9/28/2009

sAgOT KaY OnDoY


Sinong magaakala na sasagupa si inang kalikasan sa gitna ng saya at tahimik na gabi ng pilipinas?
Bilang isang Pilipino, masakit na makita ang kalunoslunos na sinapit ng aking kababayan dulot ng isang bagyo. Tumaas na tubig na nagdulot ng mga pagbaha, rumagasang putik at eksena ng gumuhong lupa ay iilan sa mga malungkot na pangyayari. Madaling sabihin na itoy isang kasaysayan na lamang na maihahalintulad sa mga nakaraang trahedya ngunit ang mga buhay na nawala ay hindi na kaylanman maibabalik ng kasaysayan.

Ayon nga sa kasabihan..makikita ang pagkakaisa ng pinoy sa ganitong pangyayari. Pinoy sa kapwa pinoy. Ang kamay na hahawak at magliligtas sa nangangailangan ay kapwa mo kabayan. Lumabas sa telebisyon ang maraming tulong at donasyon mula sa may mabubuting puso. mabilis pa sa baha na tumaas ang mga cash at in-kind donations.  Hindi man pera, nakatanggal ng gutom ang binigay na pagkain at nakapawi ng ginaw ang mga damit at kumot na ibinahagi.

Isinantabi ang pulitika at showbiz. Nawala sa eksena si Erap at Lacson. Walang network o business competitions. Walang mayaman o mahirap. Walang sikat at walang tanyag sa larangan ng pagtulong. Ngayon mas higit na kailangan ang pagkakaisa at pagkakasundo. Mas unahin ang Pagtutulungan.

Manawagan tayo sa kalikasan at sa may likha nito.

Ayon sa post ng isang kaibigan.." lahat NAGMAMAHALAN na, bigas, langis at gasolina, TAYO na lang ang HINDI"

86 comments:

theLastJedi said...

indeed we should all do our part in helping our fellow Filipinos in this time of dire need.. in any way we can, we should give or share whatever we have.. like i said in my blog, we are a nation of heroes. we shall overcome this. =)

MR. PANGUY-AB said...

nice quote of your friend

reply
'wala ng bagay ang mura..kaya lahat ay nagmumura'..


babangon tayo!
at sana, sabay sa pagbangon na iyon ay patuloy pa rin sana ang pagtutulungan ..:)

atto aryo said...

di nawala lahat ng pulitika. umatake daw si Villar, nangampanya sa relief goods. heheheh

DRAKE said...

Sana nga lang matuto na tayo at hindi na maulit muli ito.

Mabuti talaga hindi kami gaanong naapektuhan nito, pero nakakaawa talagang makita ang kalunos lunos na pangyayaring ito

ingat

Anonymous said...

Let us not wait for a new ondoy, instead we have to move and stand again together for there still a new light waiting.

lagi lagi...

Congrats for bein' a PBA finalist.

leizlmarie said...

hellO! hopping here to appeal for prayers for the victims of the typhoon that hits the Philippines.. thanks and God bless

Jena Isle said...

Ikaw talaga Ever, iyan ang maganda mong katangian - humor amidst melancholia. OO nga if we are united we could succeed. Iyan ang isa pa na dapat ituro sa mga kabataan - ang pagkakaisa, hindi iyong watak-watak ang paninira sa isa't isa sa atin. Sa pagkakataon na ito naipakita natin iyan. Sana ganito rin sa araw araw na buhay natin.

Para tayong isang tingting na walang magawa kundi tayo magsama-sama. Mabuhay ka!

pamatayhomesick said...

the last jedi,
kaisa ako sa layunin pagkakaisa at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong ondoy. salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

mr. panguyab,
pati siguro ako siguro..salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

ryo,
yun na nga ba ang sinasabi ko..marami parin na ginagamit ang pagtulong sa pansariling kapakanan,lalo malapit ang eleksyon.di bale matalino na ang taong bayan..di na tayo maiisahan..salamat sa sagot kay ondoy1

pamatayhomesick said...

drake,
agree ako pards..teka sino ba yung jacque nayun sa post mo...medyo uminit ang ulo ko dun..salamat sa pagsagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

anonymous,
marami marami, pa sana ang katulad mo..salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

leizmarie,
maraming salamat, yan ang pinakamatibay na sagot ang prayers!

salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

jena isle,
ha ha ha, teka anu pala yun...he he he.

salamat sa maganda at tulong ng pagkakaisa..tama, isang walis tingting na kailanagn ibugkos para magamit..gaya ng pagsasama sama ngayon.

salamat sa sagot kay ondoy!

