1/22/2008

Timbangin Mo At Susukatin ko!


Napadaan kami sa isang lugar at isang old place market dito sa Kuwait ,palengke ang tawag kung ikukumpara sa lugar sa atin,BURAKEYA naman ang tawag sa lugar dito.nagulat ako sa ganda ng palengke ,malinis at mabubuti ang mga tindero’t mamimili,at syempre pag ganito kamura ang mga bilihin asahan mo at sigurado na makakakita ka ng pinoy.

Sa meat area makabibili ka ng lamb, beef,at mangilan ngilan na camel meat,ops!,sory pero kung naghahanap ka ng pork wag mo nang itanong at baka nalang ang bilhin,pinagbabawal ang pork in accordance sa Islamic teaching,ganun din sa alcohol,bawal na bawal.
Gamit ang traditional na timbangan ,mahusay ito at mainam na panukat.ginagamitan ito ng solidong bakal na may katumbas nang mula isang gramo hanggang bente.walang labis,at walang kulang,pero meron kaming dagdag sa binili naming Lamb meat.




Pag dating talaga sa mga pauso ,sikat ang pinoy,mababasa n’yo sa itaas ang BATANGAS,MANILA..di ko akalain na sa isang Arabic market place isusulat nila ang lugar ng bansa natin,althought,pinagsamang lugar satin,nakakatuwa at nakakaenganyo para sa mga pinoy ang bumili dito,merong sales strategy.pati kami ni niel ale eh! Napabili!



Pagkatapos maglibot at mamili,eto ang finale,ang kumain sa daan,parang street food noh!,nasa gitna ng daan at hahainan ka ng kabundok na pagkain,salad,hamus,at tinapay na kasing laki ng bilao,he he he,isang order lang kasya na saming tatlo, ako,si niel at jojo.

2 comments:

Anonymous said...

hahaha!,ok yung batangas, manila...,para pala kayong turista dyan..ang ganda nung timbangan,meron kayang nabibili nyan dyan?

pamatayhomesick said...

salamat pre..di ko alam kung meron dito binebentang timbngan,hayaan mo ihahanap kita sa harage,ito yung mga item na second hand.