every friday wala kaming pasok,kaya thursday palang ng gabi handa na akong magpinta at magpuyat.at ito rin ang tamang araw para makapag mast...(makapag relax) ako.dito ko rin nagagawa ang mga trabaho na ralated sa painting,marami sakin ang nagpapagawa.at nagtatanong.
isang paint brush lang ang gamit ko pag nagpipinta (kung anu ang madampot kong brush yung lang ang gamit ko, hanggang sa matapos ko ito.di ako gumagamit ng tubig kung acrylic ang medium,maliban lang kung maglilinis ako.paleta at kamay(palad)ang suporta ko sa paggamit ng shading.madalas,lagi pala na may natitirang pintura at pinaghahalo-halo ko ito para gawin sa ibang kwadro o canvass,dito ko rin nailalabas ang tunay na hagod ng sarili ko.
pag may nagpagawa sakin,binabase ko yung painting sa gusto ng kausap ko.ewan ko ba,mas gusto kong buhayin sa painting kung anu ang nasa loob at iniisip ng ibang tao,kaya di ko pa itinuturing na isa akong painter o artist.
hanggang ngayon di ko pa mabasa ang sarili ko...pero unti unti, mas gusto ko ang type of painting na impressionism,surial and abstract.
malalim ang pagkaintindi ko sa mga painter,minamahal ko ang bawat hagod nila,pinag-aaralan ko ang galaw at meaning ng painting..marami akong gustong painter,isa na rito si Vincent Van Gogh.
natutuwa sila sakin,para daw akong buy one take one,di naman sinasadya.madalas kasi binibigay ko sa kanila ang natapos ko nang pinagawa nila at natapos ko nang sobra galing sa pinagawa nila.
(ito yung pinagawa)
ina at anak
40cm x 60cm
acrylic on board
(ito yung sobra)
anak at ina
acrylic on board/canvass
35cm x 40cm