SEAQUEST said...

I Thing i realized everytime na may nangyayaring kalamaidad sa kahit san man panig lalao na dito sa Pinas, dumarami ang nagbibigay ang tumutulong, Which is, maaari naman pa lang tumulong bakit kung kelan lang hinihingi saka natin yun binibigay sana lang din matuto na ang bawat indibidwal na ang pagtulong hindi lang sa tuwinang paghingi nito BE sensitive always to all who needs help kahit pa po araw-araw, gayun pa man salamat na rin sa mga taong tumulong sa ngayon..

Anonymous said...

Dasal ko sana, hindi lang sa tuwing may dilubyo tayo nagkakaisa...

Sana araw-araw...may Ondoy man o wala.

pamatayhomesick said...

seaquest,
maraming bagay ang may dahilan, siguro ramdam na natin ang pangangailan ngayon ng bawat isa...sama sama at handang lumaban alin man ang darating. salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

nebz,
aral narin siguro para satin ang lahat..huli man tayo sa pagkakaisa, nakikita na natin ang simula nito...tama ka sana wala ng sana para tumulong...salamat sa sagot kay ondoy!

Chyng said...

This too shall pass. Kaya ng Pinoy yan!

siyetehan said...

it is about time that we, as a nation, will go out and help in this trying times.

babangon ang Pinoy!

AJ said...

kung minsan tuloy naiisip natin na paraan ni inang kalikasan na paluin tayo para muling "bumait".

sana natuto na talaga tayo...

witsandnuts said...

Nakakagulat kaninag umaga si Erap, humarap na sa camera (through Unang Hirit), namimigay ng relief goods. Panay ang smile sa harap ng TV.

pamatayhomesick said...

chyng,
yap..teka chyng elib ako sayo ang tapang mo..20 hrs kang stranded...salamat nalang at nauna ang dasal mo at naging gabay ito sa kaligtasan mo at nang iyong pamilya.

pamatayhomesick said...

syetehan,
bangon pinoy1 maganda pards!..salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

aj,
tama pinalo tayo, para muling simulan ang pagbabago at pagsasama sama.salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
nakita ko rin, parang photo shot nga eh, sabay sa pag abot ng goods.

zorlone said...

Parang Beatles na kanta?

all we need is love... all we need is love, love... love is all we need....

Tama ba pards?

Z

rolly said...

I hope all your loved ones in the country are okay. Ang daming nasalanta ng nakaraang bagyo.

Oman said...

sana di na mangyari ang ganitong bangungot muli.

Dennis Villegas said...

I enjoyed reading this post, especially because it gives us some light humor that somehow soothes after this terrible disaster.
Congrats on your being the finalist in the PBA 2009. If I only knew that my Pilipino Komiks site would be in your category, I would have pulled. Kung ako lang ang judge sa PBA 2009 iboboto ko ang blog mo. Superb at talagang buhay pinoy! ;)

pamatayhomesick said...

zorlone,
may napanuod nga ako sa news habang tumatawid sa baha, ang sabi
"kaya natin toh, kaya nating magsimula, sabay kanta ng basta may pagmamahalan."

all we need is love!
tama pards!

salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

rolly,
medyo naapekyuhan din po ang lugar ng bulacan, dahil sa pagbukas ng angat dam, pero sa ngayon po mabuti naman po ang lagay ng pamilya. salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

lawstude,
tama pards, isa lang itong bangungot, pag gising natin..bumangon tayo at sikapin tumayo muli.salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

dennis villegas,
pards, isa lang itong pamatayhomesik..he he he..naku maganda kung kasama tayong lahat sa ganitong pagkakataon.congrats!

salamat!

Dee said...

Haha, ok iyong last paragraph ah! Natawa ako dun! At tama naman! Dapat talaga magtulungan tayo. :)

juliet said...

makakabangon tayo lahat
jan magaling ang mga pinoy
sa pagbangon
basta pray na lang tayo
di tayo pababayaan sa taas

pamatayhomesick said...

dee,
thanks dee,pampalakas din ng loob at magtulungan..tawanan natin ang problema...

pamatayhomesick said...

juliet,
tama, sometimes we forget na magadasal at magpasalamat sa KANYA.:)
salamat sa sagot kay ondoy!

elmot said...

Oo nga bro. time to rise up. and have a new self para di na maulit.

magbago...at sympre alalahanin natin sa susunod na eleksyon, iboto ang taong magdadala ng pagbabago na may pagkalinga sa kalikasan.

aceychan said...

hey, i just saw this and was reminded when i read this post:

http://s3.amazonaws.com/data.tumblr.com/tumblr_kqtla0Ung41qzjgtro1_1280.jpg?AWSAccessKeyId=0RYTHV9YYQ4W5Q3HQMG2&Expires=1254549797&Signature=cwUxcxdaN4eIjBKBn49Tyc%2BT4xM%3D

madz said...

