2/12/2009

ToOt! tOoT!

Mabilis ang takbo ng panahon,kung dati hirap ako sa init at lamig ng panahon dito sa lupang buhangin, ngayon panis na sakin ang lahat ng ito.ngayong malamig, ginagawa ko pa nga binubuksan ko ang aircon,di narin ako gumagamit ng heater sa pag ligo ko,advantage pa nga kasi, mabilis akong natatapos .
Iisipin ko lang na wala sa pinas nito kaya ninanamnam ko ang lamig,ganun parin naman eh di parin nababawasan ang pag-dya(toot! Toot!) sa gabi, lalo pa ngang masarap dahil pagpapawisan ako at mailalabas ko ito, na naiipon tuwing taginit dito…hay sarap talagang gawin ito pag malamig,nakakarelax ng nanlalamig na katawan..sandali at makapag dyaging nga ulit parang bitin ako kanina eh.


Isang JEEP ang nadaanan ko na naka display habang nagdya-dyaging ako malapit sa Kuwait city!
May nakasalubong din akong kabayan natin na pinagtatawanan ako dahil gusto kong sakyan yung jeep.(MA at PA).malay ko sayo at paki-alam mo. sa trip kong kuhanan ito.narinig ko pa nga na baduy daw ako at ignorante.pero sila, nakita ko na nagpicture picture sa tabi ng Ferrari,para ano?.ito ang nagiging problema minsan ng mga kabayan natin nakakalimutan kung saan din tayo galing. Although nakasakay nako sa Ferrari! sila nga picture lang eh.(yan tuloy nagyabang nako).


mas gusto ko pang sumakay sa jeep na natuwa ako dahil na appreciate ng ibang lahi sa simpleng bagay ang kultura nating Pilipino.

59 comments:

Randy P. Valiente said...

heheeh sana may sidecar din :)

yAnaH said...

nakakamiss nga sumakay ng jeep..
ahihihihihi
di bale malapit na...

ano ba kase yang toot toot na yan! hahahaha

RJ said...

ToOt, tOot, totoo ba ito?! May jeep po dyan sa Kuwait?

Naalala ko ang isang post ni Mr. BlogusVox dati tungkol sa napakagandang jeep. o",)

RJ said...

ToOt, tOot, totoo po ba ito? May jeep po sa Kuwait?!

Naalala ko ang post ni Mr. BlogusVox dati tungkol sa isang napakagandang jeepney. o",)

Kosa said...

mabuhay ka pareko..
lols
sana kinunan mo ng litrato yung mga engs na kababayan...hehehe

nasasanay ka na ahhhh..
binabati kita...
ganyan talaga kapag nagtatagal na ang isang Pinoy sa isang Lugar... nagagawa nyang mag-adjust at makibagay sa isang Lugar...
lamig o init man yun..

kitakits

Anonymous said...

OO nga naman, masarap sumakay sa Jeep, pero minsa ang mga tao nakakalimot sa pinagdaanan. Hay naku, makapagkape na nga, hehehe...

Chyng said...

Hi!

Bigyan mo naman ng tip yung kuya ko, sobrang nagiginaw kasi ngayon cia jan sa Saudi. hehe Di sanay!

escape said...

ito ang nagiging problema minsan ng mga kabayan natin nakakalimutan kung saan din tayo galing.>>> dami ngang ganyan. kakalungkot.

madjik said...

kahit san yata meron ka talagang mami meet na ganyang klaseng tao...

ang paplastik hehehe..

o well enjoy na lang sa pagdja djaging mo..

:p

Anonymous said...

ok lang yun, nakasakay ka din naman ng jeep dito sa pilipinas. ;)

Ken said...

haha! meron na pala dyan?

Happy hearts day sau ever! Sana maligaya ka at ang pamilya mo sa araw na ito at sa lahat ng araw...bakit kaya every 14th lang may hearts day, eh lahat ng araw gumagana puso natin, dapat everyday... hmmn, naisip ko lang po!

Anonymous said...

Okay lang yan. Sino ba sila! Basta "trip" mo, gawin mo. Dapat walang paki-alaman. Wala ka namang inaapakan ah.

