8/19/2008

mAkulay ang BuHay sa pRutAs at gUlay!

nun paman mahilig na talaga ako magtanim,bago ako umalis ng pinas at nagtrabaho sa kuwait,libangan ko na ito.lahat ata ng lupa pati sa kabitbahay nagtatanim ako.

at ngayon sa paghahanda ko ulit bumalik at magtrabaho ulit ng isang taon sa lupang buhangin,teka puro ulit...may ala-ala at may mga gulay,palayan prutas akong maiiwan.
saglit na katahimikan ng magpahinga ako sa duyan,muni muni.maraming bagay akong gustong gawin at maraming bagay ding gustong isipin.gaya ng mga tanim ko,di nila alam kung hanggang saan sila mabubuhay.pero hangga't may hangin ulan at araw na dadampi sa kanilang dahon di sila mag-aalala at ang buhay nilay walang hanggan..gaya ito ng Pag-ibig maaring mahirap at mabigat sa dulo nama'y kasiyahan...sa pagpitas, itoy walang katapusan (infinity!).


di ko na sila mahintay mahinog
at matikman.ilang araw nalang
balik trabaho na naman....

40 comments:

Anonymous said...

Okay yung tula mo ah, parang "bahay kubo".

Mabuti ka pa napapakinabangan mo yang tinanim mo. Ako rin pre, may tinanim na mangga at lanzones. May apat na taon at malalaki na rin ang puno. Kaso sinira lahat ni Frank nang dumaan sa amin. Sayang.

pamatayhomesick said...

blogusvox,
talaga si frank nung dumaan di nagpaalam,di bale pards malamang kumalat yung mga buto sa paligid,kaya pag balik mo may ascienda lansones at mangga kana.

panahon pa naman sa sept ng lansones sarap nun favorite ko yun!

lansium domesticum-lansones
mangifera indica- mangga

escape said...

astig talaga mga idea mo. wala yatang ibang nakakaisip na gumawa nyan. para bang nag iiwan ng mga kayamanan. hehehe...

astig tong post na to!

eye in the sky said...

i have atis and santol somewhere on my lawn too. good luck sa pagbabalik mo sa gintong buhanginan.

Panaderos said...

Ok ang mga tanim mo, Pards. Naalala ko tuloy iyong tanim namin na papaya noong bata pa ako. May puno ng bayabas din kami sa likod ng bahay at puno ng buco sa harap.

May saging na may atis pa. Oks na oks!

Ishna Probinsyana said...

nalulungkot ako para sayo at para sa pamilya mo. aalis ka na naman. :| alam ko kase yungpakiramdam nung ganyan. hehe.

gaano ka ulet katagal dun?

at ang galing mo naman magtanim1 nabubuhay yung tinatanim mo!

pamatayhomesick said...

the dong,
nasanay lang talaga ako mag tanim,kasi sabi nila magtanim di biro maghapon nakayuko di naman makatayo di naman makaupo.(teka parang kanta!).salamat dong!

pamatayhomesick said...

eye in the sky,
hope na makauwi ako ng gintong buhangin sa muli kong pagbakasyon.salamat!ay oo nga pala may santol din dito kaya lang di pa namumunga.:)

pamatayhomesick said...

panaderos,
isa itong mamimiss ko pag balik trabaho nako sa lupang buhangin,wala kasing tulad ng mga puno at halaman dun na pwedeng itanim na gaya ng satin.lalo na ang bayabas at buko.hmmmm,tamang tama kakainom ko lang ng buko kanina bigay ng kabitbahay..

pamatayhomesick said...

ishna,
minsan nga kinakausap ko ang mga halaman,yung iba shy type pero madalas may sumasagot..he he he.:)

salamat ha,pero dito lang ang mga blog nyo para pamatay homesick ko sa muling pagbabalik sa lupang buhangin.

Dakilang Islander said...

naalala ko tuloy yung tinanim na mangga sa probinsya namin dati..pag-uwi ko babalikan ko rin yun

Unknown said...

Aba magandang investment rin iyan magtanim ka ng magtanim ng mangga at iba pa pang prutas,pagkalipas ng ilang taon may pakinabang kana.Pero alam mo meron din sa probinsiya ang tamad magtanim kaya marami ang tiwangwang na lupain..tsk

Unknown said...

