Extreme talaga ang klima dito sa Kuwait ,ang ganda ganda ng araw pag alis ko papuntang opisina,dina masyadong malamig kaya di nako nagdala ng makapal na jacket.nasa kalagitnaan ako ng byahe ng sumalubong ang sandstorm,malamang tatagal na naman ito ng ilang araw.kung nung una medyo manghang mangha ako sa ganito,sa isip ko makakapagpatayo ako ng bahay ng di na bumibili ng buhangin,special delivery galing sa hangin.kaya lang ng madalas ko nang maranasan medyo nababanas nako,unang una lumalagkit ang katawan ko at ang aking long hair napupuno ng buhangin lalo na ngayong madalas akong nasa site,di ko na nga matanggal ang balakubak ko kahit na panay ang gugu ko at pinapatakan ko ng lemon,lemon dahil walang kalamansi dito(susyalen ini!),tapos di pako makahinga sa sobrang dami ng kulangot ko.pero ika nga nila wala sa pinas nito,kung satin bumabagyo ng ulan dito bumabagyo ng buhangin.
Bago at pagkatapos ng sandstorm asahan nyo magpapalit na ng klima kinabukasan,patapos na ang taglamig,papasok na naman ang tag-init…waaaaaaah,din a naman ako makakapagdya(toot! Toot!)dyaging.
buti naman at paakyat nako sa building bago ako
naabutan ng sandstorm.ayun oh!,di na makita yung
katabing building.