BTW bro, Happy Valentine.

pamatayhomesick said...

randy,
uu nga noh!makahanap nga ng sidecar d2,syempre habang nagdya(toot!too!).nagdyadyaging!

pamatayhomesick said...

yanah,
busina na yun para di matalsikan ng pawis sa pag dyadyaging.he he he.:)

pamatayhomesick said...

rj,
yap, meron jeep dito kaya lang display lang.natandaan ko rin yung kay blogusvox dati.

pamatayhomesick said...

kosa,
meron akong picture nila kaya lang di ko na post,naasar kasi ako sa ugali.kaya nga kabayan ang tawag dito dahil makabayan tayo diba.:)

pamatayhomesick said...

sheng,
ha ha ha.ako din magkakape pero syempre habang nagdyadyaging!

pamatayhomesick said...

chyng,
basta mapapayo ko lang lagi lang syang magdyaging para pagpawisan.:)

pamatayhomesick said...

dong,
kakaasar narin,saka nakaka-awa sila.di marunong lumingon sa pinanggalingan.salamat pards!

pamatayhomesick said...

madjik,
teka pards masyado akong nagenjoy ngayon sa kaka dyaging!

wala na talaga tayong magagawa kahit saan siguro may ganyan,pero alam ko konti lang ang may ganyang ugali!

pamatayhomesick said...

gie,
ay! uu nga ok na ok lang!salamat!

pamatayhomesick said...

thoughtskoto,
ha ha ha! hapi baleytym!..

uu nga noh lagi naman dapat araw ng puso samahan ng tibok narin!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
korekek pards basta ako magdyadyaging parin ngayong balentyms..he he he.:)

rolly said...

pag-uwi mo, pasasakayin kita sa Ferrari ko. Tatlo yun e. Mamimili ka na lang ng kulay. I wish! haha

Nebz said...

huli man daw at magaling, late pa rin...happy valentine!

kung may jeep lang sa saudi, magji-jeep ako! kaso puro mercedes at aston e! hehe.

...at wag panay ang dya...ging dahil nakakalambot ng tuhod. hindi k n bata tandaan mo...(joke, joke!).

pamatayhomesick said...

rolly,
ha ha ha,gusto ko kulay silver...

pamatayhomesick said...

nebz,
uu nga noh mas astig ang mga sasakyan dyan,mayamang bansa...

teka kahit nakakahina ng tuhog tanggal naman ang sama ng loob sa pagdyadyaging! he he he.

Panaderos said...

Ang hindi kasi mawala sa iba nating kababayan e iyong INGGIT. Ang pananaw nila ay kung ayaw at hindi nila magawa ang isang bagay, dapat ay huwag mo ring gawin.

Bwiset ako sa ganyang ugali. Tama ka. Intindihin nila ang mga buhay nila. Ipahid nila ang mga mukha nila sa hood ng Ferrari kung gusto nila. Wala akong paki kung iyon ang trip nila at dapat wala rin silang paki kung trip natin na sumakay ng jeepney.

Anonymous said...

Wow, may jeep dyan! Sana dito rin.

TheCoolCanadian said...

Maski saan naman ang Pilipino, uso ang ganyang hindi kanais-nais na costumbre. Maski sa north America, isang halimbawa ito. May nadulas sa snow. Ang mga matitinong tao, lalapit at tutulong, worried sa nangyari. Mga ibang Pinoy? Yung mga walang modo? MAGTATAWANAN PA!

Masarap KUTUSAN ang mga iho de gran putang mga ito. Sa totoo lang.

Anonymous said...

wala bang padyak?hehe
pero kakaiba talaga ang payak na desenyo ng ating jeep.

1st time ko dito. kaya binulatlat ko ang laman ng blog mo. hehe

sa yo ba yong paintings sa slide? ganda!

pamatayhomesick said...

panaderos,
yung nga ang problema ng iba,sana di nalang sila nagsalita.

teka pards,mukhang nakaranas karin ng ganyan dyan ah,kulang lang sa pansin yung iba kaya siguro ganun.

salamat!

