8/11/2008

pAmmpaliGo!...nAman! nAman!,di ako makapag post ng piX!

dear ever,

wag kana magtaka kung bakit ako sumulat sayo,alam kong busy ka sa kaka-try na magpost ng picture dito sa blog,at kanina ka pa inis dahil ayaw mag uplod ng picture mong nagpapacute! pero di naman cute.di narin kita babatihin,este! babatiin, ng nasa mabuti kang kalagayan ngayon dahil alam kong oks ka sa iyong bakasyon...oo alam kong lahat ng ginagawa mo,lalo na kanina nung n a t a t a e ka,habang naglalaro ng basketbol,pagka-syut na pagka-syut mo n a u t o t ka, pasalamat ka at malakas ang palakpakan at ang reperi lang ang nakarinig,tinawagan ka tuloy ng foul!.sandali nga tutal nag-iisip ka kung pano ko nalaman,hayaan mong ibalik ko ang history,bata ka pa nang nakahiligan mong magdrawing,at madalas ito ang ginagawa mo sa iskul para kumita sa mga kaklase mo para huthutan ng 3o pesos kada drawing sa science project(tama ba?-ang kapal mo).pero dahil dito sumikat kapa sa iskul at madalas sinasale ka sa contest..swerte ka lang at yung mga judges eh kapitbahay nyo na madalas mong igiban ng tubig sa poso...naalala mo rin ba nung nagbinata kana at madalas nang tigasan kahit na unang taon mo palang ng high iskul(tama ba?-ang tigas mo!).at syempre lumaki narin ang kita mo dahil 50pesos na ang singil mo sa mga project na may drawing.pero ganun ulit! ito ang naging dahilan para iboto kang best in art, dahil karamihan sa mga kakalase mo- anak ng teacher(tama ba?-ang galing mo!anak ka nang###).at itong nag-aaral ka bilang arkitekto,nagulat ka ng may mas maraming magaling magdrawing sayo.ganun paman naging challenge ito para pagbatihin mo,este, pagbutihin pala!...(tama ba?-agree ako dyan).medyo matumal na ang negosyo mong magdrawing nung college kana, kaya gumawa ka ng paraan at nag-aral magsulat,at sumama sa may alam na magsulat...kahit di nila alam na kinukuhanan mo lang sila ng style.(tama ba?- style mo bulok!)..pero wala sa isip mo na seryosohin ito,datapwat kinahiligan mo na ang pagsusulat..iniwan mo ito at nagtrabaho sa iyong propesyon bilang isang interior designer sa kuwait,at sige ka parin ng sige sa pag pinta at pag drawing at swerte na rin dahil marami ang nagkagusto sa mga gawa mo at ng iyong grupo. alam ko rin na na feature kayo sa pinoy abroad ng GMA7 at ng STAR STUDIO MAGAZINE middle east ng ABS-CBN(tama ba?-ok yan mabuhay ka and world peace!).balik tayo sa pagsusulat mo!, kahit ayaw na sayo ng mga sulat mong baduy,na hindi pa uso ang txt nun eh kung magsulat ka eh,sinasadya mong ibahin ang letra at gawing hidni tugma ang spelling na hanggang ngayon wala parin nakakapansin sa mga bumabasa ng mga notes mo.gaya ng mga pamagat mong di tama ang spell at pagdadagdag mo ng letrang M sa mga words na may M.(tama ba?-at ako lang ang nakapansin!).siguro naman at naniniwala kana sa mga kwento ko!...at wag kanang mag isip kung sino ako.dahil kasama mo ako sa paggamit mo ng sabon pampaligo!


nagmamahal,
ang iyong konsensya


p.s.
lang hiya ka,di lifeguard ang pangalan ko. safeguard!

24 comments:

Chyng said...

Achievements Galore it is!

Hhmm, di makapgpost ng pics? Check mo, may downtime minsan ang blogger, at announced naman yun! ;)

TENTAY™ said...

teka paulit lit ko binasa di ko nagets shet mabagal nanaman brain ko. hay. kamusta ka na! natouch ako sa comment mo ha. napaiyak ako pramis hahahahaha!

Panaderos said...

