nabasa ko ang post ni blogusvox (ang OFW ay tao rin).maraming karanasan ang mga OFW na kung iisipin di mararanasan kung di tayo nagtatrabaho sa ibang bansa.
ito ang ilang bagay na naranasan ko dito sa kuwait na hindi ko makakalimutan:
1.natiis ko ang baho ng katabi ko sa service.
2.kung dati mapili ako sa pagkain,di na ngayon!.naranasan kong kumain ng tinapay na itatapon ko na sana.
3.natuto akong maglakad pag walang service dahil kulang ang pamasahe ko.
4.puro diet ako,dahil sa gabi lang ako nakakain.
5.nagkasakit ako ng walang nag-aalaga sakin.
ilan lang ito sa mga bagay na di ko malimutan.pero kailangan kong maging mayabang hindi mayabang na literal ha.maging mayabang at malakas.ang dahilan para maging masaya ang pamilya at di mag-alala. at NATUTO AKO dahil dito.
" bilang OFW walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo "
38 comments:
yan ang buhay OFW! ang alam kasi ng karamihan, masarap ang buhay dito sa ibang bansa....hindi nila alam kung anong hirap at sakripisyo ang dinaranas natin dito para mabuhay natin ang ating pamilya...
hindi pinupulot dito ang pera, kung pinupulot man, bat pa kami nagpapakahirap magtrabaho...
"bilang OFW walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo" - apir tayo jan parekoy!!!
akala ng lahat ng tao sa PInas eh madali at sobrang saya dito sa abroad. hindi nila alam kung ano ang hirap ang dinadanas natin dito....
ako din, marami din akong natutunan dito...
wala akng ibang aasahan kndi sarili mo..
masaklap na katotohanan
we all had to make sacrifices saka nagawa ko na ring tanggapin na lang yung mga nilista mo... as part of being a migrant worker.. whatever. :p
taena pareko...
gusto ko yung linya mo..
KAILANGAN MONG MAGING MAYABANG.. PARA DI HALATA ANG LUNGKOT... HIRAP AT MADAMI PANG BAGAY NA NARARANASAN AT SINASAPIT MO sa pangingibang bayan.
astig!!
talaga pards? ganyan pala dyan. mas lalo ko tuloy naaapreciate ang mga ofw dahil sa hirap na kanilang dinaranas. ingat lagi.
Ganu'n?!
Napakarami pala talagang mga sakripisyo sa buhay, lalung-lalo na ang mga OFW.
Noong nasa Pilipinas pa ako parang hindi ko naman ramdam ang mga hamong ito. Hindi ko alam kung dahil ako'y bata pa noon, o dahil mas marami lang talagang mga pagsubok kung wala tayo sa ating sariling bayan.
Mabuhay ka Kuya Ever! Mabuhay ang mga OFW!
pinakamalungkot na pangyayari sa OFW ang magkasakit ng nag-iisa, tama ka, Ever.
feeling mo kawawa ka at walang nagmamahal sa yo.
madami talagang pagtitiis ang kinakaharap ng OFW. d lang alam ng maraming tao.
congrats sa post mo.
naranasan ko rin ang ibang mga naranasan mo Ever. Nakakalungkot pero it serves us right, we become stronger bacause of those experiences.
Thanks for this post!
ang sad naman nung number 5.. =(
ingat ka palagi!
btw, pachange link naman po..
http://lifeisfullofbeaches.com/
thanks a lot! =)
Napakislot ang damdamin ko dun sa last paragraph, bro. Tama ka. Sarilinin natin ang hirap at huwag ipahalata ang ano mang problema na ating hinaharap sa ating mga naiwang mahal sa buhay. Para mapawi ang kanilang pagkabalisa at pag-aalinlangan sa kung ano mang kinahihinatnan natin sa ibang bansa. Dyan mo masusukat ang katatagan ng isang OFW.
Bihira akong humanga kanino man. Pero sa isinulat mong ito, saludo ako sayo!
poging ilocano,
pards,tama ka dyan repakoy!di pinupulot ang pera dito.buhangin lang ang maraming mapupulot.
yanah,
dahil narin siguro, may nabago rin sa buhay natin sa pinas,medyo nasa middle na yung pamumuhay natin dun,kaya ganun din ang akala nila na masarap ang mag abroad.
ang kapalit naman ng lahat na ito yung sakripisyo natin dito sa ibang bansa.
madjik,
pero sana lang para sakin,mas marami ang makaranas ng magandang karanasan bilang OFW.