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
meron pards jeep dito,kaya lang nakadisplay lang sa labas.:)

pamatayhomesick said...

eli,
ok yung blog mo at kahanga hanga!

Anonymous said...

ever salamat sa pagpasyal. link kita ha. tnx

AJ said...

hehe..ikw talga, aka la ko kung ano na iyong binusina mo..dya..ging lang pala..buti ka pa nagagawa mo yan dyan ano..kami kz puro lakad lang...hirap yatang pagpawisan pagmalamig d2 sa mideast..

kahit sguro ako makakita ng jeep magpapapic ako don..tho' me bad xperience ako sa jeep natin nong umuwi ako minsan eh..naholdap ako :(..pero tama ang mga non-pionys..unique talga un..at di pa nila alam masayang sakyan...

hapi V..:)

pamatayhomesick said...

eliment,
pards walang anuman...na-add narin kita ayun oh,dun sa kahanga hangang blog sa bandang kanan ng blog list..he he he

pamatayhomesick said...

josh,
ok narin ang maglakad pagpapawisan ka parin nun,pero masarap talagang mag dya(toot! toot!).he he he.

Admin said...

Hel;lo...

OFW ka pala sa Kuwait...

Hehe :)

Ingats ka diyan...

Nice... May jeep din pala diyan!

Anonymous said...

wow! nakarating ang jeep sa kuwait! nice. =)

Abou said...

o bakit naka garahe pa ang dyip na yan. i byahe na yan at nang makapag boundary na

hehe

pamatayhomesick said...

lionheart,
pards salamat sa pagdalaw!

pamatayhomesick said...

vanny,
yap! vanny,tumawid ng desyerto galing ng pinas!..he he he

pamatayhomesick said...

abou,
mura lang boundary dito,mura kasi ang langis,mahal pa yung tubig.he he he..

musta na pards!

Anonymous said...

wow, may "cebu" pa na label! yay! :) gusto ko yung itchura ng older jeeps, kuya e. yung mga may colorful na mahabang pom-poms... yung mga chariot jeeps noon, mga 1990s... yung ang magandang mga jeeps. mga l-300 na ang shapes ng jeepney ngayon. :(

pamatayhomesick said...

acey,
tama ka maganda yung porma ng jeep dati,madalas din akong sumabit nun sa jeep papuntang eskwela,kasi punuan lagi.
ngayon di ka na makakangkas-bawal ang sabit.dami nang nabago gaya din ng pagbabago ng itsura ng jeep!

Dee said...

Hi. Maipagmamalaki naman talaga natin ang jeep. Unique na unique naman talaga. :)

Anonymous said...

ang galing! mas special exhibit ba on the philippines ever? heehee. nakakatuwa!

Anonymous said...

hello po uli. salamat sa greetings. saka kumusta din daw sabi ni busyok at elyong

onatdonuts said...

nakakatawa ang toot toot... hahaha

astig may jeep sa kuwait?
napakahusay

atto aryo said...

uy! pasakay nman sa ferrari. nang maiba naman ang routine ko. lagi na lang din kasi akong nagdadya...ging e. :-)

pamatayhomesick said...

dee,
ganda ng name mo ah..Dee!
salamat sa pagbisita!

pamatayhomesick said...

caryn,
uu nga magandang idea rin kung may grand show dito,tapos jeep yung entry! ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

eliment,
ha ha ha! close na kami ni busyok at elyong!

pamatayhomesick said...

onats,
lalo na pag may donuts!ha ha ha.

toot! toot!

pamatayhomesick said...

r-yo,
sige pards,sakay tayo sa ferrari...

kaya lang wala pa tayong ferra-eh..he he he.

musta pala ang bagong chairman!

poging (ilo)CANO said...

wow! may jeep pala jan....nakakamis naman sumakay niyan sabay takbo pagbaba....hahaha...

try ko nga ring mag-dya(toot! toot)...loz...masarap pala eh!...

Anonymous said...

Tumpak ka dun. Nakakalimot minsan ang ibang mga pinoy na katulad natin... :D

Ishna Probinsyana said...

ang galing may jeep dyan!

Naku. ako di pa nakakasakay sa ferrari! :-/ Sana makasakay din ako one day! haha