9/06/2009

kAla kO!!!

ngayon ngayon lang ng nagbabasa ako ng filipino panorama boses ng pilipino sa kuwait,nabigla ako sa balita at nais kong ibahagi yung naging karanasan nila dito sa kuwait.

madalas akong magbasa nito lalo na sa mga article ni Ben Garcia.

ayun sa balita:
september 6, 2009

"bayawak boys nakauwi na''
ni Ben Garcia

nakauwi na ang mahigit kumulang sa 30 bilang ng  pinoy ofw na nagtatrabaho sa kuwait based local cement factory, ito ay nasa bahaging desyerto kaya malayo ito sa syudad. mula enero ng taong kasalukuyan ng hindi sila nakakatanggap ng sweldo.dahil  dito nanghuhuli sila ng bayawak at ginagawang pamatid gutom para mabuhay.

ayun na rin sa tulong ng malayang pagbabalita ng kuwait times, nakita nila ang kaawa awang lagay ng mga manggagawa na sa loob ng kwarto 8-10 katao ang laman ng isang maliit na silid pahingahan.ganun din ang maduming kusina at matinding amoy ng palikuran.
sa tulong ng POLO-Philippine Overseas Labor Office malugod silang nagpapasalamat at matiwasay silang nakabalik na sa kani kanilang pamilya...
--------------------------------------------------------

"ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat at nararapat na buhay sa pamilya, kaya naisipan natin ang magtrabaho sa ibang bansa...nakakalungkot isipin pag may ganitong pangyayari...maging bukas sana ang pamahalaan na maibigay ang pangangailangan ng bawat isa para sa bandang huli magamit natin ang talento at sipag natin sa trabaho sa sarili natin bansa."

72 comments:

madz said...

Amen to that ever. Akala ko tungkol kay Manny Villar ang blog mo eh. Nakakaawa naman 'yung nangyari sa mga OFW's na 'yun. 'Yang mga insidenteng ganyan, lalo akong nagagalit sa gobyerno. 9 months bago nila matulungan ang mga OFW na dati ay nagbigay ng tulong sa bansa sa pamamagitan ng kanilang remittance. tsk tsk tsk. Tama na nga ang comment ko, nahihighblood ako, ehehehe

theLastJedi said...

' kaya kayo tunay na kahanga-hanga.. hindi biro ang malayo sa pamilya at makipag-sapalaran sa mga banyaga..

pamatayhomesick said...

nabanggit din ito ni villar, kung hindi ako nagkakamali nung june nag taon kasalukuyan.

sa face book naman ni manny villar nakalagay.

pero ito araw nato nabalita na nakauwi na sila ng bansa natin.

salamat!

pamatayhomesick said...

last jedi,
sa tapang at tyaga ng pinoy...nakadagdag din yung prinsipyo nila na ipaglaban ang karapan bilang manggagawa.

nandun yung pagtitiis at survival para mabuhay.

kahanga hanga ang pinoy na gaya mo rin at nakikilala ang mga tao na nagsisikap umunlad para sa pamilya at pagmamahal sa kapwa.

salamat!

RJ said...

Ayos ang final statement niyo Pards Ever, sarado na, wala na akong maidadagdag pa.

Mahina ako sa Biology; akala ko sa mga tropics lang ang bayawak, may mga nasa disyerto pala.

sheng said...

i know naman na you should have hoped for better lives in Pinas kaso wala yatang maibabahagi na better ang Pinas kaya sa ibang bansa ninyo hinahanap. Nakakalungkot man isipin, pero sa ibang bansa, kung yan ang nangyayari sa pag-apak ninyo, magpasalamat tayo na may ganyan pa, kasi mas malala ang mga andito sa Pinas. Demokratiko nga ba ang isang palikuran na butas lamang ang pinagbabagsakan, pinaglapag-lapag na kawayan ang papatungan? Tama ka, sana may magawa ang pamahalaan sa kalagayan ng ating bayan, dahil nakakasuka na talaga.

2ngaw said...

Salamat naman kung ganun, at sana di na masundan pa ang mga ganyang pangyayari...

