Naalala ko nung time na bago palang ako dito sa kuwait,kabado at halos di ako mapakali,sasabihin kong natatakot ako,wala akong kaalam-alam sa takbo ng buhay na haharapin ko,unang trabaho ko abroad,wala akong experience pa,hilaw pa sa kalakaran ng trabaho dito,in short talagang mangangapa ako,parang gusto ko nang umuwi,di ko alam kung tama yung desisyon ko,unang araw,dumaan ang linggo,buwan akong nagiisip,ANG HIRAP pala mag-abroad...
Para akong tanga at sabik na makakita ng mga kababayan natin,ang sarap ng pakiramdam na may makausap ka na pinoy,sinubukan kong makipagkilala,pero di ako pinansin,ah! siguro dahil nagiingat sila dito,dahil di nila ako kilala,pero masaya parin akong umuwi,kahit pano may nakita akong kabayan natin,medyo nawala ang homesick ko,sumunod na araw nagpunta ako sa kuwait city,grade ang saya ko,ang daming pinoy na naglalakad,namamasyal,tuwang tuwa talaga ako.pero nawala, ng minsan, pagkatapos kong mamasyal at sumakay sa kabayan nating taxi driver siningil ako ng 2.5 kd papunta sa farwaniya dahil di ko pa alam na 1kd to 1.5kd lang ang bayad.masama ang loob ko hindi dahil sa binayad ko,kundi bakit ako,bakit! at malaking bakit?...di ba kung ikukumpara sa mga ibon,sasama ka sa kapareho mong ibon, halimbawa ang ducks at swan,pareho ng lahi at parehong ibon,di bat kung swan ka,sa kanila ka sasama,sa kanila ka susunod sa paglangoy,at iisa ang dereksyon tatahakin...
Nasulat ko ito hindi para sa sarili ko,masakit at parang di ako makapaniwala sa nangyari,sabihin ng OA ang dating ko,pero isa lang itong puna na hindi ko matanggap na ganito na tayong mga pilipino..bakit parang ayaw nating mapuna or maging makatutuhanan na sa ngayon unti-unti ng nawawala ang ugaling kabayan natin,kaya ako nagsusulat di para pintasan o siraan ang kabayan ko,isa itong emosyon na nagpapalabas ng damdadamin ko bilang isang pilipino na nagtatrabaho dito sa kuwait,kahit ako ayokong tanggapin na nagbabago na tayo,pero di ko itatago ang mga di dapat na gawin at pagbabago sa pag-uugali nating mga pilipino.
kung napadaan kayo minsan sa blog nato,nagsimula ang usapan sa AND I'M AFRAID OF HI!
ito ang mga komento:
nakakagulat ang komento ng isang anonymous..
"and i'm afraid of HI!"Anonymous said...
sir may punto kayo,pero nung time after invasion dito sa kuwait magagalang ang mga pinoy,tama rin kayo sa pagsabing nagiingat lang sila,kasi kapwa natin pinoy o kabayan niloloko tayo,di ko kasi alam kung pano nakapunta dito yung mga yan,kasalanan din siguro ng gobyerno natin bakit nakakalusot yung mga illegal na papel,ayun,para mag survive nangloloko ng iba..bakit ko nasabi ito,19 yrs nako dito sa kuwait at alam ko na ang mga pinaggagawa ng mga iyan.masakit sabihin pero ako mismo naloko na ng kapwa natin.salamat.
3/12/07
Everlito (ever) Villacruz said...
salamat sa comment,mukhang seryoso yung topic mo,naintindihan ko yung naramdaman mo,para sakin ok lang na maloko ako ng hindi ko kalahi,pero masakit kung mismong kabayan pa natin ang loloko satin.
5/12/07
Anonymous said...
grabe ka naman kung makahusga,di naman lahat ng pilipino suplado rito,saka ilang taon ka palang dito pano mo naman nasabing di marunong bumati ang pinoy!sana sa susunod bago ka magsulat pagisipan mo muna,parang kapwa mo sinisiraan mo.
11/12/07
Everlito (ever) Villacruz said...
magandang lalaki ako!,este magandang araw pala,siguro di mo masyadong binasa yung note ko,na ewan ko or di ko alam,oo nga taon palang ang binibilang ko pero di ka ba nagtataka na sa isang taon ko na dito,napansin ko ang kaibahan ng ugali ng pinoy dito,at wag ka po magagalit kung naisulat ko ito kaya ang pamagat nito AND I'M AFRAID OF HI!,meaning ako at sarili ko at opinion ko lang,at pangalawa sabi ko dun ANG TAMAAN WAG MAGAGALIT,di ko alam kung bakit masyado kang nag-react..bakit masakit ba? isa ka ba sa mga sinasabi ko,at siguro naman nabasa mo rin yung isang anonymous na kabayan natin na 19 yrs. na dito,dibat matagal narin sya dito pero halos ganun din yung punto nya!,at sa madaling salita naloko pa sya ng kapwa natin..eniwey!,sir or madam,salamat at napasyal ka sa blog nato,maliit lang ang kuwait baka isang araw magkakwentuhan tayo,at dun baka pwede mo namang i share ang mga magandang kwento mo tungkol sa mga kabayan natin,OPEN ang blog nato sa isang magandang talakayan.SALAMAT!
