kelan lang naisipan kong maligo sa ulan,maliban sa maglaro ng apoy gaya ng kay abou,at iniiwasang magbilang ng araw bilin ni blogusvox,di narin muna ako namasyal dahil libre ako ng pamasahe sa paglilibot ng dahil kina byahe ni dong at the islander,at eto pa samahan pa ng mas kakaibang tanawin mula sa tokyo edition ng islander in the city, ganun din ang pamamasyal ko ng napadaan ako sa eye in the sky...
teka giniginaw nako.dadaan muna ako kay tito rolly para magpaturo ng kung anu-ano,habang nakikipagkwento at naaliw sa pagbabasa ng kwentong tambay,at malikhaing komiks.pashot-shot ng beer ng may bagong katsokarang dumating ang ofwlyf na kabitbahay sa kuwait..ganun din ang arabian josh ....pero gaya ng ulan na dumaraan may dumadalos na luha at sa pagbuhos nito mayroon maiiwan na ala-ala ng lungkot at kasiyahan para kay a man of my town(akoy nakikiramay)....
-------------------------------------------------------------------------------------------------
pagkatopos na pagkataos ng ulan,eto ang senaryo! pwesto!,inuman sa kapitbahay at kwentuhang walang saysay.kulang nalang ang awitin ng parokya na "tama na yan inuman na"...di naman ako masyadong palainum eh..hik! ,tsalagang namisssssssssss.hik! ko lang tlaga aaaaaaang tumoma at kwentoham..
pag tapos kong makipag kwentuhan,pinasyal ko si pukengkay!
si pukengkay ang alaga kong tunay!
7/29/2008
7/23/2008
aNg mAhiwaGang piNas!
dalawang taon walang uwian,halos nakamamatay ang homesickness,nakaranas at napagdaanan ko ito sa loob ng anim na buwan at pasundot-sundot na araw kagaya ng pagsundot ko sa ilong ko sa dami ng kulangot, ang hirap,mapag-isa, talagang tutulo ang uhog mo sa iyak,di ko nga alam kung bakit ganun ang feeling,ang bigat talaga! tuwing hihiga ako sa kama,parang lumiliit ang sulok nito at ang kisame parang bumabagsak sayo unti-unti,ganun kabigat.pero kung iisipin napakabilis ng panahon,sa dalawang taon yun, nakita ko ang pagbabago,naranasan kong tumayo sa sariling paa,at naranasan ko ring maging kaibigan ang aking palad sa gabi madalas akong mag lotion,para bang siya lang ang nakakaintindi ng aking pangangailangan,kaya pag tinanatanong ako kung malinis ang kamay? syempre! dahil sya ay aking alaga,oo, naman! dahil ito ang ginagamit ko tuwing nagiisa ako at para mawala ang init ng ulo...gamit ko ang kamay ko sa pagdrawing ng layout dahil sa trabaho ko.kaya kailangan alagaan dahil ito ang buhay ko...ang haba naman ng paliwanag ko sa kamay,dahil sapagkat datapwat,ngayon umuwi ako nakapagpahinga ang kamay ko...
marami akong nakagiliwan ngayon na hindi ko pansin nuon,gaya ng pagsakay ko ng tricycle,mga kulisap sa bahay,mga ingay ng palaka sa gabi.langgam,suso,bubuli,kulig-lig, ang alaga kong si argo,mga kambing,sabungin manok ni kuyang, palayan,ilog at syempre ang mga alaga kong halaman.
at ang matulog sa ilalim ng puno ng manga
sa papag kawayan...zzzzzz!
7/21/2008
i'm comming home to the place where i belong! sigurado ka?