Trainer Y said...

nakakalungkot naman ung naging karanasan nila... sinakripisyo nilang mapalayo sa mga mahal nila sa buhay para makipagsapalaran sa ibang bansa para may magandang kinabukasan na maibigay sa pamilya nila pagkatapos ay ganun pa ang mangyayari sa knila..
pero nakakatuwang malaman na nakauwi na sila sa kani-kanilang mga pamilya..i hope everything works out well for them...

mr.nightcrawler said...

hello... bagong dating lang ako sa blog mo at nagutuhan ko ang mga tala mo. pinoy na pinoy. kawawa naman iyong iba nating kababayan na naghihhirap para sa pamilya.. tawag jan idol. kung may oras kayo.. dalaw naman kayo sa bago kong blog... comment kayo para alam ko na dumalaw kayo... hanggang sa muli ninyong post... maligayang pasko sa lahat kahit maaga pa. haha

escape said...

sobrang kakalungkot itong balita dahil ganun ka tagal pa sila naiwan dun bago sila nakauwi.

pero kahit papaano, masaya na rin ako at nakauwi sila ng maayos pero ang sakit ang mga ganitong pangyayari. ramdam ko to dahil nagtrabaho din sa saudi ang tatay ko.

The Lady in Green Ruffles said...

ay, kawawa naman sila,ung mga pinoy naman sa jeddah na naninirahan sa ilalim ng tulay napanood ko..

AJ said...

i assume na pang pelikulang notorious ung bayawak boys, isa na naman palang kaawa awang kwento ng mga pinoy. tsk.

they must be veri hungry and desperate na pagtyagaan ang mga nakakakilabot na bayawak, at nkkpasong init ng araw sa disyerto.

tsk.

DRAKE said...

Buti naman nakauwi na yung Bayawak boys kasi talagang nakakaawa talaga ang kalalagayan nila. Kung hindi pa na media hindi pa sila kikilos. Tayo ang isa sa nagsusulong para gumanda ang ekonomiya pero tayo rin ang isa sa mga kinakalimutan at pinababayaan.

Hays

Ingat

pamatayhomesick said...

rj,
mas marami ang bayawak dito sa desyerto...kulay green pa.

sa binas marami din ang bayawak yung pakalat kalat sa daan...(huh!)

pamatayhomesick said...

sheng,
di parin ako nawawalan ng pag asa, balang araw makakaahon din ang pinas..ang tanong kung kelan at kung kelan magiging parehas lahat.

salamat sheng!

pamatayhomesick said...

cm,
may kanya kanya talagang tadhana..salamat narin at nakauwi na nga..pero may ilan parin na darating na pagsubok..hope na maging handa ang lahat!

salamat!

BlogusVox said...

Marami pang kababayan nating ganyan ang sitwasyon. Sa Jeddah, sa ilalim ng "flyover" naka tira dahil walang trabaho at matitirhan.

Oo nga, saan napupunta ang "ambag" natin sa OWWA?

pamatayhomesick said...

yanah,
di rin ako makapaniwala at kala ko kung anung bayawak yun..yun pala ito ang pamatid gutom nila sa haba ng sakripisyo.

buti at natulungan din sila ng ibang ofw dito, ganun din sa tulong ng POLO kahit medyo huli ay salamat narin.

salamat!

pamatayhomesick said...

mr.nightcrawler,
salamat pards..eniwey i olredi add you on my blog list.:)

pamatayhomesick said...

dong,
nagulat din ako dito dong,swerte parin tayo at di natin naranasan ang ganito...

salamat narin sa ibang kakabayan natin na tumulong in prayer and support!

salamat ulit!

pamatayhomesick said...

green ruffles,
uu nga lumawak din ang balita tungkol naman sa jedda.

mukhang kailangan na nating magingat at maniguro kung may balak ang iba na mag ibang bansa para magtrabaho.

salamat!

pamatayhomesick said...

blogusvox,
narinig ko rin ang balita at nabasa ko blog ni nebz...

ang hirap nito, bakit tumatagal ng ganito, kung may problema ang ofw sana agad agad kasi may pondo naman para dito..kaya lang kailangan munang may sakripisyo bago tulungan..

tama ka ed san napupunta ang pondo pag may ganitong pangyayari..kung maagapan di na sana ito aabot pa at alala kung maagang natulungan.

pamatayhomesick said...

drake,
simple ang pagkukulang, yun yung sinabi mo na kundi pa namedya walang aksyon at pogi points..

ganun paman maraming salamat sa medya!

salamat pards!

Dee said...

Kawawa talaga. Ang hirap na nga mangibang bansa, ganyan pa ang mangyayari. Ipagdasal natin.

pamatayhomesick said...

dee,
tama dee, suporta at prayer ang kailangan..

salamat!

sunny said...

ahay,,kakalungkot nmn mga ganitong nangyayari sa ating mga kababayan...buti nmn at makakuwi na rin sila! KUDOS mga noypi!

poging (ilo)CANO said...

kawawa naman sila. lalo na cgro yung pamilya nila na naiwan sa pinas...


