isang linggong lumalakad na naman ako sa lawak ng buhangin,papunta sa una ko ulit trabaho sa pagbabalik ko dito sa kuwait...pagod ako pero ganado..malungkot ako pero masaya tuwing nakakausap ko yung prinsesa ko...at ngayong nag-iisa, eto at nag muni muni.
24 comments:
he he. ganyan talaga pag galing ng bakasyon...
r-yo,
ewan ko nga ba sa sarili ko..parang nagsisimula ulit ako,mas mahirap pala pag pangalawang beses kang mapalayo sa pamilya.
cge lang ng cge...baka sakaling sa pagpapahinga mo,gumaan ang pakiramdam mo.
pare pano ba ang gumawa ng blog?
arnold 2.
gaya ng dati malalampasan mo din yan. isipin mo na lang ang rason kung bakit nandiyan ka at siguradong magiging matatag ang iyong bawat araw.
ha ha seryoso na ngayon ang comment ko sa blog na ito. muntik nang manalo to ng award e he he
arnold,
tatlong steps lang yun..musta na pre! san ka ngayon?
aking kaibigan, i share the same feeling with you. ganyan din nangyari sa akin nong pangalawa kong alis at ngayong pangatlo kong pagbabalik dito sa Korea.
marami ng nagsabi sa akin na mas mahirap nga raw sa pangalawa at mga susunod pang pag-alis... pero alam mo kung anong nasa isip ko bakit mas pinipili kong magbakasyon pa rin, kasi mas masarap yong pakiramdam na makasama yong mga mahal mo sa buhay kahit sandali. yon ang mas gusto kong i-savor.
kaya mo yan!
ingat po palagi
abou,
pards,di bagay satin ang magseryoso dito,,di daw kapanipaniwala..ha ha ha.
i think your right..that all of what i;m doing now,for my family..(teka spokening dollar ako ngayon,nakapasok kasi ako sa PBA2008)..he he he..BADUY din pards di bagay talaga...ha ha ha.
rose,
salamat mars...mabuti at nakapasyal ka sa pamatay homesick!
kamusta mo nalang ako sa lahat..:)
1st tym ko d2 sa blog mo and natawa ako sa tagline ng header mo. that's the main reason why i dont want to leave the country (yet). homesick. hirap labanan. hehe.
goodluck sa pagmumuni muni! =)
vanny,
elow po..salamat at napadaan ka dito..balik ka ulit ha..
add kita sa blog list ko!
Ganun talaga. Nakakabitin kase. Yung kung kelan you're getting the hang of it, yung anndito ka at andyan na naman yung familiarity sa paligid. biglang marerealize mo na pakingshet, aalis na naman ikaw.
Kelan ka ulet babalik ng pinas?
ang hirap ibalik ang working mode after a grand bakasyon no?
ok lang. para naman yan sa prinsesa mo.
btw, meron nako day4 entry. chek mo ha! ;)
hahaha... balik trabaho na. at least papasok na rin naman ang pera.
nakakalungkot nga ang ganyang pakiramdam...pero kaya mo yan. ;-)
pray ka lang tsong...
aw, that's sad, i want my hubby to go abroad to ear more money in order to save us from this wreaking havoc in the Philippines, but i don't want him feeling so sad like that, baka mabaliw! Wag na lang!
ishna,
next year pa ulit.wahhhhhhh! ang tagal pa..
chyng,
hay! korek ka dyan! super over mega dooper talagang balik simula na naman.salamat!
ayus yung day 4...:)
the dong,
yun nalang din ang iisipin ko muna dong...salamat!
onatdonuts,
kakayanin natin.tama ka dyan...yan ang the best(prayers!)
sheng,
pigilan mo na ang iyong hubby...kung may pagkakataon..he he he..nakakabaliw ang mag-abrod..basilio! crispin!! sino ako.
Ang una kong sabak dito nakakalunglkot din kasi na assign ako sa isang satellite station sa gitna ng disyerto. Mag-isip ka ng hobby para mayginagawa ka pagkatapos ng trabaho. Nakaka-alis homesick din pag busy ang mind mo.
'yun ata ang pinakamahirap sa buhay abroad...yung bakasyon ka at ang saya saya mo tapos babalik ka na sa ibang bansa at mag-iisa na naman...buti may pamatay humsik na ako ngayon dito...ang san mig light heheh
blogusvox,
malamang balik painting ulit ako,siguro mga 100 ang magagawa ngayon.dati umabot lang 34..he he he.salamat pards!
dakilang islander,
waaaaaaaaaah!san mig light!...wala dito nun!
Post a Comment