4/12/2009

di ako TaKot sa mUmo!


sa lahat ng bagay madalas akong magbalanse nuon,kahit alam kong kaya ko di ko ginagawa,kuntento nako sa mga nakakagawian ko,takot ako sa MUMO.mumo ang tawag ko sa FAILURE(tama ba spell?.he he he) ,gagawin ko palang parang hinihila nako ng sarili ko na wag na,baka mapahiya lang ako,saka nalang pag hinog nako,hanggang sa di ko na sya magagawa.


pero minsan di pala mahirap ang sumubok,kasama pala ito sa tagumpay kung anong gusto mo o kung saan ka lalakas at titibay,hanggang sa natutunan ko paunti-unti na lumakas ang loob ko.di pala mahirap, may mga basehan pala na matututunan ka at pag ginawa mo na ulit kayang kaya mo na.ito pala ang sinasabi ng tatay ko nuon na experience ang kailangan.paano mo malalaman kung hindi mo susubukan.


dito ko nakita ang katatagan ng aking ama nuon,walo kaming magkakapatid at ako ang bunso.karpentero ang tatay ko pero maayos ang buhay namin,dahil narin sa tulong ni nanay na ilaw ng aming tahanan,kahit hirap sa pagpapalaki samin si tatay lahat kaya nyang subukan.isang bagay ang hindi ko malimutan nuon,narinig ko habang nag-uusap sila ni nanay,(bakit pawis na pawis ka saka bakit sumakit na naman ang tuhod mo?) sagot ni tatay ng marahan,"Nag-lakad kasi ako pauwi,sakto pa naman ang pera ko pamasahe kaya lang wala akong pasalubong kaya naisipan kong maglakad nalang para mabili ko sila ng lansones,paburito kasi ni boyet yun."


naalala ko ang lahat ng ito tuwing papalapit na ang kaarawan ni tatay,para sayo tay ang lahat ng ito,kahit maaga kang nawala,iniwan mo sa amin ang yaman ng iyong pagmamahal.


nuon paman di ko na makalimutan ang pangyayaring yun...yun, ang simula kung bakit ngayon di na ako takot sa MUMO...


ngayon madalas nila akong tanungin,pano mo ba nagagawa yan? kinakabahan kaba?


ang sagot ko HINDI!...lahat naman tayo nabibigo.bakit di ko susubukan!

36 comments:

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

thats the spirit Po hehe...

AKALA ko mumo yung multo hehe...

^

Anonymous said...

napaiyak ako don ah...tatay's girl po kasi ako...
takot talaga ako sa real mumo..takot ako sa dilim lalo na pag magisa, pero di na ako takot magtry sa real hamon ng buhay...im used to take the risks...

caryn said...

ever, very nicely said ;-) tutuo, lahat tayo nabibigo. at di mo kakayanin kung di mo susubukan. pero takot pa rin ako sa mumo. yung mumo talaga. hahaha!

sheng said...

Kung hindi ka sa takot sa MUMO, yung literal ha, eh sa engkanto kaya... I just watched T2 with friends, medyo scary, but your mumo is scarier... you'll get over it naman, hopefully soon...

eliment said...

ako ang masasabi ko lang po...hindi ako tumibay kung hindi ako nakasalubong ng maraming mumo.

gie said...

ako madalas, hindi na nag iisip, go lang ng go, pag bokya e di bokya! hehe.. =)

witsandnuts said...

Nakakaiyak yung part na naglakad sya para may pampasalubong sayo. Hindi talaga kayang sukatin ang pagmamahal ng magulang sa mga anak. Life is to live with purpose and that includes taking risks.

Ken said...

akala ko may mumo sa kuwait, nyehahaha! pero very sound post! walang masyadong pakwela, pero malaman ang post mo, and hope this will continue. You have wonderful talents, and I gez wala ka na sa site kaya nakakablog ka na lagi. hehehe

Nebz said...

Nakakainis naman o. Natouch ako dun sa story ng tatay mo tungkol dun sa lansones. Emo tuloy ako ngayon, ke aga-aga.

Happy easter Ever. Sa yo at sa yong pamilya.

Amen sa post mo about mumo. Ako din maraming takot. Hanggang ngayon nga (sa murang edad ko na 40), marami pa ring akong takot. Siguro pag 60 na ako, saka lalakas ang loob ko! Haaay, buhay...

Pero totoo ung sinabi mo. Kung hindi mo susubukan at magpapadaig ka sa mumo, walang mangyayari sa pangarap mo.

Salamat sa post mo, Ever. Inspiring.

BlogusVox said...

Mabuti kapa dre, close kayo ng tatay mo. Na touch ako dun ah. Kaya mahal na mahal ko ang anak ko. Para meron din akong ala-alang iiwanan sa kanya pag wala na ako.

rolly said...

