11/03/2008

Malikhaing KoMiKS




nung time na madalas mawalan ng power ang kuryente,madalas akong tumambay sa tindahan ni aling Bining at madalas mag-arkila ng komiks. ito ang libangan ko umaabot ako ng halos tatlong oras sa pagbabasa o higit pa,daig ko pa ang nanuod ng sine.



komiks ang naging basehan ko rin sa pagdrawing,.dito ako nakakuha ng mga visual at shadow style..di lang ako partikular sa mga artist,pero madalas akong humahanga sa mga gawa nila.bumibilib ako at nabubuhay nila ang bawat istorya.para akong nasa loob nito at ako ang bidang inaabangan.


saan naba ang komiks sa pinas?..di ko alam kung bakit bigla nalang nawala ito,at kung tutuusin isa rin itong kultura natin,pero nawala at napabayaan..andyan parin naman ang komiks,sinasabi kong nawala ay yung pagpapahalaga dito,paglalabas ng kalidad,sabagay di naman masisisi ang iba,madalas kasi na walang budget para dito.


Ang isa sa mga nakikita ko para bumuhay dito si Randy Valiente ng Malikhaing Komiks.


ito ang buhay nya mula ng nag-aaral palang kami. isa sya ngayon sa kumikita ng dolyar sa komiks. at napublish sa readers digest na successfull komiks illustrator nuong november 2005 edition.


Maraming parte narin ng pagbabago ng teknolohiya pero sinisingit parin ang komiks sa kanyang trabaho.ginagamit nya ang komiks sa paghikha nya bilang web artist,bilang talentadong writer,at ngayon pinagkaka-abalahan ang pelikulang cartoon sa atin at kasama ng mga magagaling na artist sa pelikula, gaya ng "DAYO" na ipapalabas sa 2008 december filmfest.


ito ang kanyang likha:

balete


---------------------------------------

"Dahil ang kwadro ng Komiks ay hindi isang kahon"

36 comments:

Anonymous said...

Dahil sa komiks, natuto akong magbasa. Mas binabasa ko ito kaysa sa aklat naming Pepe at Pilar sa paaralan noon. Sampol... "Mahuhulog ako... E E E E E E E E E E!!!" : )

Anonymous said...

malikhaing komiks... hehehe. may comics pa ba ngayon? :)[arang nakaka-miss.

pamatayhomesick said...

blogusvox,
ha ha ha,pareho pala tayo ng binabasa nun,pepe at pilar.

akoy may alaga asong mataba buntot ay mahaba makinis ang mukha mahal nya ako mahal ko rin sya kaya kaming dalawa laging tumotoma.ha ha ha.

pamatayhomesick said...

joshmarie,
beybi ka pa siguro nun nung kasikatan ng komiks..he he he.meron parin mangilan-ngilan nalang ang komiks sa pinas.

Nebz said...

Ung Atsay ni Nora Aunor, nabasa ko sa komiks bago ko napanood kaya impressed ako dahil ung mga scenes e parang ung nakadrawing sa komiks.

Natapos ko ring basahin ang Bakekang, Harimanok tsaka Pieta. Favorite ko rin si Superkat tsaka ung mga drawings ni Larry Alcala kung saan hahanapin mo ung mukha nya dun sa kalipunan ng mga caricatures nya. Nakakatuwa.

pamatayhomesick said...

nebz,
isang parte talga ng buhay natin ang komiks,sikat din tayo nuon sa ibang bansa dahil sa ganitong talento.yung kay larry alcala..naalala ko rin madalas pa ang pustahan kung sino ang unang makakita sa kanya..he he he.

escape said...

astig! maganda nga yata itong dayo. bumalik na ang comics ngayon kaya lang hindi ko alam kung tatagal kasi konti na lang tumatangkilik. ito ay sa tulong ni carlo j caparas. naibalik nya ang mga comics yon nga lng napansin ko na wala masyadong bumibili.

Toni said...

sobrang peborit ko ang mga komiks...sa probinsya kasi nung bata pa ako, distributor kami ng dyaryo at komiks..so lahat nababasa ko..

nakaka miss...*sigh*

Anonymous said...

nice work!

Abou said...

kinalakihan ko rin sina niknok, zuma, medusa. at matagal ko rin pinag isipan kung bakit antagal matapos ng kwentong tubig at langis sa wakasan komiks.

pamatayhomesick said...

dong,

tama ka nito nasimulan uli ito ni caparas kasama ang sterling publication,marami rin publicity silang ginawa.nung una talagang pursigido silang maibalik,kasama din dito ang kaibigan ko si randy valiente.pero di pa nakakalahati,nagwatak watak na naman,di ko alam ang dahilan pero politics na naman ang dahilan ayun sa sabi sabi.

pamatayhomesick said...

toni,
talaga,buti kapa nasubaybayan mo ang komiks..pede paarkila.ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

acey,
thanks!

pamatayhomesick said...

abou,
hanggang ngayon di pa ata tapos ang novelang tubig at langis,ang alam ko lang ginawa nang pelikula ito.

pareho tayong niknok fan ng funny komiks.he he he.