Oo, nakakatuwa talaga Ever na sa panahon ng trahedya, nagkakaisa ang mga Pinoy. Nakakataba ng puso. Maipagmamalaki mong tunay.

Gusto ko 'yang last line ng post mo. Iba kasi ang alam kong linya eh, 'yung.. "Lahat nalang ng bagay tumataas.. ***** nalang ang bumababa =))"

Unknown said...

Yes i do agree. We should now do our part. We need to learn how to love each other and give a helping hand if needed. I hope this would be a lesson for a good cause to all of us living in this world. Hope it will be the last and final tragedy that will bring fellow Filipino in pain and hurt.

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

Ira said...

News comment of an American Dweller in the Philippines: "I wish you all could see the amazing community spirit, charity and compassion in the Philippines. What I see happening here totally blows away the response to hurricane Katrina. People here have less to give, yet they are giving ABUNDANTLY. There is such a greater story than just the 'death toll' that the lame american media fails to capture."

The Nomadic Pinoy said...

Nakakataba nga ng puso na nakikita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pinoy sa mga panahon ng kalamidad. Hwag lang sanang isama ang pamomolitika.

KRIS JASPER said...

sigh... 3 typhoons in 10 days time. sana liparin si mikee, gloria at mike at ihulog sa south china sea.... dun sa may maraming pating..


sigh......

escape said...

hahaha... tama. babangon din ang mga noypi kahit pa nangyari to.

good luck sa blog awards.

pensucks said...

siguro isang katok na rin yun para sa ating mga pilipino kung paano na natin abusuhin ang inang kalikasan. naniniwala ako na hindi lang ang bagyong ondoy ang dahilan kumbakit bumaha sa halos buong metro manila, nariyan ang basura dahil sa kawalang disiplina ng ilang pilipino. congrats nga pala kasama ka sa PBA 2009. baka trip mong iboto si taympers ito ang link http://www.philippineblogawards.com.ph/2009/10/01/vote-now-for-the-2009-bloggers-choice-special-award/ salamat po.

Chubskulit Rose said...

Korek ka dyan Kuya Ever. Dapat siguro simulan na ang pagbabago ng bawat isa when it comes to dumping garbage and staff that causes clogs on the drainage...
Nostalgic Marveling
Etcetera Etcetera
Spice up your LIFE!
Obstacles & Glories

pamatayhomesick said...

elmot,
uu nga pards, malapit na ang paghuhusga ng taong bayan..matalino na ang pinoys pards di na makakaloko ang mga yan.salamat sa sagot kay ondoy

pamatayhomesick said...

ace,
anu yung? teka pilitin kong buksan.:)

pamatayhomesick said...

madz,
natuwa naman ako dun, kaya panay ang lag-lag ng....ha ha ha..:)

pamatayhomesick said...

solo,
very well said..salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

ira,
you are correct! we pilipinos should overcome this part...thanks!

pamatayhomesick said...

nomadic pinoy,
dito lang ako kinakabahan, maari kasing gamitin ng ibang pulitika sa pansariling pamamaraan ang ganitong trahedya, unahan para maging pogi...tama ka pards, wag sanang haluan ng pulitika.salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

jasper,
ha ha ha, kala ko ba bati na kayo ni gma...he he he.;)

kailangan mapaghandaan ang mga ito, 3 bagyo sa loob ng 10araw...

pamatayhomesick said...

dong,
bangon pinoy!..salamat pards!

pamatayhomesick said...

pensucks,
walang problema pards..hayaan mot dadadaan akot iboto kita.

pamatayhomesick said...

chubskulit,
uu nga eh simulan sa maliit na bagay..kasi ang mga maliliit na bagay na ito mas nakakapuhing!salamat sa pagsagot kay ondoy!

BlogusVox said...

Masakit na ang balakang namin sa kakayuko. Sa kakaimpake ng mga lumang damit na ipadadala sa pinas!

Jules said...

Yeah! Lahat na nga lang ngayon eh nagmamahalan na. At dina nga mapigilan pa, bkit tayo di ba natin kayang magmahalan din? Sana umpisahan na ntin ngayon. Before it's too late.

