Di ko alam kung bakit masyado akong apektado pag may nakikita akong bata na pinoy dito sa Kuwait ,iniisip ko kasi kung pano sila makakapaglaro ng malaya ,oo nga at may mga amusement playground dito,pero para sakin kulang yun para maranasan nila yung time na naglalaro ako sa labas ng bahay,tanghaling tapat na naghahabulan,syato,piko,kalog ng tansan,turumpo,goma,labanan ng gagamba,salagubang.yung mga extreme na laro sakin nun ay yung Sumpit na nagnenenok kami ng buto ng monggo sa palengke,na madalas grupo kayo na para kayong naglalaro ng paint brush,pinagkaiba nga lang nito nasa loob ng bibig mo ang monggo at hihipan mo sa straw,para tumalsik,masakit din ito at minsan naranasan kong malunok ang monggo sa pagmamadali na makatama sa kalaban. Ang isa pang laro na extreme para sakin ay yung Pilipit ng Tansan,pipitpitin mo yung tansan at lalagyan mo ng tali sa gitna at papaikutin para panlaban medyo delikado ito kasi magkaharap kayo at magpapatidan ng tali,madalas akong pagalitan ng nanay ko pag naglalaro ako nito.
At syempre ang mga larong walang kamatayan,gaya ng Taguan pong,Patentero,Tumbang preso at syempre ang Sipa.dahil madalas naming laruin ito tuwing kabi,pagkatapos ng hapunan ng alas-sais,matatapos ito hanggang alas- nuebe ng gabi,para magtakutan at magtakbuhan naman pauwi.
Meron ding larong seryoso – Bahay bahayan,Tinda tindahan,Luto –lutuan,pwede tong pagsama-samahin,depende sa grupo nyo..na para kaming matatanda na talaga, dahil gumagamit ng tutuong pagkain na lulutuin,pero gamit naming pera ay dahon,na kunwari pambili naming sa tindahan.
Ganito lang kasimple ang buhay bata nun,pero isa sa pinakamaligayang karanasan ko ito nung akoy bata pa…at syempre iba na ang hererasyon nila ngayon at may mga bago narin silang laro.kahit pa sabihing may text at internet na silang alam,mas gusto parin nila ang maglaro ng maglaro para maranasan ang pagiging isang BATA…ANG MALAYA!
32 comments:
May kalayaan nga ang isang bata, kalayaan sa mga suliranin sa buhay. Yun lang ang gusto ko sa pagiging bata.
Bukod doon, parang wala na. Pakiramdam ko kasi tapos na ako sa ganung stage, though nahihirapan talaga akong harapin ang buhay, kinakaya ko naman ito dahil nasasabik naman akong malaman kung ano ang maibibigay nito sa akin sa hinaharap.
Balik tayo sa laro, tama ka, iba na nga ang mga laro ng mga kabataan ngayon... Masyado nang makabago, dahil sa teknolohiya.
rj,
pards...ganda ng panimula mo ah..aabangan ko yung iba mong post sa blog moh..salamat!
pareho lang tayo wala na sa ganung stage,pero pumupukaw parin sa isip ko pano na yung batang nasa ibang bansa...nakakalaro pa kaya sila gaya ng laro natin nuon?
kulang ka pa kuya ever (kuya daw???).nakalimutan mo ang jolens, langit lupa,doctor quack quack,tex,goma, 10-20 o kaya chinese garter sa babae ...hahaha
nung bata tayo, gusto nating tumanda agad. now na matanda na tayo, gusto nating bumalik sa pagkabata! bakit ganun?
nakaka miss maging bata...*sigh*
toni,
ha ha ha,opo,kulang po yung laro na nabanggit,yun lang kasi ang natandaan ko.he he he.tumatanda na talaga ako.ha ha ha. uu nga noh,marami pa pala,anu pa kaya yung iba?
p.s.
talagang kuya ever...ha ha ha!:)
wag mo lang masyado ibulgar..:)
kids here in png suffer the lack of social interaction too
bryan,
kasa siguro ang bata kulang sa pansin,nag-iiba ang ugali nila,nagiging bugnutin at laging nagpapasaway.
wala talagang tatalo sa pagiging bata...
:) masaya talaga!
Natuwa lang ako sa blog mo... Hindi kita masisi para isipin na ibang-iba na ang larong pambata ngayon.
na miss ko naman bigla yung days na maghapon kaming naglalaro sa tabing dagat....*sighs*
joshmarie,
korek ka dyan mare(este! marie),
masdan mo ang mga bata..ang liwanag ang siyang makikita.:)
embracing,
salamat sa pagdalaw!
ang mahalaga nakakapaglaro sila ng malaya..wag lang masyado sa net.
add kita sa blog list ko ha.:)
madjik,
sama moko sa larong madjik ha,minsan masarap magbalik sa pagiging bata.
bigla ko tuloy naalala yung kalaro ko sa bahay bahayan noon. nasaan na kaya si jenny?
