7/31/2010

(SiNo si RoY?)

Roy Dela Cruz - kilala sa pagiging Struggling Blogger of Philippine Blogging. Isa sa awardee of the Emerging Influential Blogs of 2009, marami ang nakakakilala sa kanya sa talentadong pag Blog! Di mabilang na pakikipagpalitan ng kaalaman sa larangan ng internet! Isang manunulat, pakikipagsapalaran sa larangan ng buhay na nailalabas sa paglikha ng makadamdaming tula, isang makabagong artist!




Luha Sa Aking Mata

likha ni Roy Dela Cruz


Sa aking pag-iisa, ako’y nag-iisip

Aking naalala, mapait na sinapit

Sa kadahilanang hindi ko malaman

Luha sa mata’y biglang nagdaluyan



Tunay na mahirap ang ika’y mawalay

Sa iyong irog at mahal sa buhay

Sa aking pag-iisa, aking naa-alala

Pati ang mga mumunting inakay



Patuloy sa pagdaloy luha sa pisngi

‘di mapigilan, mahabag sa sarili

Sa kalagayan na aking sinapit

Kahit pusong bato ay lalambot din



Diyata’t ako’y sadyang sinusubok

Sa aking tibay at tatag ng loob

Kung gustong ang kinabukasa’y gumanda

Kailangan lampasan ang bawat problema



‘di mapigilan, buntunghininga’y lumalalim

Sa sama ng loob at bigat ng dibdib

At parang naghahabulan pa sa aking pisngi

Ang mga luhang ‘di ko na pinunasan



Patuloy sa pagdaloy, patuloy sa pagluha

Hindi mapigilan, kaya’t hinayaan

‘di ko namalayan na nang kalaunan

Ang luha ko pala, ay naging mga muta



-------------------------------------------------

Roy

December 11, 1998
naisulat habang nakasakay sa bus
papunta sa trabahong malayo sa tahanan
Balanga, Bataan
Philippines

7/22/2010

Landas:Transcendence from Darkness to Light


isa sa paborito kong pintor. nakikiisa po ako at nakikiramay....
para kay Sir Joey Velasco...

kakaibang medium ang gamit..
pansinin ang hagod...
isang makataong pintor!

7/19/2010

deretsong pakanan!

sa pagbubukas ng PEBA 2010- sa napipintong pagbibigay pugay sa mga OFW/Expat .
humanga ako sa post blog ni nebz-isla de nebz. sa pagkakabiswal ng standard life ng isang pamilya. simple lang ito, at makikita ang mga pagbabago, pagsasalarawan. Dito makikita kung saang linya napupunta o napadpad ang isang buhay Pinoy abroad...aminin man natin at sa hindi. isang sakripisyo ang mapalayo sa pamilya..marami kang dapat ihanda at kailangan buo at kasama dito ang pamilya sa tulong ng ating Panginoon.

kung tumataas ang work standard, panatilihing nasa linya ang family standard, kasabay nito ang pagtaas din ng moral standard...isang bahay na puno ng pagmamahal ang sagot, malayo man kayo sa inyong minamahal!pagkat masarap matulog sa kumpletong yakap!

7/17/2010

PiNOy Sa PiNAs PiNOy sA AbRoAD

Pare-pareho lang daw ang Pinoy sa abroad sa Pinoy sa Pinas- pinagkaiba lang ay ang Pinoy na may pagmamahal!

Nais mo pa ba ang iyong lahi?

Oo naman! Katiting lang ang mga butas na ito kumpara sa tanyag na pinoy sa mga positibong bagay. Hindi naman nasusukat sa kung ano ang mali sa tama. Ang mahalaga, ipinagmamalaki kung sino ang totoong ikaw. Ang totoong Pinoy. Sa Pinas man o sa ibang bansa.

Mas makulay parin ang mundo dahil may Pilipino!




7/04/2010

OFW nOoN aT NgAyOn!

Habang kumakain, napansin kong bakit nga ba di bagay na paghiwalayin ang kutsara at tinidor? Ang layo ng tanong. Ano naman ang kinalaman nito? Ewan ko ba. Kulit ng isip ko. Siguro dahil sa na ho-homesex, Este! Nahohomesick na naman ako. Napakahirap kasi kung malayo ka sa iyong pamilya lalo na nitong nakalipas na araw dahil sa kakatapos lang na Fathers day! Celebration. Hirap kaya, kahit nakausap ko ang prinsesa ko, masarap parin kung kasama ko siya sa mga araw na ganito. Tapos kwentuhan pako na namiss nya daw yung pagsampa nya sa balikat ko habang namamasyal, para daw kasi siyang on top of the world. Teka muna bago ako mag emote balikan ko itong kutsara at tinidor. Gusto lang naman sigurong itanong ng isip ko kung ano ang mga bagay na hindi pwedeng mawala sa isang OFW? Mga bagay na pagwala, kulang ang buhay. Kulang ang isang araw. Kulang at sayang, dahil maraming bagay ang hindi mangyayari.


ano bang mga bagay ang kailangan noon ng isang OFW?
ano naman mga bagay ngayon ang kailangan ng isang OFW?

SUNDAN ang kwento sa Philippine Online Chronicles