12/12/07
Anonymous said...
teka ano ba ang lahi mo,baka mamaya di ka naman pilipino,o nagtrying hard na maging western yung ugali mo,oo nga at astig yung mga sulat mo,at yung iba medyo aaminin kong nkakatuwa at nakaktulong sa iba,pero ang punto ko nasa web ka at lahat ng tao nababasa ito,so ano ba yung magiging tingin nila kung mga negative yung mga sulat mo.sory din kung ganito ako magsulat pero ipinagmamalaki ko ang pinoy at masasabi ko na kung ikukumpara sa ibang lahi maasahan pa rin ang kalahi natin.alam kong tama ako at agree ka dun..ang gusto ko lang iparating sayo wag ka namang magsulat para lang maging sikat ka o sabihing magaling kang gumawa ng istorya,pagisipan mo muna sir kung makakasakit ka o makakabuti ba,siguro yun muna ang research mo bago ka magsimula,kasi hilaw kapa sa pagsusulat..sory ha.masakit din ba..pero sa ngayon pinagaaralan ko yung mga gawa mo,at sa iba mo pang ginagawa at magaling ka palang magpinta,congrats pala sa exhibit nyo,dito. taas ang kamay ko sayo,.sana magpinta ka nalang wag kanang magsulat...tangap ko rin yung sinasabi mong palitan ng kuro kuro..titignan ko kung may time ako.di ako galit,nagpapaliwanag lang ako,uulitin ko mas walang kwenta ang mga ibang lahi,kasi ako nabastos ako ng iba at pinagtanggol ng kapwa natin,kahit di ko kilala,siguro enought nayun para naman ipagtanggol ko rin sila,sana maintindihan mo na tayo lang mga pilipino ang magtutulungan,at wala ng iba pa.
12/12/07
liah said...
makasali lang sa usapan nyo...wala ko pinapanigan kaya lang medyo di ko ata nagustuhan yung sinabi na "SANA MAGPINTA KA NALANG WAG KANANG MAGSULAT" ako mismo ay isang manunulat at nagsimula din akong hilaw pero sa dinami dami ng nagkritiko sa mga sinulat ko, di naman sila pipitsuging manunulat lang dahil talagang mga iginagalang ang mga ito sa nasabing larangan, wala ko narinig na sinabing...O MAS MAGALING KANG MAGSALITA, WAG KA NA LANG MAGSULAT...ganon din sigurong dapat igalang ang ibang taong nagnanais na iparating ang kanilang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat...I have judged numerous literary compositions, I was not satisfied in all of them BUT never did it come to my mind to even dare ask --- ANO KAYA ANG PWEDE PANG MAGAWA NG TAONG ITO? SANA WAG NA LANG SYANG MAGSULAT BECAUSE HIS/HER WRITING SUCKS...I instead tell myself that I HOPE THIS WRITER IMPROVES AND THAT I WILL READ SOMETHING BETTER NEXT YEAR. Of course, not everyone will be delighted and pleased with every word but I think it's too harsh to say those things to somebody writing about something you actually have no idea of the concept behind the thoughts. Interpretations vary. EXPRESSION OF OPINIONS DOESN'T REQUIRE BELITTLING OF OTHER PEOPLE'S ABILITIES.now, I don't know and I haven't met any of you but I would say the same thing to any one... Logan Pearsall Smith: Yes there is a meaning; at least for me, there is one thing that matters - to set a chime of words tinkling in the minds of a few fastidious people. ---- congratulations though, mr. villacruz, you have proven that quotation true ---
14/12/07
jojo said...
Makisali na rin ako sa baliktaktakan ni poging "magpainta ka na lng"Sir...Iam not going to stoop down to your un broaden mind, but... in this case, i think i better say what i really feel about your comments.From the onset of description of typography as writing with prefabricated characters has been criticised, not because it distinguishes typography from other writing by its prefabricated characters... " this my fren is the meaning of ever's writing, interpretaions... a point of view not to be taken seriously, though thers is truth to it, this is wat we call in the advertising worls as ...." CREATIVE LICENSE".As David Ogelivy would say, go with small people and be a small person, go with big people... and be a big person... am sure iba inisip mo sa text na yan, but actually ang gusto nya sabihin is, go with people with broad minds and you!!! yourself will be broaden. getzzzzzz!!!time to slip now...thanks,ay si jojo cabrera pala ako sir...at your service, kng gusto mo ma broaden and isipan mo, kng ano man subject.ps.i think you better join the politicians sa pinas, i think you'll do better in that field, hide and sensor your views kasi nasa web ka... geeeeeeeeeeezzzz!!!and western tlaga tyo pare, ano suot mong shirt n pants, the blue jeans originated in the United States of America... try to remember.babouska... sistah...
