10/19/2008

pag WaLAng mAgaWa





maliban sa pag-babati ng itlog(masarap kasi ito sa almusal pag may sinangag).pag wala akong magawa at para PAMATAY HOMESICK narin.ganado akong mag pinta.
my sketch and my painting
higa (series 2)
acrylic on canvass
40cm x 60cm

47 comments:

RJ said...

Interested lang po akong malaman kung sino ang model?

hahaha!

Toni said...

wow ang galing naman talaga! multi-talented si kuya ever! :)

Everlito (ever) Villacruz said...

rj,
sa isip ko lang yun painting...he he he

Everlito (ever) Villacruz said...

toni,
talagang kuya ever ha..he he he.salamat!

acey said...

pero ang productive ng time mo, ever. i envy you because you have the time and creativity. your painting is beautiful. ang galing mong mag-pinta ng porma ng babae. :)

by the way, you're in the middle east, diba? safe ba ang paintings nyo? i heard that because of islam, many paintings representing living things have been torn up...

Everlito (ever) Villacruz said...

acey,
naku salamat!,maliban sa impressionism at surialism porte ko talaga ang hubog ng katawan,para kasing maraming kahulugan ang ipinapaliwanag nito.

dito ako sa lupang buhangin(middle east)kuwait.may ibang pagkakataon na bawal ang ganito,pero paunti unti,appreciate na nila.pero sa exhibit di ko nilalabas ang ibang painting ko..pero ulit,marami ang bumibili nito dito at mas mahal pa nilang binabayaran.

madjik said...

Ang galing galing naman kuya ever! Toink! naki kuya din daw eno:p. Wish ko nga mag paint din kaso ung paint ayaw talaga sa kin e.. Model na lang kaya? Arggh!

Panaderos said...

Very nice work, Pards. Tanong ko lang Pards kung gaano katagal inabot ang pag-pinta mo from start to finish?

Salamat. Ang galing mo!

Chyng said...

mahusay!

bakit ako di makapagdrowing man lang ng maayos??

r-yo said...

teka ha, linawin ko lang. nagbabati ka ng itlog (na pang-partner sa sinangag) habang pinipinta ang mahubog na katawan ng modelo mo? galing! :-)

BlogusVox said...

Sa palagay ko basta medyo "abstract" at walang "frontal nudity" okey dyan. Sana, balang araw, makapag lagay din ako ng obra mo sa dingding ng bahay ko.

Ishna Probinsyana said...

Ang galing galing mo naman! :) ako, batang stick lang yung kaya ko idrawing! hahaha! Nice, nice, Ever! =)

the donG said...

astig! may model ka ba dyan?

Everlito (ever) Villacruz said...

madjik,
talagang may kuya..ha ha ha..sabi ko naman sayo mag mag madjik kalang kaya mo magkaron ng model.he he he

bomzz said...

ang luffit mo talaga bro di number 4 habang nagpipinta hehehe

Everlito (ever) Villacruz said...

panaderos,
moody ako gumawa pards,makikita yun sa mga painting ko...pag nasa kondisyon gaya nung painting ngayon,15mins tapos na.pero minsan umaabot ng buwan bago matapos.

salamat pards!

Everlito (ever) Villacruz said...

chyng,
kaya mo rin yan basta simulan mo sa isang puting papel.

Everlito (ever) Villacruz said...

r-yo,
teka masubukan nga yun mamaya,makapagbati ng itlog habang nagpipinta..ha ha ha.

Everlito (ever) Villacruz said...

blogusvox,
extreme ang tao dito,extreme na salbahe,pero extreme din pag mabait.

kaya nus nus(half)din. meron pwede at meron hindi.

wag ka mag-alala pards,padalhan kita ng isa sa mga painting ko.
saka na lang...






saka nalang ikaw bayad..ha ha ha

Everlito (ever) Villacruz said...

ishna,
dyan din ako nagsimula sa tingting na drawing..basta try mong lagyan ng laman.makikita mo mabubuo yun...salamat!