marami ang nagulat at umalog ang betlog!este utak pala! ng sinabing kong uuwi nako kahapon sa pinas,aktuli!,di ko talaga pinaalam,gusto kong maranasan ang bumalik naman ng magsisimula,teka ang gulo ko.kapansin pansin ang mga tao pabalik ng pinas at masasabi kong at sa tingin ko.ako lang ang first time na magbabalik ofw,makikita mo sa kanila yung wala nang excitement,at halos sanay na sa muli nilang pagbabalik,di tulad ko na nangapa parin kahit na sabihing alam ko ang aking gagawin,wala naman masyadong hassle o maiikwento tungkol sa paglalakbay ko pabalik,maliban lang sa pagtungtong ko ng pinas,natatandaan ko nung halos dalawang taon na ang nakalipas,masyado akong nahirapan paalis ng pinas,kasi parang ang aarte sa pila at ang ugali ng mga guard nuon kung magsisigaw ay kulang nalang sabihing "engot" ka sa pagtutulak sayo na dun ang pila at di kaba marunong bumasa,hindi naman nangyari yun sakin,pero naganap mismo sa harapan ko...pero o my gulay!,iba ang nangyari sakin ngayon,parang napaka-espesyal ko,kulang nalang bigyan ako ng welcome banner,una magalang na sila ngayon,at tatawagin kana ng guard ng "SIR" dito po ang tamang pila! "SIR" baka meron kayong panigarilyo dyan!"...at ng pumunta ako ng cr,talaga naman, kukuha lang ako tissue na isang dangkal lang ang pagitan may mag-aabot pa sayo..at sasabihin din sayo bago ka lumabas ng toilet eh, tatawagin ka na namang "SIR" baka may pang meryenda tayo dyan!...kaya sa susunod kong pag-alis muli,ito naman ang aking aabangan!
7/15/2008
mEroN aKong "DaTeS"
ang origin ng dates (palm tree family),hanggang ngayon ay wala pang eksaktong kaalaman,pero dito sa lugar buhangin ito madalas matatagpuan.kung ikukumpara sa buko(coconut tree) satin ang pinagkaiba lang nito ay yung bunga.at take note! para tumubo o magbunga ang date tree kailangan ng isang lalaking puno sa bilang ng limangpung punong dates na babae.o di ba kakaiba... ang lasa nito ay malinam-nam,kung titignan mo kala mo minatamis na sampalok he he he,pero magugulat ka sa lasa at napakatamis at hindi rin ito nabubulok o nilalanggam.
masarap kainin ang date fruits lalo na kung may kasamang tsa-a(tea), para itong kape at pandesal,(teka namiss ko tuloy ang pandesal)..paborito ko rin yung maniba nito o hindi pa masyadong hinog,malutong na parang pinagsamang lasa ng mangga at lansones.(teka ulit namiss ko rin ang mangga at lansones)..hay nako makakain na ngalang ng duhat!
ika nga ni pareng romy na aming binata:" buti pa ang puno dito may dates ako wala"
7/13/2008
H A G O D
nun paman kilala ko ang ating national artist ngayon na si BenCab,madalas ko itong marinig sa mga kaibigan kong artist,di ako masyadong "IN" nun sa larangan ng pagpinta,dahil masyado akong abala sa paggawa ng templates ko sa pag-aaral ng arkitektura,mas kinagigiliwan kong magbasa ng komiks...sa panahon nagdaan importante ang makarelate ka sa mga related arts ngayon,at sa di inaasahang pagkakataon nakasama ko ang isa sa pamilya ng cabrera,isang malaking bagay ito para lumawak ang kaalaman ko sa pagpinta at pagsulat.kinagigiliwan kong pag masdan kung pano ang pagtimpla at hagod ng brush o pencil na hawak, at dito ko naikokumpara kung alin ang "MAS" at di "DAPAT"...minsan tuloy, sa aking palagay isa sa magiging artist ng dekadang susunod ay ang kasama kong si Jojo (JoCab) cabrera...
7/08/2008
BEWARE!
kelan lang ng may nakausap kami na egency galing sa pinas dito sa kuwait,di naman namin sinasadya nang napadaan sila sa opisina namin,may kalumanayan silang magsalita at mapapansin mong mataas ang pinag-aralan at kapa-bilidad sa ganitong trabaho. binigyan pa nga kami ng calling card!...anak ng tipaklong! ngayon lang, ng mabasa ko sa dyaryo ng ARAB TIMES na may problema pala ang agency na to...NONSTOP OVERSEAS EMPLOYMENT CORPORATION.
ito ang link ng balita dito sa kuwait:
nuMber wAhid! (Numero Uno)
san ka ba makakakita ng isang nag trabaho sa kuwait na kung iisipin at titignan mo eh,ang akala mo dito na nakatira at halos sampung taon na kung susumahin..ops! ops!,kung hindi ako nagkakamali halos magdadalawang taon palang si rene dito,pero sa igsi ng panahong iyon mapapansin mo marami nang kontak at kung anu-ano pa...he he he.dito mo mapapansin ang isang pagpapalipas at pamatay homesick na hindi mo na kailangan magmukmok.isang kakababayan masasabi mong number wahid! OhA! oHa!
Subscribe to:
Posts (Atom)