Extreme talaga ang klima dito sa Kuwait ,ang ganda ganda ng araw pag alis ko papuntang opisina,dina masyadong malamig kaya di nako nagdala ng makapal na jacket.nasa kalagitnaan ako ng byahe ng sumalubong ang sandstorm,malamang tatagal na naman ito ng ilang araw.kung nung una medyo manghang mangha ako sa ganito,sa isip ko makakapagpatayo ako ng bahay ng di na bumibili ng buhangin,special delivery galing sa hangin.kaya lang ng madalas ko nang maranasan medyo nababanas nako,unang una lumalagkit ang katawan ko at ang aking long hair napupuno ng buhangin lalo na ngayong madalas akong nasa site,di ko na nga matanggal ang balakubak ko kahit na panay ang gugu ko at pinapatakan ko ng lemon,lemon dahil walang kalamansi dito(susyalen ini!),tapos di pako makahinga sa sobrang dami ng kulangot ko.pero ika nga nila wala sa pinas nito,kung satin bumabagyo ng ulan dito bumabagyo ng buhangin.
Bago at pagkatapos ng sandstorm asahan nyo magpapalit na ng klima kinabukasan,patapos na ang taglamig,papasok na naman ang tag-init…waaaaaaah,din a naman ako makakapagdya(toot! Toot!)dyaging.
buti naman at paakyat nako sa building bago ako
naabutan ng sandstorm.ayun oh!,di na makita yung
katabing building.
49 comments:
Mahirap nga ang ganyang sandstorm. Nangyayari rin ito rito sa South Australia, thrice ko nang naranasan pero ang pinakamatagal ay 2.5 hours lang. Ang sakit sa mukha at sa mata! Whew!
Diyan po ba ilang oras kapag may bagyo ng buhangin? Days po ba?
Ganyan ba talaga yan diyan, kakatakot naman yan, baka mapuwing.
nakakainis nga talaga ang sand storm..
pero mas naiinis ako dahil iinit na naman..
mas pabor saken ang malamig na klima dahil kapag sobrang lamig, pwede ka mag jacket, in short masolusyunan mo yung lamig na nararamdaman mo.. eh kapag mainit, pwede mo bang gawing solusyon sa nararamdaman mong init ung paghuhubad sa gitna ng kalsada? hindi naman diba?
kaya masmaganda pa rin talaga yung taglamig...
ahihihihi
wala lang naman poh, nai-share ko lang..
Medyo malabo nga rin ang panahon d2 sa Khobar. Tag-init na nga siguro, Ever.
Reklamo ko talaga sa sandstorm, pumapasok sa bahay, kahit nakasara ang bintana. Di gaya ng ulan, kapag nagsara ka ng bintana, wala na. Makakatulog ka pa ng mahimbig lalo n pag yero ang bubong mo.
Ung sandstorm, walang ingay. Malalanghap mo lang kaya mo malalaman na pumapasok sa bahay nyo.
Pards, kelan kuha to? At this moment, ganun din dito. Hindi lang yan, malamig na naman ang ihip ng hangin. Putris na "sandstorm" yan, sinipon at inubo tuloy ang mag-ina ko.
blogusvox,
kanina lang pards pag pasok ko sa office..paparating palang yung sandstorm
nebz,
uu nga pards hirapan din ako magyosi sa labas,buhangin yung nasisinghot ko eh..:)
Haha, natuwa ako sa kuwento mo. Funny. Hindi naman ako natuwa sa sandstorm kasi parang hassle nga talaga no. Hindi pa ako nakakakita or naka-experience niyan. Parang kakatakot nga. Weird nga ang panahon ngayon. Dito sa Pinas, minsan ang init then bigla na lang uulan. :D
sandstorm! sounds exciting!
Ay. Sandstorm. parang nakakinis nga yan. lalo na sa mga may long hair na katulad mo. hehe
Buti na lang wala nyan dito sa pinas!
Ang weird pala jan. mainit, then malamig. Tapos sandstorm. whew!
Ingat lagi!
rj,
uu doc. rj,mahirap din,ang sandstorm dito umaabot ng 2days at higit pa.
sheng,
medyo delikado ang sandtorm sa kalusugan.
yanah,
ha ha ha uu nga noh yung lamig may solusyon jacket lang pag lalabs ka ok na,pero pag mainit di ka pwedeng maghubo.he he he.
dee,
salamat dee,ang hirap lang pag ganitong sandstorm.kahit sa bahay pumapasok ang alikabok.
eye in the sky,
nung una xciting nga,pero pag naranasan mo na palagi,mahirap na.ang sama sa loob ng ilong eh.he he he.
pards bakit di ako makacomment sa blog mo?
