11/11/2008

F.H Constantino at Dave Constantino

Kung nakapanuod kayo ng pelikulang pilipino nuon,kilala nyo ang sikat na derektor na si Felicing H. Constantino,sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pelikulang MANG KEPWENG, at ang iba pang pelikula na madalas pagbidahan ni nida blanca at nestor de villa.kung ikukumpara ngayon,oo ngat high-tech.na ang mga pelikula pero mas kinagigiliwan ko parin panuorin ang mga luma at nakakatuwang mga patawa...gaya nila balut,chiquito,tintoy,palito,babalu,panchito,dolphy,redfordwhite at marami pang iba..ewan ko ba pero hanggang ngayon naalala ko pa ang kanilang mga patawa at di na siguro mawawala sa history ng comedya.

ito ang ilang pelikula:






------------------------------------------------------

Isa sa kamasa sa grupo (adhika group) at nagsimula nito ang (anak ) este! apo pala ni F.H. Constantino na si Dave Constantino...talentadong pintor at skulptur,gaya ng kanyang ama kinalakihan ang pagiging isang artist...may pinagmanahan!...
ito ang ilang gawa ni Dave Constantino


29 comments:

RJ said...

Di ko na kilala si FH Constantino pero sina Nida at Nestor kilala ko pati ang mga komedyanteng binaggit nyo. Napanood ko rin ang marami sa kanilang mga pelikula[, lalo na nung bata pa ako kasi nga hindi naman ako pwede sa mga rated-R na yan].

Talaga palang mahilig sa Sining ang angkang Constantino.

[Parang ang sarap mag shift ng career. Nai-inspire ako sa inyo, mag-aral kaya ako ng fine arts, yung mas specific na branch nito. Pwede pa kaya?]

Toni said...

galing! ang gaganda! nakaka-inspire nga...

wala akong ganyang talent e...hehehe

Abou said...

di ko ata naabutan ang mga pelikulang yan. sana na preserve ang mga kopya ano. at sana ipalabas din sa tv paminsan minsan para maka ideya din tayo kung anong kaguluhan ang pinag gagawa ng mga nauna sa atin he he

Chyng said...

Wait, so kilala mo personally si Dave?

Send my regards! Mahusay siya! (--,)

Anonymous said...

Hindi ako mahilig sa sining, ay mali. Mahilig ako sa sining ngunit ang sining ay walang hilig sa akin, that's very well said. Thank you, haha, but seriously, they do very good art, why can't I?

atto aryo said...

huwaw! galing naman. iba iba pang medium! paki saludo naman ang mamang yan para sa akin.

Anonymous said...

mahilig ka talaga sa arts... :)

pamatayhomesick said...

rj,
sa tingin ko rj walang oras o panahon para matuto ka nito..saka isa karing talentadong magsulat..he he he.

pamatayhomesick said...

toni,
naku meron kang talent,toni...at inspiring din ang iyong mga gawa.:)

pamatayhomesick said...

abou,
oo nga pards..kung may pagkakataon lang maari itong preserve..o kya sana maipalabas ulit.black and white pa kasi nun..ha ha ha.

pamatayhomesick said...

chyng,
yap!,kasama ko sya sa accomodation dito sa kuwait at sya ang founder ng adhika group.napapaligiran nga ako ng mga mahuhusay na artist..he he he.:)

pamatayhomesick said...

ryo,
hayaan mo pards at makakarating..he he he.:)

pamatayhomesick said...

joshmarie,
yan na ata ako..ang arts ng buhay ko.he he he.:)

.::. Vanny .:. said...

parang katakot naman yung last sculpture.. =(

Dakilang Islander said...

*clap* *clap*..ang galing naman..saludo ako!

escape said...

ever, tanong lang. saan mo naman napagmanahan ang pagkatalentado mo sa painting? nasa dugo mo kasi talaga ang art.

Anonymous said...

Pards ang galing nyo talaga..naalala ko nong hayskol arkitektural drapting ang kinuha ko sa trade skol ako eh. dahil sabi ng kapit bahay namin maporma daw ang mga drafting. ruler at mag stidler or rotring lang mga abobot at yung tubo sa likod na parang basuka lang ang bitbit.. ang gusto ko talaga non electronik eh late na ako sa enrollment kaya drapting na lang heheh landscaping lang paborit ko di ko lang talaga na seryuso hehehhe..... hat off ako sa obra nyo Pards...

Nebz said...

Ang sabi nga: you are the company you keep. Bilib ako sa samahan nyo. Nadalaw ko na nga ung blog nyo at very, very impressive talaga ang mga likhang sining nyo.

Ever pakitanong nga po kung ang Ka Felicing Constantino ay taga Angono? Ung apo ang tanungin mo, baka naman mag spirit of the glass k p. Hehe.

pamatayhomesick said...

vanny,
ha ha ha,ganyan talga gumawa si dave ng sculpture...medyo beyond limits,pero lahat ito galing sa junk materials..:)

pamatayhomesick said...

dakilang islander,
pards saludo rin kami sa iyo!..salamat!

pamatayhomesick said...

the dong,
ha ha ha..salamat!,karpentero ang tatay ko,pero madalas kong nakikita na magaling din syang magpinta..malamang nakuha ko sa kanya ito.

pamatayhomesick said...

bomz,
ha ha ha,tama ka,madalas lang na dala ko nun techpen at t-square,tapos pang porma na rin yung tube!..ha ha ha.ayos ha!

pamatayhomesick said...

nebz,
pagkakaalam ko tubong bulacan ang constantino..pero tanungin ko yung apo ha..he he he,si dave kung may taga angono silang kamag-anak..:)

BlogusVox said...

Hindi ko rin napanood yung mga pelikulang binanggit mo. Pero kilala ko yung mga artista dahil napanood ko sila sa PPP (piling piling pelikula).

Marami talagang alagad ng sining na tubong Rizal at Bulakan. Karamihan sa kanila ay naging Pambansang Alagad ng Sining pa.

pamatayhomesick said...

oo nga pala may palabas nuon sa tv.PPP(piling piling pelikula).yung mang kepweng yun lang din ang natandaan ko na napanuod ko.

Twin said...

buti pinakita mo pa mga posters...wala tayong national film archive kaya malamang yung mga orig negatives nyan ginawa nang torotot...sayang ala-ala na lang sila, walang DVD na available ng mga ganyan pelikula

pamatayhomesick said...

twin,
may kopya pa ng ilan si dave,pero i think tama ka,wala na nga ata yung iba nitong kopya..sana meron pa.

Unknown said...

Dave Constantino is the son of Renato and the grandson of Enrique H. Constantino the older brother of
F.H.Constantino.The Family is originally from Bulacan and Bigaa Bulacan.
When I was growing up Enrique, My father told me that all the constantinos in the Phil are related although most would deny the relationship since theygrew up or were born in a different part of the country, But if they could trace their roots they would find out that all their ancestors came from Bulacan,Bulacan and Bigaa Bulacan. I am the older brother of Renato.

Anonymous said...

sobrang ganda naman ng mga gawa nyo ser. saludo ako.