3/17/2009

yakap

naglalakad ako kahapon,may nakita akong dalawang magkasama at medyo nagtatalo,kung bakit daw sampung porsyento lang ang tubo ng kanilang negosyo,tapos sa bandang kanan ko naman may galit sa mga tumatawid dahil hindi makadaan yung hammer nyang sasakyan...

ang kwento ng buhay talagang walang kakontentuhan..naiinis ang may ari ng sasakyan dahil na abala ang hammer nya,nagtatalo ang dalawang may negosyo dahil sampung porsyento lang ang kita,nagmamadali rin yung mga tumatawid dahil inis na inis dahil naglalakad sila,galit din yung may saklay dahil ang bagal nyang maglakad...pero di nila napansin yung isang bata na walang paa at nakangiti at sarap na sarap sa pagkain ng kubus(tinapay) at di alintana yung init-usok-at ingay ng kapaligiran...

aaminin ko ganito rin ako minsan,laging may kulang laging may angal...tignan mo nga naman ang buhay!...

pero dahil dito,iniisip ko na swerte parin tayo at binigyan tayo ng ganitong buhay,oo meron darating na problema at minsan sisimulan nating magtanong sa KANYA ng bakit?,pero naniniwala ako na may dahilan ang bawat pagkakataon,at dun nating kailangan mas mabuhay at lumaban,habang may hininga at may bukas sa tingin ko may pag-asa..dyan tayo papasok,kayo na sa mga pangyayaring handang magbukas ng buong kamay para yumakap at magbigay ng panalangin at lakas...isang halimbawa rin ang binigay nyong suporta para kay yanah!

49 comments:

Nebz said...

...dahil kailanman, ang tao'y hindi magkakaroon ng tunay na kasiyahan. Laging may kulang, laging hindi sapat. Pero in reality, lahat ng may kung ano tayo, lahat ng meron sa atin, is just enough -- or maybe more -- to keep us going.

In other words: alam ni Lord ang kailangan natin.

Parang ganun. Sige uwi na ako. Mamaya na lang sa bahay ang kasunod...

Ken said...

Amen Ever and ever, Amen...

Thank you sa pagsuporta sa isang Kablogs. Mabuhay kayo kahit nasa site kayo.

poging (ilo)CANO said...

habang may bukas may pag-asa.....

laban lang ng laban sa hamon ng buhay...sa bandang huli......tagumpay.....

Kosa said...

palakpakan muna!!!!

(clap**clap**clap**clap**)

tumbling pa...oooooopsss ayun!

parekoy, tama ka!
yun na mismo... ganun naman talaga yata ang mga tao eh... hindi nakukuntento.. ako? kuntento ako sa buhay ko---kase hindi ako tao!
bwahahahaa(devil laugh...)
joke lang..
pero minsan kailangan talaga nating tumingin sa aking anung meron tayo at magpasalamat..

Chyng said...

Aspiring is good, but being appreciative of what you have is better!

Nice one Ever!

Anonymous said...

Ang mga tao habang nabubuhay, hindi nakokontento, pero ako, salamat pag may dumating, salamat pag wala, ayokong humangad nang hindi ko kakayanin, ayokong humangad nang hindi kayang abutin, ang akin lang, mapag-aral ko ng mabuti ang aking mga anak, at makakain nang tatlong beses sa isang araw, at may buong pamilyang nagmamahal, okey na ako dun. Minsan, naiisip ko, may kulang nga, oo, pero ito'y dapat pagsikapan!

Oman said...

noong medyo bata pa ako (di naman ganunkatagal) inis na inis ako noon kasi di ako makakita ng gusto ko sapatos. paglabas ko ng mall, may nakasalubong ako na tao na walang paa. na guilty ako.

Anonymous said...

This is a touching post. This would humble any reader. Have a great day.

Anonymous said...

Likas sa tao ang hindi makuntento sa buhay. Kinukumpara ang pamumuhay sa ibang tao at kadalasan may nakikitang pagkukulang sa sarili. Ni hindi man lang na-isip na baka ang taong iyon ay merong mas mabigat na suliranin kay sa kanya. Ang pinakamainam ay yung makuntento sa kung anong meron tayo at palaguin kung ano man ang nasa harap mo.

RJ said...

Wow! Very inspiring! 'Yakap para kay Yanah'. Tugma!

Ang Pamatay Homesick ay hindi lamang nagpapaskil ng mga magagandang likhang sining, punung-puno rin ito ng mga mabubuting asal at kaugaliang dapat ay taglay natin!

Anonymous said...

one time in my life i heard the same story...and i admit im always asking for more of what i dont have..we are luckier than anybody else...
We tend to forget that happiness doesnt come as a result of getting something we DONT HAVE but rather of recognizing and appreciating what we do HAVE...
nice thoughts...i hope i have shared the same...

onatdonuts said...

masarap mabuhay lalo na kapag napapalibutan ng mga taong positibo ang tingin at pagharap sa mga hamon.

go ever!