-----

masarap na pulutan yan...lasang manok...alak pa!hehe

Jena Isle said...

Hello Ever,

Marami ngang nangyayaring ganyan. Mga tunay na bayani kayo. Mabuhay kayo Kabayan.

Enhenyero said...

pinapakita sa pinoyTV as program teaser yung interview sa kanila before, swertehan lang talaga ang pangingibang bansa.

Chubskulit Rose said...

Oh my goodness, kawawa naman sila.. Imagine, bayawak, mamatay ako sa nerbyos nun hehehe...

Bakit naman super tagal bago natulungang makabalik, grabe talaga ang ating gobyerno noh..

Marveling Memories
Etcetera Etcetera
Spice up your LIFE!
Obstacles & Glories
Sailing through Life

Anonymous said...

how sad...parang isang masayang panaginip na nauwi sa bangungot.

tragic...di ko kaya to..

Kosa said...

sana nga hindi na maulit pa yun parekoy...
napaisip tuloy ako kung anu ang nangyari sa ilang buwan nilang pagtatrabaho, may natanggap ba silang sahod?

eye in the sky said...

foreign living is rich with stories of desperation such as this. it is sad.

The Lady in Green Ruffles said...

oo nga kuya e..balak ko pa man ding magwork sa ibang bansa...

Nash said...

pambihira talaga

ever!

napadaan at napaka comment :P

pamatayhomesick said...

sunny,
hanggat maari nga di na mangyari ito..tama ka parekoy!

salamat!

pamatayhomesick said...

pogilocano,
ang tibay at lakas ng pinoy, pwede kahit saan para magsurvive...

masarap din ang bayawak, lasang manok nga lalo na pag may "kala"!

nadale mo parekoy yung "kala ko"!

ibig sabihin kasi nun alak na akala ko pulutan nila yung bayawak yun pala yun ang pangsamantagal nilang pagkain.para mabuhay!

pamatayhomesick said...

jana isle,

hi jena, ang aking paboritong manunulat is on the house...

salamat!

pamatayhomesick said...

i mean jena isle...:)

pamatayhomesick said...

enhenyero,
tama swerte swerte lang din..kahit saan mapa ibang bansa o hindi may pagkakataon na may hamon ang buhay!

salamat!

pamatayhomesick said...

chubskulit,
yun nga ang tanong ng karamihan, at ayun nga may parang abangan ang susunod na kabanata sa buhay nila.

salamat!

pamatayhomesick said...

anonymous,
isang dalawa lang ang sasabihin ko at maraming marami...

pamatayhomesick said...

kosa,
tama ka..
yung sweldo nila naibigay naman at nagpapasalamat sila at natapos na ang kanilang paghihirap.

pamatayhomesick said...

eye in the sky,
tumpak, parang buhay na parang life din.

salamat pards!

pamatayhomesick said...

green ruffles,
kung maigi naman ang work mo dyan, pagisipan mo at kailangan harapin kung anu man ang desisyon mo...ingat ingat!

salamat!

pamatayhomesick said...

nash,
uy pards musta na..(teka parang close ako ah! ha ha ha)

salamat sa pagdaan!

Anonymous said...

Whew! Isang araw lang na malate sa pagko-comment, feeling ko napakalayo na ng pila!

Nakakalungkot no? Umalis ng bansa upang guminhawa ang buhay, tapos mas miserable pa pala ang kahihinatnan.

And to think that some showbiz people and politicians flaunt about their unnecessary, over-the-top spendings! Minsan gusto ko na lang tuloy magKomunista kung saan pantay-pantay ang bigayan ng yaman. (Lord, nagbibiro lang po. Baka nga maging Komunista ako! Pero ung pong pantay-pantay na bahaginan ng yaman, okay po ako dun.)

Eli said...

Kuya ever, nkakalungkot naman ang balitang to.tama ung sinabi mo, kaya nagabroad para mabigyan ng masmaginhawa at mtugunan ang panga2ilangan ng pamilya tpos ganun lang ang mangya2ri! Panu na yung pamilyang iniwan at umaasa sa kanila?

witsandnuts said...

Magandang balita 'to. Parang nafeature sila sa OFW Diaries nung hindi pa sila nakakauwi. Kaninang may panibagong balita, mga Pinoy naman na nasa Saudi na hindi makauwi. Style EDSA underpass yung squatting. Nakakaawa rin. Sana matulungan.

lunar hemizphere said...