ishna,
mas maganda talaga ang klima sa pinas...teka ganda ng blog mo.:)
chyng,
uu chyng siguro naranasan din ng kapatid mo, kasi ganun din ngayon sa saudi,magkalapit lang kasi ang lugar.
haha? ngayon pa lang sandsorm dyan sa kuwait? ang galing kami, last week pa nagumpisa, at kagabi nga meron na naman, nakupo, di kami makalabas ng bahay at baka magksakit na namn si babytots.
sabi nga nila, swerte daw yang sandstorm. mukhang okay na lang yan kaysa sa pinas na nililipad ang mga bubong at sasakyan.
aw. ganyn din dito. sabi ngnila, 4 seasons a day ang irish weather, uulan. magsno-snow, aaraw, jus in one day. :( panira sa porma. haha
dito din sandstorm, ayaw ko din kasi iinit na naman ang klima. mr. everlito villacruz, musta ka naman jan, talagang pinanindigan mo na ang long hair, kahit kulang ang bangs, hehehe...
hirap nga yang ganyan. parang fog din pala ang dating. mas delikado nga lang.
hirap nga pag ganyan. parang fog din pala pero mukhang mas delikado yan.
ingat kayo dyan.
kahit dito sa amin nagsasandstorm na, halos kada hapon, masakit sa mata saka malagkit sa katawan...nakakabawas pogi nga eh..kainis!!
dahil sa sandstorm na yan..isang linggo na akong inuubo. tag-init na nga!
Two weeks ago naman yung sandstorm dito sa Abu Dhabi. Tumagal yata ng 3 araw. Nakakapuwing hehe. Ayan, patapos na ang winter. Okay sana kung medyo malamig pa.
Haha, natawa ako dun sa lemon. Oo nga walang kalamansi dito. Pero merong isang store dito na may tindang kalamansi.
sosyalen! lemon! he he. dapat pala i export ng Kuwait ang kanilang buhangin para unti-unting maubos. pag ganon, wala ng sandstorm. yehey! :-)
alam ko na, nagtatakbo ka para hindi maabutan ng sandstorm noh?! huu, aminin.. =p
thoughtskoto,
problema lang talaga pag sandstorm,di ka talaga magala,sumasakit ang kaloblooban ng ilong ko.he he he...
nicole,
ayus yung panira ng porma.he he he,
pero oks lang naman bagay naman sayo kahit anu porma mo.;)
anonymous,
nakakalbo na nga rin pati nuo ko.:)
salamat sa pagbisita!
dong,
salamat pards,bilib ako sa mga kuha mo sa air baloon!..:)
poging ilocano,
uu nga eh nababawasan ang ating kapogian..he he he.:)
witsandnuts,
balita ko nga mas nauuna ang sandstorm dyan.
buti pa dyan may kalamansi...:)
siempre bilang kapitbansa mo, sasabihin kong naiintindihan kita..mabuti na lang mga high paid ang tulad nyo dyan ano, kaya sulit naman ang pagtitiis nyo somehow, hehe...
hay, summer panibagong struggles na naman ang haharapin natin ano.?
basta ingat na mapuwing..uy,magmarch na malamig pa rin txs god nagdya--dyadyaket parin ako :D
rgds bro..
sige, pre. pag medyo maluwag ulit sked ko, sketch kita :)
ever, tawang-tawa ako dito sa post na ito---at least yung part na pwede mangolekta ng buhangin para maipatayo ang bahay ;-)
hirap naman nyan. never experienced it, pero i can imagine the sand getting into your hair and other places ;-) hehehe
buti nga at nasa loob ka na ng building. Ang kapal sana ng huhugasan mong libag ano?
at mukhang hindi madali kapag inabutan ng sand storm. naku, diko maimagine kng ano ang mangyayari sa akin. katakot takot na pweng siguro. hehe
hala. ang hirap naman nun. nakakakulangot. hahaha. :D
josh,
ayos!,pareho lang pala tyo,nag dyadya--ket! he he he.:)
randy,
salamas,este! salamat pards!
caryn,
salamat ha.natawa ka sa kacornihan ko.he he he.:)
rolly,
ang galing!..he he he,malibag nga pag naabutan ka ng sandstorm.:)
eliment,
korekek pards!..;)
vanny,
ayos lang vanny,hirap lang pag napuno na yung ilong ko,hirapan ako huminga sa kapal ng kulangot ko.he he he.:)
wow, i didn't know it would be that scary. :( hope you;re ok, kuya ever!
mag signal din ba yan, depende sa lakas ba o kapal ng buhangin? hehe
kuya!!!!!
Hi! I'm dropping by to tell you na may award ako sa iyo. Paki-kuha na lang sa blog ko. Maraming salamat at magandang araw sa iyo. :D
Post a Comment