7/13/2008

H A G O D

nun paman kilala ko ang ating national artist ngayon na si BenCab,madalas ko itong marinig sa mga kaibigan kong artist,di ako masyadong "IN" nun sa larangan ng pagpinta,dahil masyado akong abala sa paggawa ng templates ko sa pag-aaral ng arkitektura,mas kinagigiliwan kong magbasa ng komiks...sa panahon nagdaan importante ang makarelate ka sa mga related arts ngayon,at sa di inaasahang pagkakataon nakasama ko ang isa sa pamilya ng cabrera,isang malaking bagay ito para lumawak ang kaalaman ko sa pagpinta at pagsulat.kinagigiliwan kong pag masdan kung pano ang pagtimpla at hagod ng brush o pencil na hawak, at dito ko naikokumpara kung alin ang "MAS" at di "DAPAT"...minsan tuloy, sa aking palagay isa sa magiging artist ng dekadang susunod ay ang kasama kong si Jojo (JoCab) cabrera...

ito ang ilang HAGOD mula kay JoCab:





JOCAB PAINTING( lady veNdoRs)

--------------------------------------------------------------------------------------------

ito naman ang HAGOD ni BenCab:


BENCAB PAINTING (Sabel)

11 comments:

Anonymous said...

First time to comment here. I've heard of Ben Cabrera. Pamilia pala sila nang mga artist. I also used to sketch, pero landscape lang and only for fun. How about posting your own work?

pamatayhomesick said...

blogusvox,

thanks sa comment,yap!by this month,gusto ko rin i feature yung father ni jocab,isa rin sa mga dekada ng painter sa bansa natin...

yung my own work,siguro di pa muna,hilaw pa ko sa pagpinta eh,pero try mo narin i visit yung site namin www.adhikagroup.blogspot.com,meron akong mga paintings dun na gawa namin ng grupo.

escape said...

kaka relate din ako dito kasi tatay ko architect. dami din nyang nadodrawing.

astig nga ang mga gawa ni jocab. salamat sa pagbisita sa blog ko.

pamatayhomesick said...

the dong,

salamat dong,astig din ang tatay mo,siguro magaling ka din magpinta,gaya ng tatay mo..

rolly said...

One of his relatives used to be my classmate whose father was also a respected artist until he died. Magagaling talaga ang mga Cabrera.

pamatayhomesick said...

tito rolly,

talaga tito rolly,ayos pala,maswerte pala ako at nakakasalamuha ko ang magagaling na artist satin gaya rin ng mga gawa nyo!

Anonymous said...

I've always thought that I never had that "creative" side in me kaya I never really learned to "appreciate" ART or even that expression...FOR ART'S SAKE.

But a lot of these changed ng ang pinakamamahal at poging-pogi kong asawa e makasama ang mga kapitapitagang mga taong ito. He was even so eager to share photos of their works to me and I really find them beautiful. Lalo na when I came to know THE PEOPLE BEHIND these works. It's a personal pleasure to know them...and talk to JoCAB...A REAL PLEASURE...

----LIAH

pamatayhomesick said...

salamat liah,

marami akong bagay na natututunan sa mga kasama ko ganun din kay niel..swerte ngako dahil napapaligiran ang ng mga mahuhusay!

Anonymous said...

loved the pencil studies of JoCab. they were interesting ;-)

i love drawing nudes, but pansin ko shy ako when it comes to guy nudes. i find women prettier to draw.

pamatayhomesick said...

hi caryn,

mahilig ka pala sa nude...ito kasi ang pinamagandang porte para sakin,..kaya hangang ngayon pinagaaralan ko ang galaw at porma ng isang character..

salamat sa pagdalaw!

Marites said...

Galing ng gawa ni JoCab ah. Kaanu-ano siya ni BenCab? Nakapunta ka na ba ng Baguio..puntahan mo iyong Tam-awan Village (huh! dapat palang i-post ko iyong mga pictures na kinuha namin doon) kasi si BenCab daw ang isa sa may-ari noon atsaka doon din sa Vocas na nasa Session Road, may-ari si Kidlat Tahimik.