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

pamatayhomesick said...

blogusvox,
ayos pards, dito makikita ang simpleng pagtulong, malayo may tayo sa ating lupang sinilangan!salamat sa sagot kay ondoy!

pamatayhomesick said...

summer,
buti kapa pards lagi nalang may araw..summer kasi..he he he..

tama love and peace!

precious said...

tadah! musta kuya ever?

ang pinoy nmn likas na masayahin..kaya babangon tayo't dudurugin sila! hehe ^_^

Kosa said...

awwww
lahat nga nagmamahalan na!

D.L. Verzosa said...

hello there... hehehe thanks for the note you left on my blog... and we should all do our part in helping the victims of disasters like this...

pamatayhomesick said...

precious,
maganda yun ah, parang pelikula, babangon tayo at dudurugin sila..;)

pamatayhomesick said...

ailee,
salamat! tama kailangan may parte tayo sa pagtulong.:)

pamatayhomesick said...

kosa,
kahit hindi pasko ay magbigayan at magmahalan..(kanta awit sipol)

jan geronimo said...

Tama si Dee. Ang galing ng punchline. ",) Buti pa dyan Ever walang baha.

madz said...

hahaha, panay ba ang laglag? 'wag na nga nating pag-usapan 'yan, erase-erase ko na ung comment ko about that, hihihi..

BTW, gusto kita i-vote sa PBA, sandali lang ha, gagawan na kita ng post :P

madz said...

Ayun, napagtanto ko, hindi pala included ang best humor blog mo sa mga vote vote na 'yan. hihihi.. Akala ko katulad din un ng Bloggers' Choice Special Award eh.. Good Luck nalang and Congratulations :D

pamatayhomesick said...

jan,
uu nga anu, dito pag umulan,isang minuto lang, tuwang tuwa na sila nun, malaking pasasalamat na nila.

ang madalas dito sandstorm.

salamat jan!

p.s.
pag mag comment ako sa site mo lagi akong error,pero minsan ok naman..kaya retweet ko nalang lagi.

pamatayhomesick said...

madz,
ha ha ha.. di ko rin alam yung mga ganun eh, eniwey, thanks ng marami.:)

eliment said...

ang daming nabulaga kay ondoy. binaliwala kase simpleng sama lang ng panahon..yun pala delubyo. hehe

ang maganda sa pinoy, nabubuhay ang bayanihan sa mga ganitong pagkaataon.

Ken said...

Congratulations unang una for being the finalist sa PBA.

I still believe we can overcome this experiences and walk with a head held high, and face the world again with smile in our face and a resolution to move on.

Thanks for this post.

pamatayhomesick said...

eliment,
minsan talaga may akalang wala, pero may laks pala...ganun paman malaki narin ang nakikita ko sa pagbabago sa pinas, yun yung nakitang nagsama sama muli dahil sa pagtutulungan.salamat sa sagot kay ondoy.

pamatayhomesick said...

thoughtskoto,
salamat pards..

tama..we need to overcome this..and then move on in a better way!..:)

sunny said...

okay na dito sa pinas, things are goin back to their own places except for the filthy politics -as usual, urghs! hehehehe! napatumbling dito!

Better Than Coffee said...

galing ng sinabi ng kaibigan mo ever. :) pero in fairness, nakakataba ng puso ang makitang nagdadamayan ang lahat ng pilipino sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.


love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

Chubskulit Rose said...

Visi6ting you here Kuya Ever, looking for some updates..

Chubskulit Rose said...

Hello Kuya Ever, ala ka pa rin update hehehe..

I am trying to generate some support for our daughter. I entered her into a Smile Contest, so if you could please cast a vote for her every day until October 31st it would be so much appreciated. To cast your vote, please go to this link. Just look for Jillian Rylie Cottrill Thank you very much for all your help!

Pasyalera said...

Hehehe, kulit nung last line.

Kaya natin 'to! :D

ronelM said...

sa kbila ng lhat kailangan rin ntin pasalamatan si ondoy dhil muli ngkaisa ang mga pinoy wlang myan at mahirap lhat nging pantay2..

Mac Callister said...

ang sarap nga panoorin sa tv na andmi nagtutulungan at lahat nagkakaisa!

kakataba ng puso!naks!

Mac Callister said...

sana laging magtulungan kahit walang kalamidad...

JTG (Misalyn) said...

Nakakataba ng puso ang naging pagtutulungan ng mga Pinoy kaya lang kinakailangan pa bang magkaroon ng ganitong delubyo para ipakita natin ang buong pusong pagtulong sa mga kababayan natin?

Huwag na sana nating masundan pa sila Ondoy, Pepeng, Ramil at Sanit bago kumilos ang bawat mamayang Pilipino.

Kaya natin yan m basta sama sama.