Kanina ka pag nag-basketball at sabay utot pa pero hanggang ngayon ba e dehin goli ka pa rin?!?!? Ano ka ba?!? Ligo na!!! Hahaha :D

Biro lang, Pards. Bigyan mmo namman kammi ng mmga sammple ng sulat mo. :)

BlogusVox said...

Wow pre, sikat ka na, nabanggit ang grupo nyo sa magazine.

Ganyan din ako noon. Pag dating sa college nakita kong mas maraming magagaling sa akin sa larangan nang painting. Kaya doodles nalang ang ginagawa ko. Anyway I do this to amuse myself naman eh.

escape said...

hahaha... lifeguard! safeguard!

pamatayhomesick said...

chyng,

ay ganun pala.sige try ko maya maya.salamat chyng!

ever: knock knock!
chyng:hu's there?
ever: chyng!
chyng: chyng hu?

ever:aawit na parang si vic sotto kasamang back ground si jose.its cha cha time!
chorus
la la la la la, la la la la la la
chyng,chyng a song,make it
simple...

baduy ko ata,ewan ko kung naabutan mo yun sa bulagaan!

pamatayhomesick said...

tentay,
alam mo bang humahanga ako sa husay mong mag kwento sa blog,and i really enjoy everything!(yan ha medyo spokening dollar yun)

ur avid fan's(with S)
datu puti kahit na akoy sukang itim

pamatayhomesick said...

panaderos,

ha ha haha..ang galing pre..natuwa ako at nalamman mo ang sulat ng aking konsenya..

uso naman ngayon ang batman,kaya dehins pako goli.

cge pag may pagkakataon publish ko dito yung "KULUNGAN WALANG REHAS",medyo madahas na pagsusulat to at nakaka-awa ang ending kaya hanggang ngayon di pa ipinapasok ng publisher maraming ayaw pero approve nato nung feb 2007 pa.

pamatayhomesick said...

blogusvox,
dyan naman ako humahanga sayo,pwede kang cartoonist at illustrator article or editorial master...mahina kasi ako sa doodles.musta na pre namiss ko yung blog mo!

pamatayhomesick said...

the dong,
sumulat nga din sakin si palm(palmolive,ganun di si aling zest..).he he he he.:)

Anonymous said...

hahaha. grabe, nakakatawa kahit di ko naintindihan ang ibang terms (bisaya kasi ako, nahihirapan sa tagalog nang konti).

entertaining post, nevertheless! :)

Oman said...

napunta lang ako dito kasi natuwa ako sa profile pic mo na kakaiba. hirap yata noon ah.

ganda araw sa iyo.

pamatayhomesick said...

acey,
oo nga eh,kahit ako di ko masyado naintindihan yung post ko...he he he..:).gandang araw!

pamatayhomesick said...

lawstude,
ayos yung blog mo..isa na namang magiging pasyalan ng pamatay homesick.salamat sa pagdungaw...

Abou said...

ha ha ha paborito ko yang kantahan sa bulagaan lalo na sina jose at vic he he

sana ibalik nila ha ha

eye in the sky said...

ang lalim naman. lol. noticed the paintings from the slideshow. magaling ka rin palang mag paint.

pamatayhomesick said...

abou,
he he he..buti pa ibalik natin ang bulagaan...ha ha ha...

pamatayhomesick said...

eye in the sky,
yun talaga ang porte ko ang magpinta,nakaugalian ko lang magsulat,pandagdag pamatay homesick.:)

Anonymous said...

hehehe napangiti mo ako dun paren ever ah.. ayos.. galing mong sumulat..

sna ako din.. matutong sumulat ng kagaya mo..

pamatayhomesick said...

lestat,
di naman ako masyado marunong nito.nature ko lang talga ang manggulo minsan,dinadaan ko nalng sa sulat...he hehe.salamat!

Anonymous said...

parang naimagine kong nag-double ang image mo habang kinakausap ka ng iyong konsensya.. haha

kakatuwa ka talaga. :D

pamatayhomesick said...

lei,
he he he,impluwensya ata yun ng panonuod ko ng pelikula ni sarah geronimo..:)

The Islander said...

haha! di ka masyadong hyper habang ginagawa mo to. ako nung bata ako simple lang ang buhay ko.. binabalandra at hinahampas hampas sa pedestal. hahaha.

pamatayhomesick said...

the islander,
ayos yung binabalandra ah,,pedeng title..ha ha ha.