7/15/2008

mEroN aKong "DaTeS"







ang origin ng dates (palm tree family),hanggang ngayon ay wala pang eksaktong kaalaman,pero dito sa lugar buhangin ito madalas matatagpuan.kung ikukumpara sa buko(coconut tree) satin ang pinagkaiba lang nito ay yung bunga.at take note! para tumubo o magbunga ang date tree kailangan ng isang lalaking puno sa bilang ng limangpung punong dates na babae.o di ba kakaiba... ang lasa nito ay malinam-nam,kung titignan mo kala mo minatamis na sampalok he he he,pero magugulat ka sa lasa at napakatamis at hindi rin ito nabubulok o nilalanggam.

masarap kainin ang date fruits lalo na kung may kasamang tsa-a(tea), para itong kape at pandesal,(teka namiss ko tuloy ang pandesal)..paborito ko rin yung maniba nito o hindi pa masyadong hinog,malutong na parang pinagsamang lasa ng mangga at lansones.(teka ulit namiss ko rin ang mangga at lansones)..hay nako makakain na ngalang ng duhat!

ika nga ni pareng romy na aming binata:" buti pa ang puno dito may dates ako wala"



Tea and dates (photo and creation from jocab)


ito naman ang aming suki na madalas na
mas marami pa akong nakakain libre,
kesa sa nabibili...he he he

20 comments:

atto aryo said...

pa share naman dyan nung dates mo! :-)

Anonymous said...

explain mo din kung kailan namumunga at by season din yan di ba.... kulang eh

Anonymous said...

i beleive may date ka jan or dates to make it in plural form, kunwari ka pa...

Anonymous said...

parang sampalok nga,kaya lang masarap ba talaga kainin yan parang kulubot na eh,saka sa tea lang ba masarap yan?

BlogusVox said...

Iba ibang klase rin ang dates. Yung maliliit na kulay yellow na bilog ang pinakamahal dito (1st pic). Pero ang gusto ko yung mahahaba na malagkit. Mainam kainin pang sabay sa "gawa".

Anonymous said...

r-yo,

ha ha ha,anong dates ang gusto mo..he he he.

kung date, si pareng romy meron..he he he..:)

pamatayhomesick said...

blogusvox,

oo nga eh,sabi ni jojo nung time na nasa saudi sya,pinakamasarsap ang dates dyan..
-----------------------------
anonymous,

ay nakalimutan ko,oo nga noh!churi ha, every summer ang bunga ng dates kasi mas kailangan nya ng init ng klima,panapanahon din gaya ng ibang puno..

meron po akong dates kakanenok ko lang kanina sa daan papunta sa farwaniya..kaya lang konti lang eh,dami kasing kumukuha na pana dito..ask mo nalang si blogusvox kung ano ibig sabihin ng PANA.:)

masarap din sa kape attsokolate,pero mapapadalas ang inom mo ng tubig matamis kasi eh.:)

pero sa "GAWA" the best ito.kaya lang di masyado rito sa kuwait eh..sa saudi mas popular ito.

salamat!

atto aryo said...

linked you already! :-)

Abou said...

ever parang mawiwili ako dito a ha ha

salamat sa dalaw mo sa blog ko

pamatayhomesick said...

abou..,

ayos..nakakatuwa yung blog mo.."basta.."...lagi ko rin yung papasyalan!

Abou said...

naka link ka na sa kin sa mga oras na ito. kaya mag ingat...

he he

Lyka Bergen said...

Ang dami mo namang Dates! Ever! Inggit ako!

Panaderos said...

Ngayon ko lang nalaman na may "lalake" at "babae" pala sa mga puno ng dates. Ang suwerte naman ng "lalake" na iyan.

Maraming salamat for a very informative post. May natutunan akong bago ngayong araw na ito.

Maraming salamat din sa pag-bisita sa blog ko, Pards. Much appreciated. Ingat. :)

pamatayhomesick said...

salamat panaderos,madami rin akong natutunan sa blog mo..lalo na yung post mo ngayon tungkol sa mga video commercial nuon.salamat!

escape said...

yang dates na yan. addict ang tatay ko dyan. kasi nagtrabaho sya sa saudi dati. hanggang ngayon hinahanap pa rin nya. ako naman hindi ko trip yan.

escape said...

naku adik ang tatay ko dyan. nagtrabaho kasi sya dati sa saudi.

pamatayhomesick said...

dong,

nung una di ko rin trip ang dates pero ngayon parang hinahanap na ng panlasa ko lalo na pag gutom ako..he he he.

siguro pag napasyal ka sa lupang buhangin makakasanayan mo narin ang kumain ng mga foods nila..gaya ng erpat mo..:)

salamat!

Luis Batchoy said...

pareho tayo walang dates
kaya nga malapit na ma purnes ang mga betlogs ko...hehehhe
informative post

pamatayhomesick said...

luis,

he he he kakatuwa naman yung betlogs..pareho tayo kulubot narin..ha ha ha..salamat batchoy!

Anonymous said...

dami mo namang dates! hehehe ;-)

loved your nightime shot of those trees ;-)