Anonymous said...

beautifully said, kuya ever. made me stop and think. i think you got a good head and heart. at tama ka nga.

pamatayhomesick said...

nebz,
well said nebz..:)

pamatayhomesick said...

kenji,
salamat.ganun din sayo sa pagbibigay mo ng pansin sa mga nakasama sa blogger sa pamamagitan ng komunikasyon.

pamatayhomesick said...

pogi,
pards robin padilla ang dating diba.salamat!

pamatayhomesick said...

kosa,
natawa ako sa tambling ah.he he he.;)

pamatayhomesick said...

chyng,
ang ganda ng thoughts mo..tama ka.!

pamatayhomesick said...

sheng,
huwaw sheng ang ganda ng comment mo..salamat!

pamatayhomesick said...

lawstude,
pards ganda ng pagkakabigkas mo, tungkol sayo..:)

pamatayhomesick said...

witsandnuts
salamat!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
palagay ko kakambal na talaga natin ang ganito,parang walang katumbas ang lahat satin,pero kung iisipin naman talga sapat lang ang lahat at equal!

pamatayhomesick said...

rj,
dok rj,salamat...pwede ka talagang maging isang artist (great poetry)

pamatayhomesick said...

anonymous,
sa pinakamayamang shell karumbas ay lagi lagi...:)

pamatayhomesick said...

onats,
musta na pards..salamat!

tinamaan ako sa comment mo.

pamatayhomesick said...

acey,
maraming bagay talga ang dapat din nating ipagpasalamat...salamat!

Dee said...

Na touch talaga ako dito, Ever. Tama ka, dapat we should count our blessings always, be contented at hindi dapat parati reklamo. Thank you at naalala ko iyan dahil dito sa post mo. :D

rolly said...

patuloy ang pakikibaka sa buhay habang tayo ay humihinga. Hindi lahat ng gusto nating mangyari ay mangyayari. Yan ang katotohanan. Kaya imbis na magreklamo, isa lang ang sinasabi ko sa sarili k -

live with it!

Anonymous said...

ang buhay nga naman!

sabi ni ka freddie (sa kanta niya) ang umaayaw ay hindi nagwawagi, ang nagwawagi ay ang hindi umaayaw!

ito na yta ang nature natin, hindi makontento. laging may hinahanap, pero masama naman siguro kung makontento na tayo..baka tumigil na tayong mangarap at parang isang tuod nalang na nakatayo sa isang tabi.

ituloy ang laban..

Anonymous said...

sa isang banda naman, nakakagaan ng loob 'yong ma-appreciate mo ang mga bagay na nasa iyo. gumagaan ang buhay kapag ganun.

Anonymous said...

Ang buhay natin ay puno ng pagsusubok. Ang mga suliranin ay pilit na pinahaharap sa atin para malaman kung gaano tayo katibay sa harap ng mga problema at tukso. (Depende sa tukso. Hehehe)

Pards, pasensya na at medyo hindi ako gaano nakakabisita. Medyo dumami ang gawain ko sa opisina at hindi ako gaano tuloy naka-bloghop. Ingat ka lagi.

AJ said...

pareng ever kmsta ang homesic dyan,

nabasa ko na ito nong nakaraan di pala ko nakpagcomment.

bakt nga ba ganito ang tao no, laging may hinahanap, ...

mahirap talgang ipractice ang contentment kaya naiintindihan kita..

ganito iyon ang halimbawa ng the glass is half full eh:D

rgds,

Anonymous said...

hala. natamaan naman ako d2. pero mga 5seconds lang. hahaha. :p bad vanny. :D

kalyo galera said...

kinikilabutan ako habang binabasa ko. ewan ko ba. hehe. ang galing :)

Anonymous said...

very true ;-) may rason ang lahat diba? ang purpose natin ay maintindihan yun. hehehe. deep pare!

Mac Callister said...

amen to that!

pero ang tao kasi la ng kakontentuhan di naiisip yun mga blessings na nasa kanya na pilit pa din naghahanap ng mas maganda mas malaki,di niya nakikita na yun meron siya e langit na para sa iba naks nakiseryoso daw ba ako hehe

pamatayhomesick said...

dee,
salamat ha...:)

pamatayhomesick said...

rolly,
ayos ang galing talaga tito rolly,pasok na pasok ang banat..:)

pamatayhomesick said...

eli,
uu nga pards at kasama din ako dito sa ganito.minsan naiisip ko na wala talagang kontento sa lahat!

tama din ang may appreciation.

pamatayhomesick said...

panaderos,
naku pards..basta ipagpatuloy mo lang yung mga gawa mo...salamat sa impormasyon sa nangyayari dyan ngayon!

pamatayhomesick said...

josh,
pareng josh...ayos yung mga kotse mo..he he he.:)

pamatayhomesick said...

vanny,
natawa ako dun sa 5 seconds..he he he.:)

pamatayhomesick said...

kalyo,
ganda ng tag mo pards,..

salamat sa pagdalaw!

pamatayhomesick said...

caryn,

ayos mare!..he he he.salamat!

pamatayhomesick said...

mac,
ayos ang galing din ng banat pards!

salamat!

madjik said...

ganon nga yata talaga minsan.. nakakalimutan natin na there are people out there who desereves to wail more and yet tahimik lang sila sa sulok...samantalang tayo...

next time na lang din ang kasunod hehehe,

nice one ever.

Nebz said...

Tagal masundan ng yakap ha. Baka naman hindi na makahinga, Ever. Bitawan mo na. Hahaha.

Kumakatok lang po.

Ishna Probinsyana said...

Naiinis ako sa sarili ko kase minsan hindi ako makuntento sa kung anong meron ako! hahaha! :) Pero hindi ko naman nakakalimutan na magpasalamt ang maginf appreciative sa kung anong meron ako. Yun nga lang, I always want more. >.<

burn said...

nice blog... it really came from your heart.... I hope you have time to visit my site and leave some comment too.