Masisipag ang mga pinoy. Madaling hasain. Kahit ano pa ang sapitin titiisin para sa pamilya. Ang pinoy kahit saan pwedeng isabak. Matindi ang survival strategies eh... gaya mo. Naks naman Ever!


:aka MoonGoddessLae

rolly said...

nakapanglulumo naman ang kanilang sinapit dyan. Lalo pa't kung iisipin mong ang laki pihado ng kanilang ginasta makarating lang at makapagtrabaho dyan. Ngayon, ang tanong ay saan na sila pupunta? Kung maganda lang sana ang kinabukasan ng lahat dito sa pinas, hindi na nila sinapit ito.
Kawawa naman.

pamatayhomesick said...

nebz,
kakalungkot nga at pati ako gusto ko narin sumapi sa itatayo mo...ha ha ha...

pamatayhomesick said...

eli,
ganun siguro ang buhay parang life!

pero kung makakatulong tayo gagawin natin...

kakalungkot lang din kasi matagal bago natulungan.

salamat!

pamatayhomesick said...

witsandnut,
uu nga eh, kahit paano nakauwi na sila sa sarili nating bansa!

yung sa saudi, hope na malutas din ang problema.

salamat!

pamatayhomesick said...

lunar,
aba sayo din pala itong blog name na lunar hemizphere..

yan ang pinoy saludo sa kapwa pinoy!

salamat!

pamatayhomesick said...

rolly,
may punto kayo sir rolly, ganun na ang tanong pano na ang trabaho. may maitutulong kaya sa kanila sa paghahanap nito...as usual abangan natin, kasi malamang mag-agawan ngayon sa tulong para pogi points sa nalalapit na eleksyon.(opinyon ko lang po ito)

salamat!

Anonymous said...

ayos..

sana lang tamaan ang mga pulitikong corrupt.

eh kung yung mga pulitiko ipadala as OFW? ahihi

tas mga OFW ang nsa pamahalaan?

TATAKBO KA BA?

BOBOTO KA NAMIN.. AHIHII

pamatayhomesick said...

shynyrd,
tatakbo ako...yung mga walang tulay ipagagawa ko, yung mga meron tulay ipatatanggal ko...he he he.:)

maroseqf said...

ang galing mo naman. saludo ako sayo!

mr.nightcrawler said...

napadaang muli :P

KRIS JASPER said...

Mabuti naman at nakauwi na sila. BAyawak? tsk. tsk...

kakalungkot na di lahat eh sinuwerte sa mga employers nila.

TC na lang jan kabayan.

Better Than Coffee said...

nung mabasa ko ang "bayawak boys", akala ko mga sanggano at kriminal yung tinutukoy mo.

ang lungkot naman ng story behind the name.

love,
nobe

www.iamnobe.wordpress.com
www.deariago.com

The Nomadic Pinoy said...

Masyado namang kahindik-hindik ang nangyari sa mga OFW na yun at kailangan na nilang manghuli ng bayawak para lang may makain!

jan geronimo said...

Di ba ang dami-daming binabayaran mga OFWs bago makaalis ng Pilipinas? Nasan na un mga kinokolektang fees na un na siningil ng mga ahensya ng gobyerno?

Nakakasira naman ng dignidad ganyan kinahahantungan ng mga nagbabakasakali sa abroad. Ang bilis kumabig ng mga singilin, ang kupad namang tumugon sa mga emergency kalagayan ng mga Pinoy sa ibang bansa.


Tsk tsk tsk. Kakapanlumo.

Francesca said...

grabeh naman ang story nila, pati ako nanlumo
if ako lng si God, uunahin ko lipulin lahat ng hindi dapat mabuhay sa mundo. tsk tsk, bayawak na lng kinakain....

pamatayhomesick said...

maroseqf,
salamat!

pamatayhomesick said...

nightcrawler,
nagpasalamat muli!

pamatayhomesick said...

jasper,
sa ngayon mabuti narin at napauwi at natulungan sila.
salamat!

pamatayhomesick said...

nobe,
yup..ganun din ang akala ko...
musta na!

pamatayhomesick said...

nomadic pinoy,
kung ikukumpara nga ganun ang sitwasyon...

p.s.
pards musta ang bakasyon mo at ang pinas!:)

pamatayhomesick said...

jan geronimo,
hay nako pards..sang-ayun ako sa sinabi mo...

salamat!

pamatayhomesick said...

francesca,
ha ha ha..i wish the wish you wish nalang po ang masasabi ko..

salamat sa pagdaan!