3/07/2009

kEnGkoY

Di pa tapos ang project may panibagong project na naman, ang hirap talaga pag ikaw lang ang gwapo dito.(ehem ehem)..hirap pa nito bawal na ang mag yosi sa loob ng opisina.pero pasundot sundot parin at minsan pag tinutopak pinapangalandakan ko pa ang pagsindi sa loob at hithit buga habang dumadaan sa HR department.anung magagawa nila kung importante sakin ang bawat segundo ng trabaho ko,kung aalis pako sa upuan ko para magyosi mauubos ang araw ko.

Hinihintay ko nalang na may sumita sakin, kaya lang wala talaga.

Kaya syempre di masarap ang bawal pag walang pumipigil sayo.di ba Abou!,kaya eto ako ngayon nasa labas nagyoyosi,wala tuloy akong maburaot sa taas ng opisina.

Habang nagyoyosi sa labas nakita ko ang isang ito na naglalakad sa gitna ng kalsada,ewan ko kung anu ang dala,kung hindi ba naman saksakan ng ewan muntik nang masagasaan.

Dito lang talaga ako nakakita ng balistad ang tak-u!.dinaig si Sharon Cuneta sa pelikulang pasan ko ang daigdig!

Hay! buhay kengkoy ang araw ko ngayon,minsan malungkot minsan masaya,minsan may drama,may action,may horror din at syempre komedya…buti nalang at may nagbabasa nito kahit wala wenta.he he he…teka akyat muna ako sa office at dun naman ulit ako magyoyosi…wala silang magagawa kung tigas ti..este! tigas ng ulo ko…


Patigasan ng ulo!

Tinawag ang Hapon- tatalon sa 10th floor building una ulo..pag bagsak nagtimpla pa ng kape!

Clap clap clap,palakpakan ang nanunuod!

Tinawag ang Americano-tatalon sa 20th floor building una ulo…pag bagsak sumayaw pa at nag break dance at head spin!

Bravo! Bravo! Mas malakas at maraming palakpak!

Tinawag si kabayan-nasa unang palapag palang ng building ayaw nang umakyat.
Tinawag ulit..ayaw parin…tumalon,pinakiusapan na,ayaw talaga tumalon! ilang oras na nakalipas.ayaw parin…

Mabuhay! Ang galing! fantastico! Sigawan ang mga tao!

Panalo si kabayan ang tigas ng ulo!

45 comments:

Kosa said...

lols
parekoy.. natawa ako dun sa Joke na hirit sa Huli ahhh
Congratulation kase minsan minsan lang ako makiliti ng kahit na anung Joke..lols

ahhhh... wala yan sa lolo ko.. Yosi lang pala ginagawa mo sa loob ng opisina eh.. hahaha.. natatakot siguro sila sayo parekoy..

yAnaH said...

nyahahahahaha..
patigasan nga pala ng ulo..
hahahahaha
so, pede ka rin sumali dun?
patigasan ng ulo hahaha..
pwede.. astig ka rin eh..
bawal nga pinapangalandakan pa
hahaha

RJ said...

Hahahaha! Talagang panalo ang mga Pilipino sa patigasan ng ulo. o",)

"Ang buhay ay parang sine," 'ika ng Cinema 1 Global. Timing sa inyo ngayon ay comedy, kahit na ang tunog ng pamagat ay madramang-madrama ang genre- Pasan Ko ang Daigdig.

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

hahahahaha...

KuLets taLaga nG pinOy hehe...

poging (ilo)CANO said...

hahaha...tlga nga naman ang pinoy...laging nangunguna sa kalokohan...hehehe

Yang ang pinoy!

escape said...

hahaha... sinama mo pa talaga yang joke na yan. nakakatuwang maalala yan. natatawa pa rin ako.

AJ said...

yes nauna kong magcomment sa portal ni kengkoy, uy brother ever gusto ko rin yang image mo, pag di ka na bz..gawan mo naman ako hehe:D

buti sa inyo bawal ang yosi sa office, dito ang mga ehipto parang kugon lagi tuloy ako may migraine..

rgds, good stolen shot :D

ps: ibig sabihin b si abou yosi boy din?

Anonymous said...

hahah nkakatwa ka tlaga kuya!:0 ang sayang basahin ng blog mo hehe. tagalog na tagalog pa lol.
ps. aw. don worry akomagpadal ng card sau. yung hallmark :)) wahaha. sa pasko lol

Nebz said...

Welcome back Ever!

Parang tumaba ka yata a. Dun sa graphics ng mukha mo parang bumigat ka ng mga 10 lbs.

Ang buhay kengkoy lagi lang nakatawa kahit mahirap, kahit pagod, kahit naiinis. Kapag nasa ibang bansa, we have to be really kengkoy para lang maibsan ang lungkot na dinadanas natin. Naks!

