12/04/2007
A Boss Without a Boss
Kahapon simula ng meeting namin sa fintas garden( lugar dito sa Kuwait na itatayo ang isang branch ng mcdonalds),tinatanong ko yung sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa meeting,halos sila lang ang nagkakaintindihan,hindi, sa hindi ko alam yung trabaho ko ha.,pano ba naman puro Arabic yung binibigkas nila,tapos tatanungin ako kung naintindihan ko,stupido diba,oo ngat may alam ako sa Arabic pero sa mga malalalim na terminology na ginagamit na salita, di ko yun alam at di ko na kailangan alamin,unang una,most of the client can speak fluent English,kahit barok kang magsalita ok na ok yun as long as nagkakaintidihan kayo,going bananas(banas na banas) talaga ako sa meeting,lahat ng kausap ko puro sila engineer,puro BOSS(modir sa Arabic) sabi yun nila,pero alam nyo ba kung ano ang pinagtatalunan,isang wall na magkakabit ka lang ng marble skirting,di ko alam kung matatawa talaga ako o maiiyak sa banas..kaya di ako nagtataka kung bakit gustong gusto nila ang pinoy..subok ang pinoy sa sipag,trabaho at trabaho lang,madaling matuto pagdating sa mga technical na bagay…ok na sana yung araw ko dahil may nakausap ako.pero salita ako ng salita,tungo lang ng tungo,naubos na yung paliwanag ko,ubos narin ang laway ko sa kaka-explain saka ko lang nalaman na indonesian pala kausap ko,anak ng tipaklong na wow mali ako,mukha kasing pinoy,natapos ang meeting na blanko ang utak ko,pag balik ko pa ng office nasa lubong ko yung BOSS ko(tunay),naalala ko deadline narin ng isang peoject,kaya yun todo paspas ang ginawa ko,di nako nagbreak,kailangan eh.masaklap pa nito,nawala pa yung network, tawag ako sa I.T namin,kinadyot talaga ako ng malas..buti naihabol ko din on time..minsan tuloy naisip kong maging teaboy,o kaya mandouf(liason officer) nalang,bakit?,ikaw kasi ang BOSS, at lahat ng BOSS makakausap mo.pag teaboy ka lahat ipagtitimpla mo at wala kang deadline!,pag mandouf-ikaw ang masusunod at gagawa para asikasuhin ang information ng lahat ng BOSS..teka bakit ba ako dakdak ng dakdak tungkol sa BOSS..at kanina pa mainit ang ulo ko,hundangan kasi,habang inaayos ko yung gamit ko natabig ko at nabasag yung HUGO BOSS na pabango na kabibili ko lang nung Thursday,buti at may natirang free cap.ayan tuloy lahat ng may BOSS nadamay! Grrrrrrrrr!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
pare mali ata yung type mo("peoject).di ba dapat paroject!..anyway! ok yung istorya..nakakaliw basahin.he he he..marami pa akong aabangan.
ha ha ha,oo nga noh,mali nga! project pala..
p.s.
pare wag mo naman akong ibuko,ikaw talaga lahat napanpansin mo..he he he..;)
salamat!
ha ha ha..sayang naman yung boss.bossing!
plain white,di bale,may bago nakong binili,lagoste..he he he..o ha,o ha..:)
may libre baloon!
anung baloon,baka ibang baloon yun ah..he he he.
nga pala!,merry christmas and a happy new year,kaya lang taghirap ngayon,kasi bumaba na ang dolyar!,pero di naman bumaba ang bilihin sa pinas,ang siste..gutom pareho,gutom yung mga trabahador sa pinas ganun din ang trabahador dito sa abroad...
dapat pala mag aral ka sa international. andaming languages na kailangan mong pag-aralan a. hahaha!
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Post a Comment