X-sport namin nuon yung bibilotin ang papel tapos ipambala sa lastiko.
Noong nagbibinata na ako ang gusto kong laro bahay-bahayan. Ako ang tatay tapos yung kapitbahay naming maganda ang nanay. : D
uy me dagdag ako... yung rubber band na pinipitik. andami ko nakolekta dati. source of income din yun dahil nabebenta mo yung napanalunan mo. :-)
mahilig akong umakyat ng puno noon. puno ng bayabas, puno ng chico, puno ng avocado, puno ng aratilis, tambis, tisa...ets.
gusto ko mang akyatin uli ngayon, wala na, putol na lahat yun.
lawstude,
sino kaya si jenny...ha ha ha
blogusvox,
pareho pareho kayo ng iniisip ni lawstude,gusto balikan yung bahay bahayan...ha ha ha.pinagkaiba lang mas gusto mong maglaro nung time na nagbibinata ka.he he he.:)
ryo,
ay uu nga pala,lastiko,madalas ko rin laruin yan,nakakbuo pako ng voltes 5 at star sa kamay gamit ang lastiko.
abou,
pare mukhang sanay kang umakyat..di kaya madalas mo lang gawin to pag may naliligo sa banyo sa probinsya nyo...bwaha ha ha..
ayan tuloy pinutol ng kabit bahay nyo.
Nakakamiss din maging bata. Yung ang poproblemahin mo lanh eh yung hindi ka makaaknood ng cartoons kase manonood ng telenovela ang nanay mo. haha.
Nakakaaliw yung mga laro dati. Sobrang pinagpapawisan at naeexercise ang mga bata. Eh ngayon, bihira na yung nakikita kong naglalaro nung mga tradisyunal na laro. :)
oo nga. kakalungkot ang ganyan. naalala ko tuloy ang kaibigan ko na sa dubai sila lumaki.
isnha,
ha ha ha,ok yung sa cartoons.natawa ako dun ha..kaagaw nga pala sa tv ang mga nanay dahil sa telenovela..he he he...buti ka nga naabutan mo ang tv colored na,ako naabutan ko pang tv black and white...:)
the dong,
kung sa dubai sya lumaki..malamang di nya nasubukan ang mga larong bata satin...pero sure ako kung umuwi sya ng pinas una nyang hahanapin ang barkada.tamang bonding ang dating.salamat!
i remember yung taguan and those stick-games we called "shatong" in davao. i remembered having broken something when the wood hit some glass. haha. enough of those memories. my niece is now busy with her psp and she's just 5 years old. iba na ang laro ng mga bata. i think we had more fun when we were kids. sa tingin ko lang.
eye in the sky,
oo nga eh,ibang iba na ang laro nila ngayon base na sa teknolohiya...masasabi kong mas nakaka-aliw ang mga laro natin nuon.
hehe. pwede ka ata sa 163 mga rights ng children itaguyod mo. haha. =)
namiss ko to.!! =)muling nagbabalik (sana..)
ano ba ang mga laro ng bata jan?
i agree, dapat maranasan pa din ng mga bata na maglaro sa labas, di lang laging video games.
tentay,
naging masarap ang lasa ng patis,sa iyong pagbabalik...:)
p.s.
madalas kang hanapin ni datu puti ang sukang itim,na mahilig din sa patis.
chyng,
walang laro sa labas ang mga bata,puro amusement,di tulad satin sa pinas..na malaya kang maglaro sa labas.
(nakuha mo yung punto ko.salamat!)
Mukhang may mga AMNESIA na kayo, ha?
Sukat ba namang malimutan ninyo ang TRUMPO, HOLEN at KAREKA NG BANGKANG PAPEL. nariyan pa ang SARANGGOLA. BARIL-BARILAN. ESPADAHAN.
Pero, palagay ko, isa man insyo ay walang naglaro sa nilaro ko noong bata pa ako.
Pinatatayo ko sa puno ng siniguelas yung kaibigan ko, nakadipa, at may hawak akong sampung punyal na iniispin ko nang pahaging sa katawan niya. Laban kayo dito?
Mas paborito ko pa yung ibinubukas ko ang aking palad (with splayed fingers), tapos, napakabilis na tutusukin ko ng punyal ang in-between ng aking mga dailiri. Sunud-sunud iyon. Nahuli ako minsan nung teacher na madre sa klase at ako'y pinagdasal ng isandaang ABA GINOONG MARIA :)
the coolcanadian,
astig yung mga laro ha...wala yan sa lolo ko..he he he...
salamat sa pag-add ng iba pang laro...marami paring laro ang hindi nabanggit,masyado kasing mahaba ito kaya yun lang ang natandaan kong mga nilaro ko nung bata pako...di ko na sinama yung karera ng pagtawid sa alambre..he he he.:)
Post a Comment