9/29/2008

panibagong araw!


naisipan kong maglakad-lakad.ganito lang yung ritmo ko pag gusto kong mapag-isa.maganda na ang panahon dito at di na masyadong mainit,di narin masyadong umuulan ng buhangin(sandstorm).di sinasadya,parang pati panahon nakikiayon sakin,nakikisama ang paligid,naglalaro ang hangin,ang dagat tahimik,di ko alam kung anong lugar na ang nabaybay ko,pero sa paglalakad kong ito,marami akong natutunan...bukas may panibagong araw!

37 comments:

Abou said...

buti naman kung ganun, akala ko nasa depressed mode ka e he he

ang ganda naman ng pic!

Anonymous said...

ang nice naman... emo-emohan..hehe. :)

madjik said...

dahil moment mo, i feel you.
intro ang makabagbag damdaming BG music...

o sya sabay tayo mag emote.

hello po uli bossing.

Anonymous said...

pacomment po ha...ganda ng picture..it shows lots of hopes and success...wish ul have it..
at tama ka natatapos din ang araw..

rolly said...

magandang aktibidad ang paglalakad. Hindi ka lang nakakapag-exercise, nakapagmumuni-muni ka pa't nakapagpa-plano ng mga dapat mong ginawa o gagawin pa lang. Mabuti't nakakapaglakad ka.

Oman said...

wow parekoy, talentado ka talaga. isang alagad ng sining na dapat hangaan. mabuhay ka.

Chyng said...

well dito naman sa Pinas ay signal number 2 sa Manila!

pamatayhomesick said...

abou,
di daw bagay sakin ang depressed mode..ha ha ha.

yung pic,kinunan ko dito sa kuwait tapos medyo nagpa-praktis ako ng graphics, kaya medyo nag add ako ng drama ng kulay..balik ako dun sa lugar pag may time para ipinta ko on the spot location..he he he.

pamatayhomesick said...

joshmarie,
ay! tenk u!..he he he..kakatuwa yung comment mo,emo-emohan..ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

madjik,
hahaha...dami mo rin alam na kalokohan noh...salamat sa pagsabay!

pamatayhomesick said...

anonymous,
malalim at nakakarelate ang iyong comment sa pag post ko ng picture...nakuha mo ang ibig kong iparating!..salamat!

pamatayhomesick said...

rolly,
salamat...oo nga maganda ang naging simula ko kinabukasan sa paglalakad ko...salamat!

pamatayhomesick said...

lawstude,
salamat parekoy,sa blog mo ako kumukuha ng style sa pag picture,picture!.he he he.

pamatayhomesick said...

chyng,
oo nga eh,balita din dito,may bagyo na naman sa pinas...ingat!

PoPoY said...

hindi ako emo everlito.huwaw rayming lols :)


salamat sa pagdaan sa blog ko.yebah!!!

pamatayhomesick said...

popoy,
danda kasi blog mo...

Ishna Probinsyana said...

Yees naman. Nainspore tuloy akong mag emote din. :))

Anonymous said...

reading this was like reading poetry! very nice, ever. :)

Panaderos said...

Madalas din akong maglakad-lakad lalo na pag Sabado o Linggo. Malayo rin ang aking nilalakad (11 kilometers) dahil exercise ko na rin ito. Pero ang kagandahan talaga sa paglalakad, lalo na't kung nag-iisa ka, ay nakakapag-isip ka nang malalim tungkol sa mga bagay-bagay. Nagkakaroon ka ng panahon para sa sarili mo, nakakapag-munimuni ka and before you know it, may mga naiisip ka nang solusyon sa problema or nakakapag-plano ka kung ano ang susunod na gagawin sa buhay.

escape said...

yang ang maganda dyan. araw araw ay may panibagong pag asa.

Toni said...

Anumang unos ang nagdaan, laging may araw at magandang bukas na sisikat.

pamatayhomesick said...

isnha,
palitan na natin ang emote mode,gusto ko masaya ka lagi..:)

pamatayhomesick said...

acey,
salamat acey.:)

pamatayhomesick said...

panaderos,
paraho tayo pards,ganun din ang ginagawa ko,lakad ng lakad,nakakatulong sa pagbubukas ng diwa sa lawak ng paligid.

pamatayhomesick said...

the dong,
salamat pards...kaya madalas kong abangan ang post mo..kasi para narin akong naglalakbay!

pamatayhomesick said...

toni,
ang galing naman,may magandang araw na sisikat...

onatdonuts said...

ganyan din ako kung magmuni-muni...lakd lang ako ng lakad.

hay ang buhay nga naman... anumang bumabagabag sa iyong puso't isipan..kaya mo yan tsong

BlogusVox said...

Ang ganda ng touch-up mo sa pic ah. Ganyan 'dre para ma-ibsan yang "blue period" mo.

pamatayhomesick said...

onat donuts,
salamat pards!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
pards,ayos yung blue period.he he he.

atto aryo said...

as in, ikaw ang me picture nyan? isa kang henyo! galing, honest.

pamatayhomesick said...

ryo,
naku..salamat pards...medyo nag-aaral ako mag graphics..hayaan mo at pagbubutihan ko pa.

Anonymous said...

emo-emo.

pero totoo yan, bukas ay panibagong araw. :-)

Nebz said...

Makata! Alalaumbaga'y sisinag din ang kariktan ng haring araw sa paggising sa bagong umaga. Or something.

Maganda ung pagkakakuha mo sa haring araw. Pang-photo frame.

Dalaw mo naman ung bago kong blog dahil (sa katangahan) nabura ko ung dati. Ewan ko ba.

http://isladenebz.blogspot.com

pamatayhomesick said...

dyosa,
ha ha ha,kulang kasi ako sa kape..he he he.;)

pamatayhomesick said...

nebz,
try ko nga kailan lang,kaya pala walang lumalabas(error)...pero ngayon ok na nakapasyal nako.pards..makata karin pala..pero bagay sayo ang pure english poetry..ha ha ha.

karenina said...

nice picture. =)