One Day- Isang araw...
Marami akong nakita na halos kapareho ng lugar satin,gaya sa Marquab city papuntang Malya city,isa sa mga nadaanan ko,,kung wala lang Arabic sign aakalain mong naglalakad ka satin mula avenida ,recto o kaya papuntang divisoria,pakiramdam ko nga may jeep na dumaan nung mga time na naglalakad ako,(teka! grabe nato naho-homesick na naman ako),eh sino ba naman ang hindi , lahat yata ng pinoy tambayan ang lugar nato.dito rin ang daan kung pupunta ka sa simbahan,yes! Meron din dito sa Malya(Kuwait city) …. sa paglalakbay kong ito,kahit iba ang kulturang ginagalawan mo,respect is the good way for communication.one day-isang araw magka-iba man ang inyong pananaw I’m sure till the end magkakaintindihan kayo.
Catholic Church
its seems i'm walking in recto,avenida!
kahit saan talaga mahilig magpauso ang pinoy!
dyaryo,magazine,komiks..galing pinas!
may SM din dito..he he he
--------------------------------------------------------------------------------------------
One Bird,Isang Ibon..marami pala!
Pasyalan din ang lugar na ito ,karamihan mga indyano ang tumatambay ,may mga ilan ding bedoiun(old tenants here in Kuwait),ang makikita mo,para kang nasa pariz o kaya nasa italy ang pakiramdam, kung mapapasyal ka dito, marami kasing kalapati (pegeoun),na alaga ng kahit na sino, maa-amo ang ibon ,madalas kasi pinapakain at mahalaga malaya sila,pero bawal silang hulihin….habang kinukuhanan ko ito naalala ko ang sinabi ng tatay ko “Pwede kang mabuhay sa gubat ng malaya di ka magugutom,kung anuman ang kinakain ng ibon pwede mong kainin”.
beautifull view
isa sa mga favorite kong tanawin !!!
---------------------------------------------------------------------------------------------
I Saw -Nakakita!!! (what!)
Kakaiba at kapansin- pansin para sakin ang sign na ito.dalawang beses kong tinitigan,pero kahit saang angulo may mali talaga,kaya naisipan kong bigyan din ng tagalog translation:
2.Pwede magtrabaho ang walang paa ,basta may sapatos
3.Bawal mag-banjie jumping ng patayo habang nagtatrabaho
4.Pwede nang magtrabaho ang walang mukha basta may salamin
5.Bawal ang walang mukha kundi magsusuot ng maskara
6.Pwede ka nang pumalakpak depende kung may cloves,pagkatapos magtrabaho
14 comments:
lakas tlaga ng arrive mo pare!,nakaka-aliw yung i saw nakakita-tagalog translation!
dun naman sa one day,sa may PASALOD,interesting talaga..biro mo may pasa lod din sa kuwait,at may bading pa..he he he.
magaling talaga ang pinoy sa mga ganun bagay,nga pala hindi bading yun,indyano yun,tawag namin dun si manny pacquiao..
anu yung sign nayun!,SAFTY FIRST!!!.WHAT!!!
he he he..click mo pa yung picture,may makikita ka pang kakaiba..;)
nga pala,nakuha ko yung idea nato kay sir nic,ng kwentong tambay..nakakatuwa yung site nya tungkol din sa mga working and living sa abroad..nakakabaliw yung mga notes nya dun.pasyalan mo.marami kang matututunan,higit sa lahat,may puso yung mga gawa nya.
ito yung site:
www.kwentongtambay.com
okey tong mga pic mo a hahahah. natawa ako dun sa pasaload. saka talagang mukhang avenida nga yung lugar hahaha
ano kaya ang meron sa letter E dyan sa kuwait at parang di ito alam gamitin ng tama...hehehe
randy,
he he he,oo nga eh,nagulat din ako sa PASALOD..kahit saan ka mapunta sa tindahan,alam na nila pag sasabihin mong pasalod,pinoy ang nagpauso dito sa kuwait ng charge,ngayon pasalod na..inaabangan ko pa rin kung anu ano pa ang mga ipapauso ng pinoy..;)
liah,
wala kasing letter "E",sa arabic alphabet,kaya siguro hirap sila sa translation sa english,ganun din sa letter "P",ang letter P sa kanila nagiging letter "B".:)
ganon ba? naku ang challenging yata maging English teacher dyan ah! teka, mukhang magandang racket ang maging PROOFREADER ng mga English documents dyan...may alam ka bang naghahanap? sabihin mo may kakilala ka...AKO! hahaha...teka di pa nga pala tayo magkakilala eh no...di bale kilala mo naman ang pogi kong asawa e, sa kanya mo na lang ipadaan! (^_^)
Pwedeng mag comment, yung paghuhugas ng pinggan itself is an art. May iba-iba kc style sa paghuhugas ng pinggan e. Yung iba inuuna ang baso bago pinggan, yung iba naman continous ang tubig, yung iba naman hindi na sinasabon, nilulublob nalang sa tubig ayos na, lalo na yung nasa carinderia ni aling NENE, hehehe... So kung ano ang nakikita mo jan sa pic, that's the pogi's art of washing the dishes. Ok!
liah,
oo nga pala english teacher pala ang magandang asawa ni niel(bola pa noh)..mahirap nga magturo ng english dito,kasi para kang nagtuturo sa kinder,biro pagsinabi mong class spell "pump"..sisigaw yun nang malakas na bomb!.mawawalan ka ng klase...:)
camper,
astig yun banat ah,pogi's art of washing the dishes.ha ha ha..
baby, parang naligaw ata comment mo ah..di ba dapat yun nandun sa Why? o Why?!!! ,But Better
o ako ang naliligaw?
liahgirl,
censya na tao lang!!! he he he
oo nga napansin ko rin sa comment ni niel..:).kala ko naligaw din ako sa ginawa ko..but ok yung interpretasyon niya..mukhang aral din si niel sa kanyang liahgirl..he he he.
Post a Comment