nagtataka yung kasama kong pinoy sa trabaho kung bakit daw hanggang ngayon di ko pa naipapakita yung picture sa kuwait, yung bang lugar ng lupang buhangin, na naging lupang syudad.
ops.....break muna...sandali...teka lang...may nakaLimutan ako di ba pwede nating ....toiiiiink!..boom boom boom pow! boom boom boom pow..gonna get yah! get yah..
ewan ko ba hindi ko naman sinasabing di maganda ang lugar dito sa lupang buhangin, pero likas na talaga sakin ang mahalin at maipagmalaki ang lugar satin..kaya lagi kong awit at kinakanta ang pilipinas kong mahal..kaya nga ang tawag ko sa mga bayani ay tayo at ang sariling bansa natin..Bayani-juan..madalas ko itong ipagmalaki dito tuwing may kausap na ibang lahi,tuwing nasa trabaho tuwing sasakay ng taxi, at tatawagin ako pilipini(ito ang tawag nila satin ofw dito sa kuwait).sasabihin nilang napakaganda ng pinas (mia mia) means 100% na maganda, marami daw kasing puno, bundok, ilog, likas na yaman.
teka bakit ba napunta yung usapan dito, dahil sa tuwa at galak ng makakita ako sa bakala(ito naman ang tawag dito sa grocery store na parang seven eleven, whooosh ang haba ng paliwanag ko, pinagpawisan ako dun.he he he)...nakita ko yung tipikal na nabibili sa tindahan ni aleng nena na mga sitserya at kakanin na favorits ko with "S" as in super..ang babaw noh...dapat pala may bayad ako dito para sa promotion ng produkto..ha ha ha.charing!
kakanin...
sitserya
62 comments:
Hahaha, anong picture yun/ Sige na pakita na, wag na mahiya. And hey, nagtakam ako dun sa kakanin ah, nasa Pinas ako pero seldom ko nakakain yang mga yan, lalo na at di palaging napapadalaw sa grocery.
wala ba masyado dyan sa kuwait, naku dito san damakmak na ganyan dito! Kaya hindi naman nakakamiss ang pagkain pinoy dito!
Naghahanap nga ako ng putoseko dito wala eh!Baka dyan meron! Pero wala ka ang Hany-chocnut meron dito saka boy bawang
Shukran Kateer
ahhhh mang juan! tanung ko lang, anu ba ang apilyido mo? bayani? kaano ano mo si Bayani fernando? ahhhh si Bayani.ag. Bayani pala..lols
ahhhh, oo naman napakaganda ng Pinas!!! walang duda!
at ang mga panina sa (mala)7-eleven eh super nga! teka, sana binili mo nalang lahat yung mga kakanin parekoy. sayang naman kung walang ibang bumili nun.. baka mabulok lang. jokeness. mabili din yang mga ganyan dito sa amin.
base
salamat sa comment
ganun po talaga siguro pag nasa ibang bansa ang pinoy
naghahanap ng panlasang pinoy
Hehehe :D Sarap talagang makakita ng gawang Pinoy sa ibang bansa bukod sa Pinas, parang pakiramdam ko Pinoy na Pinoy ako :) ... Dito rin maraming ganyan, halos lahat ng store...
Balang araw di ako magtataka kung ang buong mundo pag aari na ng Pinoy lolzz
maganda talaga satin, walang katulad, wala ng gaganda pa sa Pinas. kahit anong tatayog ng mga building at lalaki ng mga structures sa ibang bansa, mas pipiliin ko sa baku-bakung lansangan, basta lang may enough na ikakabuhay ang pamilya ko.
Tsong, nakakahawa ba ang sakit ni YanaH? Mukhang nadapuan ka.
Sorry pero hindi ko ma gets, o di kaya, napag lipasan na ako ng panahon.