Aba magandang investment rin iyan magtanim ka ng magtanim ng mangga at iba pa pang prutas,pagkalipas ng ilang taon may pakinabang kana.Pero alam mo meron din sa probinsiya ang tamad magtanim kaya marami ang tiwangwang na lupain..tsk

Anonymous said...

hi ever! nakakamiss yang ganyang scenery ;-) nakita ko yung atis! tagal ko nang di nakakain nyan! ;-)

Anonymous said...

sir musta jan ayus talaga blog mo! sakit betlogs sa ka ngingiti eheheh sir add kita ha! salamat

pamatayhomesick said...

edgar,
dapat mahalin ang lupa para mapakinabangan..salamat sa comment!pasyal ka ulit ha.:)

pamatayhomesick said...

caryn,
he he he,yung atis dito matamis at kaunti ang buto..kulang nalang tawagin itong atis seedless..ha ha ha...

pamatayhomesick said...

bomzz in iraq,
pre astig yung title mo ah.eniwey hinay hinay lang s pagpapasabog ng betlog ha..he he he.salamat

na-add narin kita!

Anonymous said...

ang galing! mahilig din ako sa mga tanim at gulay. ang healthy ng mga veggies at sagging mo, ever. :)

atto aryo said...

uy! tamnan mo din lupa ko! he he

reggie said...

pre pengeng gulay at prutas pag anihan na ha!!!

Anonymous said...

heheheh natawa ako dun ah nice one

lei said...

galing galing naman.. ganda ng mga prutas at gulay mo. at least pangsahog na lang ang kulang dyan. :)

BlogusVox said...

Pre, I passed a blog award to you. You may claim it here.

pamatayhomesick said...

dakilang islander,
pag naka-ani ka pards sama ako ng lima ha..salamat!

pamatayhomesick said...

edgar,
sayang naman yung lupa,di bale marami parin ang pagkakataon para matamnan yun..sayang talaga!

salamat!

pamatayhomesick said...

acey,
di ko alam kungbakit mahilig akong magtanim,siguro nakikita ko ito sa paligid na aking nakagisnan..salamat!

pamatayhomesick said...

ryo,
walang problema pards,basta libre ang lupa pwedeng tamnan..he he he..:)

pamatayhomesick said...

reggie,
musta na pre..salamas! este salamat sa pag dalaw!

pamatayhomesick said...

analyn,
uy! tenk u!..tuwa2 naman me..(teka di bagay sakin mag pa sosyal...pero ang nice nung blog mo...

pamatayhomesick said...

lei,
tamang AJI GINISA FLAVOR MIX..he hehe..makulay ang buhay sa meaty ginisang tunay!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
maraming salamat pards..nakakatuwa naman..touch ako pards,and i would like to thanks inno sotto for my oufit(teka para akong nasa awards nite..he he he)..SALAMAT NG MARAMI!

Anonymous said...

thanks for the add everlito :) Godbless. Na add na rin kita ....salamat sa pag add mo ...

pamatayhomesick said...

analyn,
walang anuman!...:)

Abou said...

at kelangan pa talagang me piktyur sa ilalim ng punong papaya ha ha ha

siguradong maraming bunga yan ha ha

pamatayhomesick said...

abou,
nagulat nga ako picture ako nung hapon kinaumagahan,wala ng bunga,sinahog sa tinola ang bunga ng papaya...wahhhh!

Oman said...

ang kulit pero nakakaaliw. pagtripan ba naman ang mga gulay na hilaw lols. ingats lagi parekoy.

onatdonuts said...

may mga ganyan talaga..yung mahuhusay magtanim, buhay lagi ang mga pananim sa kanila.

nakakatuwa ang mga bunga. at ang papaya ha...talaga namang mukhang malusog hahaha

pamatayhomesick said...

lawstude,
salamat parekoy!..hmmm magandang idea yun ah..pamagat na parekoy!

pamatayhomesick said...

onatdonuts,
pards..oo malusog talaga ang mga papaya ko,lalo na pag nahinog..he he he..salamat sa pagdalaw.

eniwey!add kita sa blog list ha!
salamas!este salamat pala!