Kung kuwentong OFW ang pag-uusapan, marami yan, di mauubusan -- daig pa ang pelikulang hit na hit sa takilya, mapa-drama, komedya, aksyon, at iba pa. Sige lang, basta tuloy tuloy ang buhay at pag-asa. Pwede ring ihambing sa telenovela. Yun nga lang walang bida o kontrabida --lahat may kanya-kanyang istorya. May simula, pero wala namang wakas!
Parang daloy ng ilog, tuloy tuloy, kahit harangan sadyang hahanap ng paraan para makadaan.
Pare-pareho ang umpisa ng kuwento: magkaroon ng magandang buhay sa Pinas. Isang altar na nanghihingi ng maraming sakripisyo.
Unang una na ang pagkakalayo ng pamilya. Maganda nga ang ipon, ngunit paguwi ng Pinas wala na ang asawa, sumama na sa iba. Maganda nga ang bahay, nagkaroon nga ng negosyo, pero di nakikilala ng anak. Kung sabagay, kaunti lang naman ito sa mga nangyayari sa buhay OFW. Marami pa rin ang panalo, marami pa din sa huli ay natumbasan ang hirap ng ginhawa at ligaya.
Pag ito na ang usapan, di na pansin ang oras. Madaling lumipas hanggang sa pagpikit na Pinas ang nasa isip, hanggang sa pagtulog na Pinas ang nasa panaginip. Gigising sa umaga sa masakit na katotohanang: “wala pala ako sa Pinas.”
Ang bukas ng isang OFW, araw araw iba na ang kwento.
Dito pumapasok ang tanong na “Bakit?
sundan ang Kwento sa POC kung bakit sa isang OFW ang salitang Hindi ay Di pwede.
15 comments:
Taray, Galing! Clap clap na clap clap ako sa iyo!
laban lang ng laban kaibigan :D at least alam mong hindi ka nag-give up..
hirap talagang kumita ng pera. pero mas mahirap naman kung wala kang trabahong aabutan sa pinas!
kapag ganito na ang usapan, wala ng katapusan. naiiyak na ako (penge ng tisyu).
check mo entry ni wandering potter tungkol sa ganitong scenario:
http://pamatayhomesick.blogspot.com/2010/06/kung-kuwentong-ofw-ang-pag-uusapan.html
yes... never give up... soon every little thing you did will have its own purpose...
Iba talaga ang dating ng pagsusulat mo pag may puhunan, tsong! : )
awh... ganun? ayaw magLIST sa blog list mo nung site ko... so sad naman... well, try mo na lng po ng itry... ehehehe thanks!!!
Iba iba talaga ang istorya ng buhay OFW. May pinalad, may nasawi. Para ring pakikipagsapalaran ng isang probinsyano sa Maynila.
totoong nga tong mga ganito. kakalungkot isipin pero nangyayari talaga. buti na lang at maayos ang pamilya namin nung umalis yung tatay namin at apat na taon lang naman siya.
Nice article! Keep it up!
Pards, just passing thru to greet you Happy Tatay's Day! : )
Hirap nga talaga ng buhay, pero sige lang, nandiyan naman ang Diyos. God is good naman. :)
Belated Happy Father's Day, Ever! More power!
I was once stranded for THREE long weeks in Madrid where I was fortunate to have stayed with the Pinoy OFWs who frequently visited their OWWA headquarters.I have never heard sooo many real teleserye stories from our kababayans til then: some funny and amusing, but majority were stories of heartaches and struggle. Turns out, real life is MORE "parang sine" - more eventful, more dramatic, more complicated than the movies. They have since become good friends though I've lost touch with many of them. But may God bless them!
Leaving your country is never a walk in the park.
Napamakata mo talaga pareng ever hehehe.
Naalala ko na naman ang Ama ko sa kwento mo. Marahil totoo na isa sa mga masaklap na mangyari sa isang OFW ay ang matupad ang pangarap na mapag-aral ang mga anak, subalit malayo ang kalooban sa kanila. Ganoon kasi ako, hindi kami "close" ng Ama ko, kahit lagi kami nagpapadala ng liham sa kanya. Hindi pa kasi ako pinapanganak, wala na siya dito sa bansa. Gayunpaman, mahal ko siya. Hindi ko nga lang siguro lubos na naipadama. Sayang.
kahit dito sa france; x2 or X3 ang sahod kumpara sa bansa mo, mga pinoy dito, 95% din sahod for Pinas, at 5% ,a lang sa pansarili.
Kaya mga french nagtataka, lakas daw hataw ng mga pinoy, pero walang pera.
BUHAY OFW!
Post a Comment