dalawang taon walang uwian,halos nakamamatay ang homesickness,nakaranas at napagdaanan ko ito sa loob ng anim na buwan at pasundot-sundot na araw kagaya ng pagsundot ko sa ilong ko sa dami ng kulangot, ang hirap,mapag-isa, talagang tutulo ang uhog mo sa iyak,di ko nga alam kung bakit ganun ang feeling,ang bigat talaga! tuwing hihiga ako sa kama,parang lumiliit ang sulok nito at ang kisame parang bumabagsak sayo unti-unti,ganun kabigat.pero kung iisipin napakabilis ng panahon,sa dalawang taon yun, nakita ko ang pagbabago,naranasan kong tumayo sa sariling paa,at naranasan ko ring maging kaibigan ang aking palad sa gabi madalas akong mag lotion,para bang siya lang ang nakakaintindi ng aking pangangailangan,kaya pag tinanatanong ako kung malinis ang kamay? syempre! dahil sya ay aking alaga,oo, naman! dahil ito ang ginagamit ko tuwing nagiisa ako at para mawala ang init ng ulo...gamit ko ang kamay ko sa pagdrawing ng layout dahil sa trabaho ko.kaya kailangan alagaan dahil ito ang buhay ko...ang haba naman ng paliwanag ko sa kamay,dahil sapagkat datapwat,ngayon umuwi ako nakapagpahinga ang kamay ko...
marami akong nakagiliwan ngayon na hindi ko pansin nuon,gaya ng pagsakay ko ng tricycle,mga kulisap sa bahay,mga ingay ng palaka sa gabi.langgam,suso,bubuli,kulig-lig, ang alaga kong si argo,mga kambing,sabungin manok ni kuyang, palayan,ilog at syempre ang mga alaga kong halaman.
at ang matulog sa ilalim ng puno ng manga
sa papag kawayan...zzzzzz!
16 comments:
kainggit naman ang presko presko matulog sa papag!
romy
Ang sarap nang bakasyunan mo, kanayonan. Malamig at sariwa ang simoy nang hangin.
Enjoy your vacation at huwag bilangin ang mga araw. Kasi isang iglap lang yan tapos na ang isang buwan.
blogusvox,
parang ang bilis nga ng araw,salamat sa tip..mula bukas di ko na bibilangin ang araw..
dito ito sa malapit sa nabili naming lupa,maganda at sariwa pa ang hangin at yung ilog malinis payun,nakuhanan ko kasi katapos lang ng ulan kaya kulay kape na may gatas...
marami pa sana akong picture eh kaya lang ayaw mag uplod..wala pa yung mga halaman ko at puno na naiwan ko nun ng 2yrs,pero ngayon napapakinabangan na..he he he.
romy,
alas sais na nga ng hapon ng magising ako...kundi pa umulan malamang magdamag ako dun sa papag na kawayan.:)
at ang matulog sa ilalim ng puno ng manga sa papag kawayan...zzzzzz!
>>> astig ah! ganyan na pala ngayon. may papag na. hehehe...
ramdam na ramdam ko ang saya nga pag uwi mo dito sa post na to.
dong,
ewan ko ba wala na yatang sasarap pa sa mahiwagang pinas,gaya mo mas kinagigiliwan ko ang nature ng buhay dito,bukod sa simple,napakaganda parin ng pinas at walang maihahalintulad.:)
todo bakasyon talaga ha
sige lang he he
dont worry.. iuuwi ka namin dito. hehe. will bring back the memories for you.
abou,
todo nato!...kailangan wag bilangin ang araw...ika nga ni blogus...saka puro kasi buhangin lang ang nakikita ko sa kuwait,kaya eto pati puno at halaman friendship ko na at kinakausap!..ok naman, pakiramdam ko may respond naman..teka may tama pa ata ako...he hehe!
the islander,
salamat ha...nakakapasyal nga ako sa buong pilipinas dahil sa blog mo..atlease! libre ako ng pamasahe,taas kaya ng gasolina ngayon..ha ha ha..
waah... nakakak miss ang ganyang setting.. ang paligid kahawig na kahawig ng aming probinsya sa nueva vizcaya..
ako next year mag p picture picture din heheh..
syangapal isinama na kita sa blogroll ko.. :) kapitbahay lang pala tayo dito sa Farwaniya.. ayos.. 3 na ang kilala kong pinoy blogger dito sa Kuwait.. :)
enjoy your vacation.
lestat,
talaga! farwa ka rin...mukhang lalawak ang komunikasyon natin,nga pala kelan ka uwi?..pero ngayon hayaan mo muna kitang inggitin sa lugar ng bulacan...ha ha ha.
shokran!
yup farwaniya rin ako.. dito malapit sa Al-Duwahi Restaurant.
uwi, annual uwi ko pero dahl sa financial strategy set ko ng every 2 years.. heheh alam mo na kelangang magtipid at mag ipon
so sa bulacan ka.. lapit lang tayo cabanatuan ako sa pinas eh.
sige at ako eh makikinood lang ng iyon gmga picture picture
Nakaka-inggit ka, Pards. Mukhang ok ang bakasyon mo sa ating bayan.
Tulad mo, noong huli kong uwi sa ating bansa, nakagiliwan ko rin magmatyag sa mga suso at napahinga din ng ilang araw ang kamay ko. :D
Ingat, Pards. Salamat nga pala sa pag-link mo sa blog ko. I will do the same. Salamat uli. Enjoy your vacation! :)
you are one funny SOB. that was a great piece. made me LOL. salamat.
lestat,
ok naman pala ang strategic move mo,ganun din ang ginawa ko for 2yrs,pero ngayon mukhang di ko na kaya ang dalawang taon,malamang kung walang mababago,every 1yr tapos uwi...pag balik ko dyan anu ba gusto mo pasalubong!..he he he.:)
panaderos,
oo nga eh,hindi na pasmado ang kamay ko...he he he..
isa ka sa mga nakagigiliwan kong pasyalan dito sa blog,isa mo akong tagahanga sa pagsusulat at pagbibigay impormasyon pards...salamat!
eye in the sky,
salamat..teka anu yung SOB?...ang alam ko lang e SOP..yun kc alternative ko pag may gusto akong ilabas ng sama ng loob..ha ha ha.:)
wow..pasalubong.. "chicharong baboy" ng bulacan hehehe..
lagi ako bumibili nyan pag humihinto ung five star sa double hapiness restaurant dun sa san miguel. :)
lestat,
oo the best ang chicharon dun,cge pag may pagkakataon try kong mag dala..he he he.
Post a Comment