14/12/07
plain white said...
aba! mukhang may nangyayari na pala dito..ganda ng palitan ah..para kay anonymous:para kang bata na natalo sa pitikan ah:bata:talo ka papitik.(itotodo ang pitik! uhm!)anonymous:hindi naman masakit(pero ngumiwi).bata:balagoong kangkong kamatis at talong(kanta,sipol).anonymous:hindi naman masakit(pero naasar na).bata:IIYAK NA YAN! IIYAK NAYAN!!!(tatawa ng malakas at magpa funy face!,HU HU HU!)anonymous:hindi naman masakit(di na makatingin)bata:(kakanta ulit!).IIYAK IIYAK NA YAN!!!anonymous:papaluin yung bata sa balikat!hindi naman masakit!(nanginginig na yung boses.,)hindi naman masakit(hihikbi-hikbi na).wahhhhhhhhh!,isumsumbong kita sa nanay ko!sabay maglulupasay!...sory nalang anonymous,mga batikang artist yung nakabangga mo..he he he.IIYAK NAYAN!IIYAK NAYAN!
15/12/07
Everlito (ever) Villacruz said...
liah,di ko nga alam kung bakit gigil na gigil si anonymous sakin,siguro tinamaan ng bato sa langit.he hehe.meron na pala akong kakampi dito..salamat..(astig!..taray pala ang magandang asawa ni pareng niel..he he he)pareng jojo,ha ha ha,ok yung CREATIVE LICENSE,dami ko nang natutunan sa mga words na ginamit dito,may karagdagang kaalaman na naman ako sa larangan ng pagsusulat,..lalo na yung blue jeans originated in the states of america..malamang ang suot ni anonymous pag pumapasok sa opisina nakabahag.:)plain whitenaku,wag mo masyadong paiyakin si anonymous,ha ha ha.nakakaaliw...iiyak na yan!thanks!
15/12/07
Anonymous said...
easy lang kayo mga kabayan,nagpapaliwanag lang ako ng saloobin ko,ang sinasabi ko yung naramdaman ko din,bakit di ba pwedeng magsalita ang gustong magsalita dito sa blog nato,napuna.napansin,ko rin kung anu yung mga ugali dito,my point is,di bat mas maganda kung may katwiran yung sinusulat ng isang tao,pagpalagay na nating nasaklawan ko yung sulat ng may akda,pero opinion ko rin yung para sakin o yung punto ng bawat comment ko dito,ang hirap naman sa inyo,porket kilala nyo yung may akda parang ayaw nyong tumingin sa mali o basehan yung mga ginawa nya,iisang lugar lang ata yung napuntahan ng may akda dito,o baka hanggang kuwait city lang siya o kaya eh sa kaifan lang napunta: sa may akda-pumunta ka minsan sa mga sosyalidad dito,subukan mong pumunta sa salmiya,sa hawally,o sa mga kaibigan kong taga villa,baka mamangha ka,magalang sila,kahit na nakakaangat sa buhay,at dito narin nakapagnegosyo,sana tanggapin nyo din kung anu yung maganda,sa tingin ko kasi,baka kulang lang sa pansin yung may akda,at syempre mas kulang sa pansin yung mga nagcomment-at sino namang tong si liah,aba intindihin mo rin,talaga! nagsusulat ka! saan?,sa bangketa,at wag mong ipagyabang kung sino yung mga pumuna sayo,baka mamaya isa rin ako dun.at isa pa sino naman tong jojo,grabe yung english,pero parang nabasa ko yun sa libro,CREATIVE LICENSE,anu yun?,ang topic dito ugali ng pinoy ,di advertising,saka wag nyo kong bigyan ng mga toughts na copy lang sa libro,nabasa ko na rin lahat yun,pakilala para anu?,baka sumikat pa kayo,at gamitin ang pangalan ko,maganda na para sakin ang maging anonymous,di naman ito seryoso para ibigay ko pa ang pangalan ko,at sabi ko nga isa pa itong hilaw na pagsusulat di dapat seryosohin.tsk! tsk! tsk!,teka baka makalimutan ko itong isa,bakit ako iiyak!,baka ikaw ang umiyak at magpalitan tayo ng debate baka di ka umubra...baka sabihin nyo seryoso ko.di ako seryoso,at kahit kailan, para sakin..THIS ARE ONLY MY OPINION.(sana matanggap nyo rin.)
Sana sa mga kwento at babasahin na ganito buksan natin ang sarili natin,may mali man o tama,gamitin natin ito para lumawak at magkaroon ng iisang dereksyon ang ugali nating mga pinoy.....mas maganda para saking punahin ang mali at wag itago.(ito'y sariling opinyon at wala akong karapatan!).