12/21/2007

Lights, Camera,...Rollinggggggggggg! (Part-one)


Kelan lang napagusapan namin ang tumambay sa beach,matagal nang plano to,kaya pinaghandaan namin.maganda rin ang minsan magsamasama,lalo na kung yun lang ang time para naman sa mga sarili namin..maaga, nang dumating kami kaya halos wala pang tao,may ilan din ang naglalakad at yung iba abala sa paghahanda ng mga gamit nila.malinis at kaaya-ayang pagmasdan yung tubig dagat,nakakaaliw lalo na pag may nakikita kang isda na lumalangoy sa palibot ng paa mo..naisip ko tuloy anu kaya kung maging isda ako,makakatawid kaya ako pauwi ng pilipinas,ang sarap siguro maging isda,pero? kagaya ng isang tao,isa rin itong pagsubok..maaaring mahirap sa ilalaim ng tubig dagat,di ko kasi kabisado ang lalim o yung danger na lalapit sakin,nature ika nga ang sabi nila..naalala ko nung time na bata pako(sabagay bata parin naman ako ngayon,charing!).bumili ako ang isang alagain isda, di ko alam kung anong tawag dun,excited ako pag uwi ko ng bahay todo ayos yung ginawa ko at nilagyan ko pa siya ng ilaw,madalas kong titigan , nung una, tuwang tuwa ako sa kanilang paglalangoy,halos araw araw
lagi ko itong nililinis,at binibigyan ng sapat na pagkain,may napansin ako at tinanong ang sarili ,iisa lang ang kanilang nilalanguyan,di ba sila nagsasawa sa kakalangoy sa iisang lugar lang,binigyan sila ng laya para sa ganitong kalagayan pero di sila napapagod,o tinatanggap lang nila na ganito nalang sila...sabi ko sa sarili ko ayoko ng ganito,at mamatay nalang sila ng di nila man lang nalibot ang lawak ng dagat,agad kong kinuha at binukod isa-isa`ang mga alaga kong isda,at pumunta sa tabing dagat,sabay sa agos nito,hawak ang mga alaga ko sabay sabay ko rin silang pinalaya... pag-uwi ko sumagi sa isipan ko, silay malaya,lalaki silang matatag at mamumuhay ng natural...saka nalang isipin kung makakasurvive sila ,dahil sa lawak ng kanilang ginagalawan baka akalain nilang alaga parin sila..at di alintana na kakainin na sila ng kapwa nila..isa lang wish ko sa mga alaga ko nun,sana tumagal sila at maging matatag sa bago nilang aquarium.

Picture Perfect...!








------------------------------------------------------------------------------------------------

NIEL




------------------------------------------------------------------------------------------------

JOJO


------------------------------------------------------------------------------------------------

DAVE



------------------------------------------------------------------------------------------------

LOUI


------------------------------------------------------------------------------------------------



AMER

JAYASIMMEN



IBATULA
------------------------------------------------------------------------------------------------

It's! Shisha Time....



------------------------------------------------------------------------------------------------

Dave and Jojo Ihaw Ihaw!




------------------------------------------------------------------------------------------------



And the Winner Is.....?

------------------------------------------------------------------------------------------------

EVER





12/14/2007

Why? o Why?!!! ,But Better

bakit ba mahirap at malungkot ang magtrabaho sa ibang bansa?

1.mas mahaba ang oras mo,isang araw ka palang dumating,halos isang taon na yung iniisip mo.

2.mararanasan mong humagulgul!(as in tulo luha,ngawa, at tulo uhog) pag magisa ka na sa kwarto.

3.tulala ka ng isang linggo.

4.magugulat ka sa panahon at maninibago sa kultura.

5.ang huli- maho-homesick ka talaga.


pero marami ka rin magagawa para maiwasang malungkot:


1.wag mo munang pansinin ang date,(saka nalang pag katapusan na para sa sweldo)

2.pagkatapos humagulgul,uminom ng gamot para sa sipon.

3.habang nakatulala watch TV para hindi halata.

4.dahil sa iba ang panahon, pag uwi mo iba ang kutis mo,artistahin ang dating, dahil hindi pa polluted ang kapaligiran sa middle-east.

5.kahit homesick,isipin mo nalang na mas babata ka sa middle-east,kasi late ng 5 hours ang oras kumpara sa pinas.


ang ibang paraan, ito ang mga susunod:


maghugas ng pinggan in artistic way
(c/o Niel) with matching song,babalik karin ni gary v.



kumain ng pinoy food
(c/o jocab and dave)
abangan ang site:cooking ng In ngayon!

at mag YOGA sa labas ng opisina!
(walang pakialamanan)