1/02/2008

what's "In" Ngayon.

Nasa kasagsasagan ako ng paghihintay kay jojo sa ambassador supermarket(isang lugar na most of the item gawa o produktong pinoy) .may narinig ako na naguusap (teka parang tsismoso ang dating ko),ewan ko ba, pero tuwing pumupunta ako dun sa lugar ,madalas kong mapansin yung mga kababayan natin na lahat ng dumadaan lalo na bagong salta, pinupuna,nag-aalala tuloy ako at tinitignan ang sarili, ang katayuan about discrimination.madalas kasi mas una nilang binabalewala o hinuhusgahan ang mga kapwa kalahi natin.

Isang halimbawa sa tindahan o restaurant, minsan na rin kaming kumain at walang tatalo sa sarap ng kabab na order namin,kaya madalas kaming pumunta ang adhikagroup dun,isa lang ang ayaw ko,di ko maipagmamalaki ang serbisyo na ginawa samin,at sino ang serbadora isang pinay na may edad na at alam kong matagal na rin dito sa Kuwait,ayaw kong pansinin ang mga bagay na walang kwenta pero ibang pakiramdam pag kapwa mo ang may ganung ugali,sa ibang lahi o sa harap ng mga nakakaangat sa buhay o may porma bumababa ang pagkatao natin at dun lumalabas ang pagiging mahiyain natin,palangiti kahit pagod na,at maasikaso.kaya hindi maipagkakaila na masabihan tayong mapagbigay at marunong makipagkaibigan,pero malaking question mark (Anthony)????,bakit sa kapwa natin hindi natin maibigay ang parehas sa serbisyo,bakit parang ayaw ibigay satin ang ganito,na para bang bawal ang magreklamo pag pangit ang serbisyo,simple lang naman ang tawag dun pakikisama,di bat mas kilala tayong mga Pilipino pag dating sa ganyang ugali.sana di pa huli ang lahat!,nakapagtataka o talagang ganito tayong mga Pilipino(masakit isipin)…

Isa pang halimbawa,pumasyal ang grupo sa avenue mall,tumitingin kami ng mga paintings at ng magsawa at napagod naisipan namin ang tumambay muna sa starbucks,na wala naman kaming pakialam kung anu yung lugar nayun at di naman naming iniisip na sturbucks yun,basta ang gusto lang ng grupo umupo at uminum ng kape,maraming tao iba iba ang lahi,pero marami ang local na nakatambay din,may napansin lang ako sa bandang unahan namin, may mga pinoy at grupo din. nagulat nalang ako sa mga kwentuhan nila na dinaig pa ang mga galing ng US of A sa pagsasalita na kahit ako hindi ko maintindihan,madalas ko lang marinig ay DUH! YEAH! AT SURE!,(huller nasa bansang Kuwait po tayo!) at para bang hindi mapakali sa kakahawak at lapag ng bago nyang model ng nokia cellphone,at ulit, nung makita kami ng grupo,abay parang showbiz ,isnabera ang mga tita!,parang gusto eh sila lang ang may karapatan na tumambay sa sturbucks,na hindi nila alam na mas masarap pa yung timpla ni pareng jojo kung kape lang naman ang paguusapan. Sa isip isip ko, matagal nang balewala ang sturbucks satin pero sila parang enjoy na enjoy sa halos ayaw ubusin na kape para lang sabihin nakaupo o tambay sila ng sturbucks..tsk! tsk! Tsk!,nakapagtataka o talagang ganito tayong mga pilipino (masakit isipin)….

Bago ko makalimutan what’s the “IN thing!”,dito nagsimula yung kwento ko at ito yung pinaguusapan nung dalawang mama na naririnig ko habang hinihintay ko si jojo sa pamimili sa loob ng ambassador supermarket:

Pare 1:.he he he (parang tawang willi wowowi),pare hataw sa porma ngayon ah,bago ang outfit mo.(sabay sipa ng konte sa kasama)
Pare 2: wala lang pare... ito lang nakayanan ko e, puro brand name lang ang suot ko, ikaw nga bago sapatos mo, NIKE.(sabay tingin ng oras)

Pare 1: wow pare bago rin pala relos mo! FOSSILS…

Sabihin nang mababaw ako at pakialamero sa mga kwento,wala naman sa isip ko yung pagkakataon ,pero para bang napaka-inosente sa ganun, na masaya na sila kung yung suot mo ay branded..sory ha kung medyo napasin ko to,pero mga pare ko. di nyo ba alam na halos lahat ng brand dito eh made in china..masakit isipin pero kung magta-try, kung anu ang “IN thing” ngayon,palagay ko mas “IN” kung may naipon ka at pag uwi mo sa pinas magkakaruon ka ng negosyo or makakabili ka ng lupa at makapagtayo ka ng sarili mong bahay para sa pamilya mo..that’s the “IN THING” para sakin..di parang “ENDING”…….



jojo, neil, and me...kain tayo!!!





6 comments:

Anonymous said...

here we go again!,masyado ka sigurong galit sa kapwa mo at kalahi mo.hindi nagkataon yun,talagang ang tinitignan mo yung mga mali ng mga kababayan natin dito.wag naman..masakit din isipin!!!

pamatayhomesick said...

aba! nabuhay si sistah maricel..he he he..maligayang pagbabalik!(masakit isipin,nageenjoy ka pala sa blog nato..aminin!!!

Anonymous said...

pare pareho pinoy pintasero, so sad naman, just think of yourself n ur family n lng, never judge a person, u might not know kaya d k pinansin coz lumilipad ang isip nya and ur still a stranger to her, mahirap makasalubong ang my intensyon na pangit or papansin....right? we have our own lifestyle di ba...let them be! tama naman si miss or mr anonymous, sensya n po

pamatayhomesick said...

ganda ng comment ni new anonymous,may punto ka dun repatotoy!pero mukhang naligaw yung comment mo,wala naman akong sinabi na pintasero ang pinoy,or di ko alam yung points mo,or mali ang pagkakaintindi ko ng paghuhusga or discrimination,yun na ba ang tawag ngayon sa paghuhusga,(pintasero na!),saka repatotoy kahit kailan di ko magagawang pintasan ang mga kababayan natin pero maari mo silang punahin wag lang pintasan,kasi may kanya kanya tayong talento,at kanya kanyang pagkatao,i'm not jogging!,este hindi ako pintasero.salamat!

ask ko lang if yung PINTASERO and PAGHUHUSGA are the same thought?

Anonymous said...

mga kabayan makinig nalang tayo ng rock musik...............pero tama si pareng EVER..galing nako ng saudi pero mas masarap ang samahan ng mga pinoy dun.may mukha o wala basta pinoy magkakilala o hindi nagbabatian..dito sa kuwait kanya kanyang yabangan..di naman lahat pero sad to say marami ang....lam na natin yon...maganda sana kung maipakita natin sa mga ibang lahi na solid ang samahan ng pinoy.................kaya lang minsan......minsan madalas pa sa minsan....... nakakahiya ang pinaggagawa ng mga pinoy......SORRY PO sa mga tinamaan..........GOD BLSSSS

pamatayhomesick said...

bhogs,

salamat!

pero may punto rin si ne anonymous diba,maaring malayo lang ang iniisip ng ibang kababayan natin kaya sila ganun.