunan kay Roy. Dinalaw ko ung site nya. Sana makasali rin sya sa PEBA at sa Kablogs.

Ever, nasaan ang article mo sa TKJ?

sheng said...

So nice, he writes like a professional poet.

Roy said...

@eye in the sky
salamat tinawag mo akong artist :) nakakataba naman ng puso.

@Nebz
sana may mai-ambag akong may kabuluhan... at hindi lang puro kalokohan :)

ano yung PEBA at Kablog?

@sheng
wow naman! mas lalong nakakataba ng puso yan! professional poet :)

maraming salamat po!

pareng ever, maraming salamat ulit sa pagbibigay mo ng pahina sa iyong blog.

escape said...

magaling nga. buti naman at pinost mo rin to dito.

The Pope said...

Mahusay ang pagkakagawa, he's one great Filipino talent, I hope he can join PEBA 2010 and inspire OFW Families and the world.

Thanks for sharing Ever. God bless.

mr.nightcrawler said...

nice Roy... naks, nagaadvertise ka na rin ngayon ha? hehe. peace :P

Francesca said...

His blog is good, informative, but husband felt otherwise.

KRIS JASPER said...

clap! clap! clap!

Jena Isle said...

Hello Ever,

Salamat at pinaunlakan mo ang tula ni Roy. Napakaganda, akala magaling lang is Roy sa English, mas magaling pa pala sa tagalog.

Roy, puede ngang gawin kanta, kaya lang, iyong huling linya, pang comedy...he he he.

Bravo! kopyahin ko ha? igawa mo na lang ako para sa blog ko.

Ever, inaanyayahan kitang mag guest post sana rin sa blog ko. Kung pueded. Salamat.

Erick said...

hello bro! musta na? wow dami ng pagbabago dito sa bahay mo ah! Ayos yan!

Roy said...

@dong ho
maraming salamat po

@The Pope
maraming salamat po sa pag-appreciate sa likha ko. gusto ko man po sumali sa PEBA, mukhang di po ako qualified dahil hindi po ako OFW. ganun pa man, maraming salamat po.

@nightcrawler
hindi naman, nainip sa sariling pamahay kaya kailangan gumala paminsan-minsan

@Francesca
Thanks. I understand your husband, hindi naman kasi lahat sa blog ko informative, karamihan puro wala lang hehe... salamat ulit.

@Kris Jasper
maraming salamat bro!

@Jena
andito ka na rin pala. salamat sa pagbasa sa tula ko. ang daming ko na ngang tula sa blog mo. nag-aalala na nga ako, baka magsawa ka na hehe... salamat

@Ever
salamat ulit. ang saya pala mag-guest post dito. para tuloy gusto kong umulit hahaha!

Anonymous said...

wow naman.. ang mga luhang sobrang umagos ay titila din, magiging ok din kahit masakit...

Anonymous said...

Pacquiao vs Margrito
ang ganda nang nilikha mo dude.makakaiyak nmn.:)