ito naman ang kwarto ko!..
dito ko pinapalipas ang buong
gabi at nakakatulugan ko lagi
ang panunuod ng tv!
teka anu-anu ba ang iba pang ginagawa sa kwarto!,madalas akong mag ja(toot toot) jaging dito at mag exercise.dito ko rin ginagawa ang iba ko pang trabaho.dito kasi sa lupang buhangin walang space sa labas ng kwarto at dahil sama-sama kayo sa isang flat,ang kwarto lang talaga ang magiging pribate!este!,private place mo para makapagrelax ka.kaya importante sakin ang kwarto .sabi nga ni dave dito makikita ang iyong personalidad!
si dave habang natutulog sa
kanyang kwarto!
(melvin,dave,marcial at ako! ang
kumukuha ng picture.he he he)
ang kwarto rin ni dave ang madalas
naming tambayan at dito rin kami
madalas mag-inuman...ng tea!
41 comments:
usapang kwarto pala..lols
madumi pa naman ang naiisip ko kapag kwarto ang pinag-uusapan..hehehe
pero teka parekoy, parang pareho kayu ng kama ni pareng dave ahhhh? kambal? lols
kwarto nga naman.....
maami talagang pwedeng gawin sa kwarto..minsan pag walang pasok sa trabaho, pati sikat ng araw hindi ko nakikita dahil sa pagkukulong sa aking kwarto...
ja(toot toot)- ginagawa ko rin yan madalas pag nakaalis na sina kabayan....hirap kasi mag jaging pag may kasama sa kwarto eh..masikip...hehehe...
Finally!!! Humilagpos din sa pagkaka-'Yakap'.
Okay ang ayos ng kuwarto mo a. Mukhang malinis! Parang may, ehem, tagalinis. Joke.
Ang kwarto'y reflection ng personalidad ba ikamo? Kung ganun ako pala'y maraming abubot na hindi na kailangan at nararapat nang linisin. Pero di ko mapigil ang sarili ko. Horder ako e! (At burara!)
Okay ung pwesto ni Dave a. Parang natutulog lang. (A, natutulog lang pala talaga). Joke.
Ehem, pag-uwi mo ba sa Pilipinas, pwedeng magpa pintura, o mean magpa pinta, pro-bono ba? Hahaha, hustong gusto kong magpahinga sa kuwarto ko, at magbasa ng magbasa...
Mabuti pa kayo at merong tig-iisang kwarto bawat isa sa inyo. Merong mga kababayan na apat o di kaya walo sila sa isang kwarto. Magulo at walang pribasiya.
Noong binata pa ako, importante para sa akin ang may sariling kwarto. Ito ang takbuhan ko para pansamantalang maka-eskapo sa masalimuot na kapaligiran.
kosa,
ha ha ha,pareho kami ng bed ni dave,magkaiba lang ng kulay ang kwarto namin.he he he.:)
pogi,
ayos na ayos,ganun din ako..madalas mag ja...jagging magisa!...:)
nebz,
pards,may funchline na ha(tama ba yung spell ko)..ha ha ha...magulo din ang kwarto ko inayos ko lang kasi pipicturan ko.he he he.:)
sheng,
uu ba...kahit naman nandito ako sa kuwait pwede ka naman magpapintura...:)
blogusvox,
pards..nung una punta ko dito sa lupang buhangin,dalawa lang kami,ngayon lima na kami sa isang flat.kaya yung space sa sala ginawa na nilang kwarto.
pero mas masaya kasi bawas homesick kesa magisa lang.salamas!este! salamat pards!
Iba pala ang pakana ng housing ninyo diyan? Para pala kayong mga Hippie noong 1960s. Communing.
Bakit di ka na lang mag-rent ng sarili mong apartment? This way, sarili mo ang living room, dining room, bedroom, powder room, laundry room, kitchen at bathroom!
Maski saang room puwede kang
mag-ja-ggging! O, di bah? He-he.
hi, kuya ever! i noticed ang nook mo ang pinaka-neat sa buong kwarto. i love it. haha. :D
ang tagal mo naman sa site Ever! kelan ba matatapos ang project? wala ba wifi dun? kung pagdudugtungin ko, yakap sa apat ng sulok ng kwarto ang post mo.