Anonymous said...

kung sinasabi mo successfull ang taong ito.mahilig kasi dumikit sa mga pulitiko.

Randy P. Valiente said...

oo, siya yata ang political analyst ni obama :D

Randy P. Valiente said...

heheh. hanggang dito e ayaw ako tantanan...

Ishna Probinsyana said...

Hindi ata ako nakapag basa ng komiks. :| Bibili nga ako one time at babasahin ko. hehe. Ohh. Naalala ko na.

pamatayhomesick said...

randy,
langya pare,yung ibang comment dito para sayo,anonymous eh.ni reject ko,ito lang isa pwede..anak ng tipaklong grabe ang comment eh,pati sakin galit.he he he.sayang nga eh nabura ko di ko na ma retrieve.he he he.

di ko kasi kilala eh.wala akong masabi..

@anonymous,
salamat sa pagdalaw.hayaan mo sa sunod accept ko yung ibang comment mo.pwede naman simulan sa magandang usapan yan,di ko alam yung history nyo ni pareng randy eh.salamas! este! salamat pala

pamatayhomesick said...

ishna,
beybi ka pa kc nun..ha ha ha...

madjik said...

naalala ko yung planet op d eyps hehehe..

and speaking of comics, na miss ko tuloy bigla yung brother ko who worked as an illustrator for vincent kua's comic studio.

lagi yon may dalang komiks sa probinsya most of which ay yung mga nagawa nya.

Anonymous said...

my gosh, who would think na natuto akong magbasa dahil sa komiks, pero ngayon, I abhor Filipino komiks, they're not the type na pwede pa sa mga bata, ang anak ko, Archie COmics na lang ang binabasa, I never let him read Tagalog. Naalala ko tuloy ang Funny Komiks, meron pa ba nun ngayon?

RJ said...

Naabutan ko rin ang mga komiks! Wala kami sa bahay namin, pero sa mga pinsan kong kapit-bahay namin, marami. Nakikibasa nalang ako sa kanila.

Ang mga komiks, kumpleto rin sa tema. Lahat, may action, comedy, drama, at sexy/rated R, etc.

Napalitan na yata ng pagba-BLOG ang komiks?! o",) At ang salitang 'drama' ay 'EMO' na ang tawag sa blogging!

dodong flores 도동 플로오리스 said...

Nakaka-miss ang komiks! TV na kasi ang in ngayon...

pamatayhomesick said...

madjik,
talaga nakasama ni vincent kua yung utol mo..ayos ha...sayang nga ang lumipas na si kua.

pamatayhomesick said...

sheng,
di ko alam kung meron pang funny komiks,pero tama ka,komiks din ang basehan para matutong bumasa ang mga bata,gaya ng archie comics.

pamatayhomesick said...

rj,
uu nga eh,pero mas maganda siguro kung maibalik natin ang komiks,sa palagay ko,kasama ito sa ating kultura nuon.

pamatayhomesick said...

dodong,
salamat sa bisita....marami na kasing alternative kaya siguro nawala ang komiks,isa pa tumaas ang bilihin kaya sa mga kailangan nalang nila ang binibili...tv,cellphone,internet,yan ang isa lang sa dahilan ng pagkawala nito.

Anonymous said...

ever, link kita sa blog ko ha, hope okey lang!

Ken said...

ever, nagdream ako, haha, di kau kasali ni nebz at ed or blogusvox, kasi pera yung dream ko.

Mahilig din ako sa komiks nuon bata pa ako. may komiks stand nga kami sa bayan.

Kaya lang nalugi kami...hehe

pamatayhomesick said...

sheng,
naku ok lang..i already add you on my list.salamat!

pamatayhomesick said...

kenji,
ha ha ha,sana kamasa kami...

siguro nung time nayun,bumabagsak na ang komiks..

madjik said...

you can visit my bros entry about komiks and vincent kua.

http://mikimonster.blogspot.com/2006/02/art-trip-10-in-memoriam.html#links

http://mikimonster.blogspot.com/2006/02/art-trip-10-in-memoriam.html#links

^_^

pamatayhomesick said...

madjik,
nakapasyal ako sa blog ng utol mo...marami pa palang nagmamahal sa larangan ng komiks hanggang ngayon..di na ito mawawala.salamat pards.

madjik said...

hello. another link from him supposedly kasama dun sa una kong binigay but mali lang pagka paste hahaha..

http://mikimonster.blogspot.com/2006/02/art-trip-9-farewell-to-friend.html#links

atto aryo said...

naiinggit nga ako dito sa japan dahil buhay na buhay ang komiks (manga). sana mabuhay uli siya sa pinas.