every friday wala kaming pasok,kaya thursday palang ng gabi handa na akong magpinta at magpuyat.at ito rin ang tamang araw para makapag mast...(makapag relax) ako.dito ko rin nagagawa ang mga trabaho na ralated sa painting,marami sakin ang nagpapagawa.at nagtatanong.
isang paint brush lang ang gamit ko pag nagpipinta (kung anu ang madampot kong brush yung lang ang gamit ko, hanggang sa matapos ko ito.di ako gumagamit ng tubig kung acrylic ang medium,maliban lang kung maglilinis ako.paleta at kamay(palad)ang suporta ko sa paggamit ng shading.madalas,lagi pala na may natitirang pintura at pinaghahalo-halo ko ito para gawin sa ibang kwadro o canvass,dito ko rin nailalabas ang tunay na hagod ng sarili ko.
pag may nagpagawa sakin,binabase ko yung painting sa gusto ng kausap ko.ewan ko ba,mas gusto kong buhayin sa painting kung anu ang nasa loob at iniisip ng ibang tao,kaya di ko pa itinuturing na isa akong painter o artist.
hanggang ngayon di ko pa mabasa ang sarili ko...pero unti unti, mas gusto ko ang type of painting na impressionism,surial and abstract.
malalim ang pagkaintindi ko sa mga painter,minamahal ko ang bawat hagod nila,pinag-aaralan ko ang galaw at meaning ng painting..marami akong gustong painter,isa na rito si Vincent Van Gogh.
natutuwa sila sakin,para daw akong buy one take one,di naman sinasadya.madalas kasi binibigay ko sa kanila ang natapos ko nang pinagawa nila at natapos ko nang sobra galing sa pinagawa nila.
(ito yung pinagawa)
ina at anak
40cm x 60cm
acrylic on board
(ito yung sobra)
anak at ina
acrylic on board/canvass
35cm x 40cm
47 comments:
Para sa akin, hindi ito "Ang Sobra." Maganda pa rin po!
Mas magaling nga siguro ang painting na binuhay mula sa isipan ng ibang tao, lalo na kung ito'y nagustuhan ng nagpagawa. Ibig sabihin, successful talaga ang painting at ang painter pag nakuha nya ang ini-request!
Request nga po ako ng painting, gawin nyo lang po pag may extra time kayo. Paki-post po rito sa blog niyo. Ang title ng painting, "Ang Magmamanok." OK lang po ba?
ayyusss ka talaga P talent mo..Pards galing sa simpleng di # 4 mo nagawa ka ng obra ma-ever ang dating hehehe...
Pinamigay mo lang yung "sobra" kamo? Alang hiya, kung ako ang papiliin eh, mas gusto ko yung "anak at ina".
really nice madonnas, kuya ever! you're really talented. :D
ganda ng last painting. ganyan talaga ang buhay painter. tatay ko nga pala architect at pag bakante sya ganyan din ginagawa nyae on pero more on monochrome.
rj,
hayaan mo pag di puno sched ko gawa ako ng magmamanok.:)
bomzz,
ha ha ha salamat!
blogusvox,
pards pareho tayo ng gusto,anak at ina. yun kasi ang nasa isip kong gawin.he he he. salamat!
acey,
salamat acey,pag sa madona malamang pareho tayo ng effect pag gumagawa ako...may pagkakahawig tayong magpinta.
dong,
hirap ako sa monochromatic painting,pero madalas pag black and white gaya ng erpat mo,nag pen and ink ako..wala lang kasi akong gamit ngayon.mas maganda ang hagod pag monochromatic,yan yun nakasanayan namin nung nag-aaral palang ako...salamat!
Pards, type ko rin ang impressionist style sa painting. Sa mga past artists na tiga-Europa, ang mga hinahangaan ko ay sina Monet at Pizarro.
As a matter of personal taste, parang mas magaan kasi sa mata ang impressionist style kaysa sa classical style of painting.
Tungkol sa pagbasa mo sa iyong sarili, just take your time, Pards. Maybe your style is still evolving pero sooner or later, lalabas din iyan. I look forward to that day. :) Ingat.
Ang ganda naman. Walang biro. Wag kang mag-alala, kapag mayaman na mayaman na ako, magpapapinta ako sayo. At ididisplay ko sa sala ko for all the world to see. :-)
nakikibasa. nakikipanuod sa maganda mong painting . ang galing mo.
panaderos,
pards, naiyak naman ako sa comment mo..he he he.mahilig karin pala sa impressinist style of painting.pgakakaalam ko nagsimula nga ito sa europa,marami kasing artist na ito ang porte dun.
salamat pards!
dyosa,
ha ha ha,salamat at bibilin pala ng isang dyosa ang gawa ko.:)
nanaybelen,
salamat po sa pagdalaw.:)
add ko po kayo sa blog list ko ha.:)
ganda nyang ina at anak a. very painterly. gusto ko ang ganyang style
Wow! Galing! Speechless ako! I am so impressed.