Everlito (ever) Villacruz said...

the dong,
ha ha ha,wala pards sa isip ko lang yung painting...he he he

Everlito (ever) Villacruz said...

bomzz,
pards napansin ko yung de- kwatro ko ha..ha ha ha...mababa kasi yung painting kaya dun ako komportable..he he he.:)

minsan nga nakahiga ako magpinta..ha ha ha.

rolly said...

buti ka pa nakakapag pinta. Matagal tagal na rin akong di humawak ng brush.

Naalala ko yung painting ni Goya dito.

Everlito (ever) Villacruz said...

tito rolly,
naku salamat ha..karangalan ko at appreciate mo yung painting,sa gaya mo na hinahangaan ko rin.
salamat!

Nebz said...

Magpapadala ako ng picture ko. Nude. Hindi frontal. Bawal. Pakitransfer nga rin sa canvass.

Ever...ever...narinig mo ba ako?

Ay, natakot.

TENTAY™ said...

naman ang galing. ipinta mo din ako habang umiinom ng suka. looool!

Everlito (ever) Villacruz said...

nebz,
ha ha ha,pards asahan ko yung picture mo ha...

Everlito (ever) Villacruz said...

tentay,
magandang porte yun, pang commercial model.

anu kaya ang lasa pag ang suka ay hinaluan ng patis?

Ishna Probinsyana said...

Naku, hindi na ako umaasa Ever, hahaaha! I accepted the fact na na I don't have a talent like yours! HAHA. Galing, galing talaga!

onatdonuts said...

napakahusay mo ever!

nakapag-exhibit kanaba? dapat mag-exhibit ka pagbalik mo sa pInas! galing galing!

timi said...

Galeng!
Btw, link kita ha!

Everlito (ever) Villacruz said...

onats donuts,
salamat pards,sa pinas di pa,pero dito sa kuwait meron na,kaya lang minor exhibit lang,pero may exhibit ang grupo sa feb.2008 dito sa kuwait.

Everlito (ever) Villacruz said...

ishna,
kaya mo yan,galing mo nga sa fashion eh...:)

Everlito (ever) Villacruz said...

timi,
salamat sa pagpasyal ha.

add din kita ha.:)

timi said...

syur...salamat na rin sa pagdaan sa bloggie blog blog kow.

magkaka-exhibit pa lang or tapos na? 2008 kasi date na ti-nype mo pero future tense ang gamit mo...naguluhan si bobong ako...san yan kung pede madaan kami ni bebe...

JoShMaRie said...

very talented ka talaga kuya ever! :)

keep it up. :) meron akong mahiwagang lubid...ihahagis ko sayo jan. kapit ka lang ng mahigpit para makabalik ka ng pinas. hehe. :) ingats po jan.

Dakilang Islander said...

ang galing naman ng talento mo! pahiram..hehh

Everlito (ever) Villacruz said...

timi,
feb 2009 po yun,churi po mali yung type ko..he he he.;)

Everlito (ever) Villacruz said...

joshmarie,
ha ha ha,ang mahiwagang lubid..kaya lang wag san sumabit sa leeg ko..ha ha ha.;)

Everlito (ever) Villacruz said...

dakilang islander,
pards basta pahiram ng camera mo..he he he.;).salamat!

JoShMaRie said...

kumusta ang pagpipinta? hehe. ;)

Lawstude said...

ang galing galing naman talaga ng parekoy.

Everlito (ever) Villacruz said...

joshmarie,
medyo busy ako ngayon eh.salamat!

Everlito (ever) Villacruz said...

lawstude
salamat repakoy!

edgar said...

Teka parang stressed yata ang mga muscles ng model mo,takot ba siyang magpose diyan ng nude diyan.Anyway bilib ako talaga sa iyo dahil na iproject mo ito sa canvass mo.

caryn said...

syet, miss ko na ang magsketch at mag-paint. i used to do nudes too. hehehe.

Everlito (ever) Villacruz said...

caryn,
talaga..huwaw!simulan mo ulit.pampalipas to ng oras,ito rin ang ginagawa kong pamatay homesick!