Hinay-hinay sa yosi...

Anonymous said...

Hahaha, matigas nga ang ulo. Ano naman kaya yung dala dala nung kababayan natin? Parang nag alsa balutan sya. =)

Anonymous said...

Ang Pinoy talaga oo, ganyan katigas ang ulo, wahaha,...

Anonymous said...

Wow dre, ang galing nung "self-portrait" mo ah. Parang panay ang practice mo sa Photoshop. : )

Anonymous said...

haha..wala talagang uobra sa patigasan ng ulo sa pinoy.

nxt time, sali ako...hahaha

galing ng portrait mo ah.

pamatayhomesick said...

kosa,
ha ha ha,wala sa lolo ko yan..

pamatayhomesick said...

yanah,
nakasali nako sa patigasan ng ulo,kaya lang hindi yung tatalon sa building...unahan makatayo naman, ang sinalihan ko.

pamatayhomesick said...

rj,
dok!ayos ang banat ha parang tele novela,,he he he!

pamatayhomesick said...

chuchay!
gandang pangalan..he he he.

pamatayhomesick said...

pogi,
kasama na tayo dun..pero seryoso naman tayo sa lahat ng bagay!

pamatayhomesick said...

dong,
natandaan mo rin pala yung kwento ni johny tango!

pamatayhomesick said...

josh,
he he he.pards nahuli lang ako ng publish sa comment..

salamat!

pamatayhomesick said...

nicole,
ha ha ha.meri xmas!..ang aga ah!

pamatayhomesick said...

nebz,
uu nga eh busy na naman ang lolo mo.he he he.

ayos yung buhay kengkoy ah!

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
tigas ang ulo atapang a tao...he he he.

pamatayhomesick said...

sheng,
talagang matigas..he he he!
salamat!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
salamat pards!

pamatayhomesick said...

eliment,
ang ganda nung traktrakan mo!
isakay mo si busyo.:)

Dennis Villegas said...

hahahaha..napahalakhak ako dito ah...tigas talaga ulo ng pilipino heheheh

pamatayhomesick said...

dennis,
kahit ako natatawa parin sa joke nato panahon pa ata ni johny tango!

salamat at congrats sa post mo sa mga ngiti ng bata..ang galing nun!

Dee said...

Hahaha! Naku, talagang napatawa mo ako ng malakas dito sa post mo na ito. At hindi lang sa joke ha, sa pagkasulat mo din sa post. Meron kang talent magsulat ng comedy. :D

Galing ng self-portrait! :D

Anonymous said...

hello po!
kuwait ka rin pala. came across your page at nakita ko mga paintings mo, 2 thumbs up ako! Hats off pa! ;)

rolly said...

hehe, matigas nga. Take note, taas na ulo pa lang yun ha

Ken said...

haha, honestly sa mga pacontest na ganyan panalo talaga ang pinoy Ever...

masyado ka talagang importante at mahalaga sa work mo kaya kahit nagyoyosi ka sa office, di ka nila kaya.hehehe

pag pressure naman yung nagyoyosi nakakawala daw ng pressure, di ko lang alam, sabi lang nila, di naman kc me nagyoyosi.

Pero pwede ba marami pa pacontest kagaya nung post mo sa dulo, haha!

Anonymous said...

ang cool ng cartoonized version mo!

Anonymous said...

hahaha. ang kulit! kahit matigas ang ulo ko, hindi ko kakayanin yuN! hahaha

Anonymous said...

hanu ba yan? singtaas na nung mama yung dala nya, di mo man lang tinulungan, kawawa! hehe.. =p

pamatayhomesick said...

dee,
hi dee naku salamat ha!

pamatayhomesick said...

erique,
salamat pards!

pamatayhomesick said...

rolly,
sintigas din ng ulo ko..he he he.

pamatayhomesick said...

kenji,
salamat,pards..musta na pala si yanah.

pamatayhomesick said...

acey,
hi acey..musta naman dyan..:)

pamatayhomesick said...

vanny,
kaya lagi tayong panalo..he he he

pamatayhomesick said...

gie,
di ko makita yung mukha eh,,bangali kasi.:)

Anonymous said...

thanks for counting me in. still fixing my blogroll, i-add din kita at marami pa nga ako i-a-add eh.

cpsanti said...

wahahaha! loved the twist at the end ;-) love ko talaga ganitong klaseng joke!

Anonymous said...

Hahaha.... balistad tlga mga tak-u ng mga ota jan sa middle east lalo na sa Kuwait. Di bale, at least natawa tayo sa kanila, kaso minsan nakakyamot na din eh. Ingat lagi jan brod!