See u parekoy!
coolcanadian,
mahal upa dito pards,para kang uupa sa hotel kaya mahirap pag magsasarili ka,at saka accommodation ito ng companya para sa mga empleyado.pero ok narin kasi libre lahat ng gamit.salamat pards!
acey,
elow acey,musta naman si budoy..he he he.:)
thoughtkoto,
uu nga noh!,buhangin kasi ang site.walang internet,tapos gabi pako nakakauwi.kaya eto hilong talilong parin sa trabaho.kaya napagdiskitahan ko ang kwarto ko para ipost...:)
salamat repakoy!
ang ganda naman ng kuwarto mo :-)
nice room...pero sabi nila, " a room is EMPTY unlesss somebody gives meaning to it"...
Daming paintings. Magaling ka siguro magpinta. Ganda din ng tv mo. :D
elo Ever!
Musta na? Salamat sa pagbisita mo sa zblings.com. at nadagdagan na naman ang mga abogado. I'm not sure kung ikaw nga ung napansin ko naglalakad sa Shuwaikh (near Ethan Allen), nakasakay ako sa Kharafi bus namin. Sabi ko prang si Ever un ah?!
heheh :-)
Btw, your pad is very nice.
i want that LCD tv! Ang bongga!
ganda ng room mo.. or ang panget lang talaga ng room ko..haha..
link exchang po tayo?
greetings,
kevinpaquet - pinoyteens
hahaha! thanks for sharing what your room looks like, ever ;-) linis ah! hehehe
Kuwarto ko rin ang paborito kong lugar sa bahay namin noong nakikitira pa ako sa mga magulang ko. Ginawa kong bachelor's pad iyon dahil may tv, computer, bookcase, at aircon. Hehehe
ei pards! oo pero wala ako alam tungkol sa proyekto. kung meron man eh sigurado maganda yun, basta ikaw nag-design ;-) sya nga pla nilagay na kita sa blog roll ko.
heheh saka ko na ipapakita ang room ko kasi lagpas sa apat na sulok...
naalala ko tuloy yung mga panahon na nasa apartment ako. tagal din nun. saya nga pag marami sa bahay. basta walang pasaway.
ang kwarto. oo nga ano. ang laki ng papel nito sa buhay natin. ang kwarto ang piping saksi sa lahat ng kalungkutan at kasiyahan.
ako po, sa kwarto ako nagpipinta. nagdo-drawing at nagkukulong kapag nagsesenti. pero sayang wala akong LCD tv. hehe
Nakakatuwa naman, organized yung kwarto. It's also good that you've got privacy.
mabel,
salamat!
anonymous,
agree ako dyan...salamat sa pagpasyal.dalawa ang ibig sabihin ay iisa!
dee,
medyo nag-aral ng konti sa pagpinta,basehan ko rin ito pang patay ng homesickness.
erick,
ayos pards..dito karin pala sa kuwait,matatagpuan din kita.ha ha ha.:)
chyng,
ganda rin ng room mo kita ko sa post mo...:)
kelvin,
salamat sa pagdalaw...i olredi link u here.
caryn,
musta na ayos yung post mo about palitan ng mga bagay bagay..he he he.
panaderos,
salamat pards...kaya nga pala homeboy ang tawag sayo..ha ha ha.
dong,
tama ka dyan pards...masaya kung marami wag lang mahahaluan ng buraot na kasama,salamat naman at ako lang ang pasaway samin.he he he.
eliment,
natawa ako dun ah..:)
witsnadnuts,
elow mars..he he he.yan ah mare na kita..di na pards..
Just wanna share this fave verse of mine kasi Holy Week na:
"For everything comes from God alone. Everything lives by his power, and everything is for his glory." Romans 11:36
May you have a meaningful lenten season everlito.
nakakarelate ako syempre bro..ganda ng pagkakahabi mo ng kwento sa kwarto mo sa parteng iyan ng mundo..
uy flat screen, buti at hindi kayo double deck, naku maraming ganon dito..
pati pala pagdyadya-ging sa loob ng kwarto di mo rin pinalalgpas ano, holy week na bro iwas pawis muna lol! :D
Post a Comment