Pa autograph naman kuya ever. :D
next, NUDE naman! winkwink*
boss, pwede ba magpahagod, este magpapaint? sa pinas na lang ako magbabayad... :-)
randy,
ha ha ha..sa tagal nating magkakilala at isa ka sa mga hinahangaan ko pare..nagulat ako kasi appreciate mo yung ina at anak.ayos na para sakin yun.isang sikat na illustrator sa buong indi comiks at isa sa mga talentadong manunulat sa komiks at isa sa mga bumubuhay ng komiks sa pinas.salamat!
toni,
naku nakakataba naman ng puso.tenk u!
chyng,
ha ha ha,hayaan mong igawa kita ng nude...he he he.
r-yo,
walang problema pards,kahit libre.
saka nalang.......
ikaw bayad.ha ha ha.;)
haaayyy bilib talaga ako sa mga works mo...
naisin ko man magpinta, wala akong talento...
Everlito:
Magaling ka talagang painter. Bilib ako dyan sa mag-ina mo. Huwag mong ibenta iyan. Itabi mo at iregalo mo sa iyong mag-ina. I mean, what can be more nobler than that? Maganda iyan kung nakasabit sa loob ng bahay mo sa Pilipinas. Di ba?
Kaya lang... bawas-bawasan mo iyang MAST... masthead... design ng magazine na ginagawa mo... at baka MANGINIG ang iyong kamay ay hindi na namin makikita pa ang magaganda mong obra :)
Para tuloy gusto kong mamasyal diyan sa Saudi para panoorin ang pag-paint mo. On the other hand, baka pilitin akong pakainin diyan ng HILAW NA ATAY ng baka ay maging Vampiro pa ako. Balita ko'y dumudugo pa raw ang atay kung kainin ng mga tagariyan. Ikuwento mo nga kung totoo ito. At ewan ko lang kung may katotohanan rin ang mga KUWENTONG BARBERO, na may mga NAGAGAHASA raw na mga Pinoy diyan ng (hindi naman lahat) ng mga lalaking tagariyan na mga walang modo?
Aber, turan mo, kaibigan, kung gaano ba katotoo ang mga bagay na ito. Sensiya na, may lahing manunulat (at manunulot) tayo kaya interesado sa mga bagay-bagay na nakagigimbal.
timi,
salamat timi,basta nagawa sa isang kwadro maituturing itong art..:)
the coolcanadian,
salamat kaibigan...
hayaan mong sa mga susunod kong post saasgutin ko ang iyong mga tanong...salamat ulit!
KUYA EVER! KAMUSTA ANG PAGPIPINTA? :)
Hope you get to see the Van Gogh museum in Amsterdam...keep on painting and dreaming!
ang galing mo talaga. isa sa mga frustrations ko ang painting kaya naging photographer hobbyist na lang ako hehehe. bilib talaga ko parekoy.
I am super duper impressed with that painting, and I envy people who have a way with brushes, grabee... nice painting there.
padaan ulet... :)
joshmarie,
salamat sa pagdaan ha..:)
twin,
thanks pards..sana nga at pangarap ko yan..
lawstude,
ako naman isa sa mga gusto gusto kong gawin pero ayaw sakin ang maging potograper.:)..at hanga ako sayo dun repakoy.salamat!
lawstude,
ako naman isa sa mga gusto gusto kong gawin pero ayaw sakin ang maging potograper.:)..at hanga ako sayo dun repakoy.salamat!
sheng,
naku salamat po ha..ginaganahan tuloy akong magpinta.
maganda yung pangalawa
magkakano benta mo?
bryan,
depende sa gawa at medium,pero may mga ibang kumukuha ng painting mataas pa sila magbigay.marami kasi silang pera dito.he he he.starting to 50 K.D. pataas.
Ang galing mo talaga! At buy 1 take pa ha?Naaaks. Gano ka mag-pinta?
nice. ang galing naman.
ako.. walang katalent talent sa ganyan. =(
ishna,
salamat ha..:)
vanny,
magaling ka namang fashion model at fashionista!
PArehong maganda pero mas gusto ko yung pangalawa. Ako din pag nagpipinta, halos isang brush lang ang gamit ko unless hindi na talaga pwedeng isa lang at masyadong makapalyung gamit ko para sa isang linya.
rolly,
para sakin may kakaibang meaning ang inyong mga gawa tito rolly!..:)
Wow, wow and wow! Ang galing mo mag-paint
Post a Comment