9/06/2008

On ToP....


nakapasyal ako sa blog ni blogusvox ang THE SANDBOX...minsan lang ako makarelate sa ganitong pangyayari pero itong MENSAHE...tungkol sa pag-aaral ng bata..ang hirap pag ang sitwasyon ay ganito.mas may pressure sa mga magulang pag ang bata nasanay tayong on top of the class..ganito rin ang nangyayari ngayon sa prinsesa ko.mula kinder at ngayong grade 2, siya ang top1 always..pero mapapansin na mas at mas pa ulit. nagiging kompitesyon ito sa mga magulang..nangyari ito ng umalis ang section teacher nila sa school so kailangan ilipat sa ibang section ang mga bata kasama na ang aking prinsesa.ang siste, narinig ko ang usapan ng mga magulang: ayaw nilang malipat ang anak ko na makasama ng kanilang anak sa section..di ko alam kung bakit,matatalino at marurunong ang section na lilipatan ng prinsesa ko.kung tutuusin a head sila sa klase.sa bandang huli wala namang silang magawa dahil tugma at tama naman ang ibang guro sa bilang ng estudyande na kanyang lilipatan,sa madalit salita pasok at bago na ulit ang section ng prinsesa ko...naisip ko lang,kung may pagkakataon na ganito bakit tayo matatakot sa kakayahan ng bata...or di naman kasi namin iniisip kung magiging top ba? o ok lang ang prinsesa namin,basta gusto naming i enjoy ng bata ang pag-aaral.paglalaro.at syempre ang pagiging TOP 1 na naman ng aking prinsesa(Graziel Eve Villacruz)...he he he...

32 comments:

Anonymous said...

O nakita mo na. Ayaw nilang nandoon ang anak mo dahil "threat" siya sa "grade standing" ng kanilang anak. Hindi nila matanto ang kasabihang "Kahit gaano ka katalino, merong mas matalino kaysa sayo".

pamatayhomesick said...

blogusvox,
oo pards!may punto ka.siguro para sakin nasa pagdadala rin ng mga magulang kung hanggang saan ang maitutulong nila sa mga anak...salamat nalang sa prinsesa ko hanggang ngayon nagpursige sya mag-aral.

yun nga ang hindi ko pa naiintindihan ngayon...para sakin as long na nakakaintindi sa klase at nag-aaral naman ang bata,..kailangan lang ng support ng magulang depende kung anu na ang kalabasan...salamat pards at unti unti kong natututunan ang mga ganitong sitwasyon..isa palang kasi nga beybi ko kaya siguro andun yung full support...salamat ulit!

Ken said...

she is ur tanging yaman ever. Congrats on all your doings.

lei said...

congrats! minsan nasa genes din yan e.. hehe

pamatayhomesick said...

kenji,
salamat ha..ganda naman isang tanging yaman!

pamatayhomesick said...

lei,
ayos ha!..oo nga noh..nasa gene talaga mana sa dadi! he he he..

Randy P. Valiente said...

uy ayos! heheeh mana sa ninong!!!!!!

pamatayhomesick said...

randy,
ha ha ha..angkinin ba ng ninong ang kamanahan...he he he

pre balik na ulit ako within this week,balik trabaho na naman sa lupang buhangin...hayyyyy!

Randy P. Valiente said...

ingat na lang, pre. see you next time ulit. next year pag nakauwi ka

Unknown said...

Tama ang sinabi mo talagang pressure ang magulang pag ang bata ay matalino,kaya kahit na nasa malayo kang lugar pag kinausap mo ang iyong anak palagi ang bilin mo na mag aral na mabuti o panay ang tanong mo kung tinapos niya ang kanyang homework he he he, pero alam mo naman na kahit matalino ang bata pag nagpabaya ito sa pagaaral o nagkulang sa support ang magulang wala itong kahihinathan.

escape said...

pressure nga. may ibang school talagang nagdedemandahan na dahil sa away ng mga grado ng anak na nag eexcel sa klase.

Abou said...

magaling mag alaga ang asawa mo. congrats sa inyong dalawa

pamatayhomesick said...

edgar,
ang laki talagang bagay yung suporta ng magulang.at tama ka ka dun pards.

pamatayhomesick said...

the dong,
ay! correct pards..ganito yung nangyari nung isang taon...at meron pa din yung magulang ayaw sa teacher kaya naman nilipat din nya ng school yung anak,ayun ganun din ang nangyari...salamat dong.:)

pamatayhomesick said...

abou,
salamat pards,at syempre tama ka,dahil sya ang nag-alaga nung time na wala ako dito.

pamatayhomesick said...

randy,
salamat pre!..kita nalang tayo ulit sa giggles! este! googles pala.:)

Dakilang Islander said...

pressure din sa bata ang pagiging top 1. lagi din akong bata pa pero ewan ko ba naging boploks na ako paglaki heheh

Chyng said...

wow, 92.86&

pag ganian ba, worthy lahat ng pagod sa work ng isang magulang! congrats, you are lucky! (an your daughter is lucky too for having you as her father!)

Oman said...

wow. one proud daddy tayo ngayon ah. congrats.

thanks din sa birthday greetings. i truly appreciate it. linked your blog too. take care.

pamatayhomesick said...

dakilang islander,
ha ha ha..pwedeng itawag din sakin yun ah...pareho lang tayong boploks's..:)

pamatayhomesick said...

chyng,
salamat ha..oo mga eh.sarap ng pakiramdam...pag nakikita na lumalaking mana sa dadi ang anak..he he he,:)

pamatayhomesick said...

lawstude,
proud daddy ever ang dating ko ngayon! yahooo! yahooo!
salamat!

Ishna Probinsyana said...

Naku ganun talaga. Mas dinidibdib nung ibang magulang yung kompetisyon, hehehe. Naks, ang galing ng anak mo! :) You must be soo proud.

pamatayhomesick said...

ishna,
ako na yata ang pinakamagandang lalaki !este pinakaswerte pala sa prinsesa ko..salamat!

Anonymous said...

CONGRATULATIONS!!! Your blog has been chosen as a nominee in PINOYWORLD BLOG OF THE WEEK.

Panaderos said...

Congratulations, Pards! Mapalad ka na matalino at mabait na anak ang iyong Prinsesa. You must be very proud of her and rightly so. Sana ay huwag magbago ang iyong bulilit. Magiging napakaganda ng kanyang kinabukasan.

Ingat, Pards! :)

Anonymous said...

ang galing ng princesa mo, kuya ever! is she creative, too? they say kids with parents who are artists become artists and top their classes, too. :)

Panaderos said...

Nawala iyong pinost kong comment dito. :-(

Anyway, congrats uli, Pards. You're very lucky to have such a smart and good child. Sigurado ako na marami pa siyang ibibigay na kaligayahan sa iyo. Congrats uli! Mapalad ka sa Prinsesa mo. :)

pamatayhomesick said...

pinoy world,

salamat po!yehey!!!

pamatayhomesick said...

panaderos,
sorry pards ngayon ko lang nabasa yung comment.hidi nawala yun...busy na kasi ako sa unang trabaho ko dito ulit sa lupang buhangin!..salamat ng marami!:)

pamatayhomesick said...

acey,
mana sa tatay...he he he..uy1..ang ganda nung painting mo.ipagpatuloy mo ha..baka sa sususnod na pagbalik ko sa pinas,isama ka ng grupo sa mga darating na exhibit!

Anonymous said...

May pinagmanahan ang batang 'to.

Ngayon lang ako nakarating sa blog nyo, pero napahanga nyo ako sa inyong mga likha! Pamatay Homesick nga talaga itong blog nyo.

Mabuhay ka!