Actually, hindi ako matututo kung hindi ko maranasan ang failure at wag ka, katakut-takot na failure na ang inabot ko. Wala bang dala hehehe

Dee said...

Ang ganda, Ever! Very well said. I'm sure masayang-masaya ang tatay mo habang binabasa niya ito, bless his soul.

Oo nga, nakakatakot talaga ang mumo na failure. Feeling ko mas nakakatakot pa siya kesa sa mumo na ghost. Pero siguro ganyan lang talaga ang buhay ... :D

Chyng said...

mahusay! yan palang pagpunta mo jan KSA, tingin ko nalampasan mo na ang MUMU.

what's life without taking chances dba? kaya go lang ng go. merong room for mistakes! :D

@caryn,
di ako naniniwala na takot ka sa mumu. i know you haunt them pa nga! hehe

Anonymous said...

hey kuya! it's been a while! what's up?

pamatayhomesick said...

kikay,
spirit ogf the glass.:)

salamat!

pamatayhomesick said...

anonymous,
ang pinakamayamang shell..dalawa lagi lagi,:)

pamatayhomesick said...

caryn,
ha ha ha.baka may mumu sa likod mo..takbo...

pamatayhomesick said...

sheng,
wala naman mamaw eh,sa salamin lang daw makikita yun.:)

pamatayhomesick said...

eliment,
well said...salamat!

pamatayhomesick said...

gie,
yan ang dapat..try and try untill we succeed!

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
natuluan nga yung keyboard habang nagsusulat ako.ala-ala ng nakalipas!

pamatayhomesick said...

thoughtskoto,
salamat pards!medyo konti busy nalang..he he he.:)

pamatayhomesick said...

nebz,
paminsan minsan daw kailangan balikan ang mga pangyayari para madagdagan yung tiwala natin sa kapwa at sarili.

salamat pards!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
tama ka pards,lahat kami close sa kanya,bunso kasi ako.:)

salamat!

pamatayhomesick said...

rolly,
kung experience ang haharapin bubot pako.kaya alam ko tito rolly na hinog na hinog na kayo,kasi natapos nyona ang sangkaterbang pagsubok...

pamatayhomesick said...

dee,
maraming salamat dee!

pamatayhomesick said...

chyng,
uu nga chyng,kala ko di ko kaya ang subukan dito..kaya ko rin pala.

pamatayhomesick said...

joshmarie,
mustasa! busy tayo ngayon ah...:)

eye in the sky said...

ako din, hindi takot. ;->

bomzz said...

di kana takot talaga sa Mumo pag nag eemo heheheh...

pre ayus ang wento... may aral..di talaga dapat sabihin na di kaya kong di pa nasubukan...

keep the faith

Bomzz Jovi...

atto aryo said...

tayong mga iginapang ng magulang, wala talagang takot. sabi nga sa amin noon, anong ikinatatakot nyo e galing naman kayo sa wala? kaya hataw lng! eto, gumanda ng konti ang buhay. happy easter!

escape said...

"pero minsan di pala mahirap ang sumubok,kasama pala ito sa tagumpay kung anong gusto mo o kung saan ka lalakas at titibay,hanggang sa natutunan ko paunti-unti na lumakas ang loob ko.">> very well said. only those who dare achieve big things. failure normally goes with it but it's also there the we find the greatest lessons.

magandang post to para sa mga mahina ang loob. mga emo ba. hehehe...

poging (ilo)CANO said...

wag matakot sa mumo...

mumo ang dahilang kung paano mararating ang tagumpay..

stayactivenow said...

haha... ako takot sa mumo haha..

wanna exchange link?

here is my site bago lang kc http://frozenblog.info

thanks..

Jean said...

ako din, din ako takot sa mumo.. hahahaa pero takot ako sa dilim..:))
Ang saya2x ng blog mo.. napadaan lang po..

http://jean100386.blogspot.com
http://my-health-collections.blogspot.com

Jan said...

Ang galing naman ng tatay mo. At siya takot sa mumo. Iyong isang klase ng mumo: takot magpakita ng pagmamahal. As in kabawasan sa pagkalalaki iyong pagpapakita ng sweetness sa anak at sa asawa.

Sigurado ako, di yan lang natutunan mo sa tatay mo.

Nakaka-touch. Na-miss ko tuloy tatay ko. Wala na rin siya. Nang mamatay ang nanay ko, 15 days after sumunod ang tatay ko. Takot sa mumo ng pag-iisa. lol. Pero we're good. I'm good. Di naman feeling ko nashortchange ako. They died of old age. Kailangan na talaga sigurong magpahinga.

Mahirap masterin iyang mumo na tinutukoy mo. Pero I'm learning every day. Mahirap namang araw-araw na lang magtatakbo sa mga mumo. Ano magiging silbi natin, di ba?

Simpleng kwento, malalim na kahulugan. Thanks, Ever. This is worth every single minute of my visit. Ang layo ng Kuwait ha?! In fairness. lol