kosa,
uu pards,kailangan taas nuo lagi,para pag may naksalubong ka deretso ang tingin mo,at maipagmamalaki mo ang sarili mo,kahit sa anung bagay.
lawstude,
halimbawa lang ito pards,alam kong may mas masaklap pa na nangyari sa iba nating OFW.,sana wala nga at sana mali ako sa bagay na ito.
rj,
gaya mo di lang dito sa lupang buhangin may ganitong pagkakataon at sitwasyon na nangyayari.
tama ka kahit saan may pagsubok kahit wala sa ibang bansa o nasa pinas,mas maiintindihan lang natin ngayon kasi naranasan na natin.
nebz,
kung bibilangin,lamang ang lahat nakadanas ng hirap,pero nakakabilib dahil lahat ng ito nalampasan ng katulad nating OFW.
salamat pards!
thoughtskoto,
malungkot isipin na lahat tayo nakaranas ng hirap dito.pero tama ka dito rin tayo lumalakas at tumitibay!
blogusvox,
sa bagay na ito pards,mas lumalakas at tumatapang tayo.ewan ko ba,naging iba ang pananaw ko at nakatayo ako ngayon sa sarili kong paa mula ng nag-abroad ako dito sa lupang buhangin,iniisip ko nalang na i-balance ang lahat,negatibo man o positibo.
pwedeng ba ako makiraan? homesick k pre? teka may pan taya kp ba s tongits? wla p ako bago libangan dp tapos ung bungo ko e.....Tama kayo! hirap kumita!kantahan kita pre?
Ako’y naririto Nagbabanat ng buto.
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano.
Anong hirap talaga ang kumita ng pera.
Kakapal ang ‘yong kamay Masusunog pa ang kulay.
Sa aking pagtulog Ang daming iniisip.
Bumilis na ang araw upang ako’y makabalik Itinigil ang bisyo.
Alak, sugal, sigarilyo Upang makaipon, magtitiis na lang akoooooooooooooooooooo…
Chorus
napakasakit ng rayuma kooooooooooo
Hoi!
Shhhhhhhhhh
Dave
Parang pinakamalungkot para sakin yung number 5 mo. Lalo pa't nasanay ako nuon na alagang alaga ng nanay ko pag nagkakasakit ako. Pero, sabi mo nga, tatag lang ng loob at makakasanayan mo rin.
kung sa pinas, laging naka sasakyan o taxi, bilang ofw natuto akong maglakad ng malayo araw-araw mula bahay papuntang train station at pagkatapos e makipag-bugbugan para sa maliit na espasyo sa tren!
dave,
anak ng tipaklong!..he he he..sinumpong ka na naman ng rayuma mo...ha ha ha!
rolly,
nasanay rin ako ng nanay ko ang nag-aalaga sakin dati...salamat tito rolly!
r-yo,
mas mahirap pala dyan,agawan ng sakay sa tren...umbag muna bago makasakay..he he he.
"kumain ng tinapay na itatapon ko na sana.">>> ganun pala ka hirap. kaya nga talagang itinuturing mga bayani ang mga pinoy sa labas ng bansa.
ganyan ba talaga?
pero always remember.. your not always alone, maraming OFW sa iba ibang countries.. so pwede kayo lahat magtulungan :D
Dropping by from BlogusVox's blog. Nakakarelate ako sa post mo. Challenging na exciting ang maging OFW.
dong,
ok pa naman yung tinapay,nilagyan ko nalang ng palaman.
krisha,
di lahat krisha..ito lang ang naranasan ko nung unang kong tungtong dito sa lupang buhangin.
salamat!
witsandnuts,
salamat pards...matagal ko na ring binabasa yung blog mo at comment kay blogusvox...salamat ulit!
nakakaiyak yan. mababaw pa naman ang luha ko.. =(
hahaha/kala ko kaka depres yung post. but its more likely na nakakatawa. haha. i love this site. you have to post more blogs. hehe :) x liink??
omigod, sobrang nakaka-relate ako dito ever ;-) sobrang sad magkasakit ng walang nag-aalaga sa iyo. feeling wawa talaga. hahaha! atsaka makapal na ang kalyo ko kakalakad ;-)
gie,
salamat gie..:)
nicole,
salamat sa pagdalaw dito..balik ka ulit ha.:)
caryn,
uu nga pala dyan din pala mahirap ang transpo...wawa naman ang maganda mong paa.:)
Nakakalungkot. Kaya mataas talaga ang respeto ko sa mga OFW dahil hindi talaga madali at basta-basta ang maging OFW.
Ingat lagi.:D
Post a Comment