Yung ibang supermarket dito, may section ng Pinoy food. Syempre, suki ako dun. =)
elow sheng,
mga kagandahang likas daw ng lupang buhangin, pero mas maganda parin ang pinas!
drake,
may puto seko din dito, kahapon ko lang nakita.:)
kosa,
kosa musta naman ang friendship mong si arvin..ha ha ha..
wag nalang pansinin yun pards nagpapataas lang ng bibisita sa blog yun, mas magandang lalaki tayo dun.:)
juliet,
mis ko na nga ang bibingka lalot magpapasko na.:)
cm,
kala ko nga pinas nako eh...di kasi ako masyado naglalalabas kaya parang bago sakin ang makakita ng pagkaing pinoy!
thoughtskoto,
walang makakapagpalit ng gandang pinas, lugar, man at pag uugali.:)
blogusvox,
ha ha ha, di ko rin maintindihan, napakain kasi ako ng sitserya.
witsandnuts,
kaya ngayon suki narin ako dito, kahit malayo yung tindahan ni aling nena.:)
Dito sa Saudi, que dami-daming Pinoy stores na nagtitinda ng Mama Sita, Knorr, Lucky Me, 555, Ligo, Mang Tomas Sarsa, tinapa, tuyo, puto, kutsinta. Para ngang wala ako sa Pinas tuwing pupunta ako sa tindahan.
Minsan nga, kahit sa Pinas hinahanap ko ung nakikita kong Pinoy products sa Saudi, minsan di ko makita. (Ganun?)
P2BP tau! (Proud to be Pinoy!).
lagi kong binibili dito yung stick-o saka boy bawang...panghimagas at pang-pulutan..hehehe
nebz,
p2bp - natuwa ako dito...nadale mo pards yung hinihingi ng storya!
pogilocano,
huwaw, panalo pards buti may alak kayo dyan...dito pag malivodka lang ang meron.
Sabik! haha Super mahal ba ang benta jan?
Di ako mahilig kumain, gusto ko lang tikman ang pagkain. ;D
Siguro, walang balut diyan ano, Ever, at saka tuyo...he he he...
Bakit nga ba hindi mo picture diyan para naman makita namin kung saan ka naglalagi.
Parang nakarating na rin kami diyan, sa pamamagitan ng mga mata mo.
Have a happy weekend.
oo nga malapit na pasko.
nararamdaman ko na malamig
lalo na dito sa bundok ng antipolo
sa makati nga may christmas deco na sa street.
' naman.. tama ka pare.. mga bayani ay tayo at ang sariling bansa natin.. =)
Wala nang gaganda pa sa bansang Pilipinas, kahit na anong sabihin nating kapangitan ng political atmosphere at gloomy econimic prospects, it will never erode the beautiful persona of our country.
The colorful culture and the beautiful landmarks we have. Iba talaga ang ganda ng Pinas.
ang saya naman kasi at least nakakarating produktong pinoy jan. kahit talaga may mga imported na chocolates at chips eh hahanap-hanapin pa rin natin ang gawang pinoy.
Namputsa may mga kakanin! Yun o puto. And what's that - biko? Or sapin-sapin. I'm sure tuwing ngumunguya ka nyan you feel just like you're home. Winner. ahehehe
sabi ko na nga ba, andito ka lang sa pinas eh. hehe.
ayos, para ka na ring nasa pilipinas pag kumain ka niyan
chyng,
yun lang ang pagkakaiba mas mahal pa sya sa imported goods..
ayos pala, kung mahilig mo lang tikman ang pagkain akin nalang pag di mo maubos...:)
jena isle,
meron din balut kaya lang tyempuhan at napakamahal...pero kahit na, bibili parin ako para makatikim ng sabaw.:)
the last jedi,
nga pala yung tawag ko ata pards sa lahat, mapababae o lalaki,ha ha ha..sarap maging bayani juan!
i agree. wala pa ring tatalo sa pinas. kaya nga lang isla to isla ang magaganda nating likas-yaman. nkksawa na rin ang mga artipisyal na ganda sa mideast ano (maliban syempre sa disyertong pang safari)..
iyong mall, at iba pang man-made attractions. na kailangan mong gastusan. ganunmpaman, nkklungkot na kailangan nating lumabas para maghanap ng ikabubuhay.
hayy, sana magtaglamig na...
the pope,
maipagmamalaki natin ang gawang pinoy...:)
lawstude,
uu pards, kahit narin mas mahal pa ito sa imported dito..hanap hanap ko parin ang lasang pinoy!
jan geronimo,
elow pards...anak ng tipaklong buti nakadaan ka..ha ha ha..di ako makapasok sa blog mo..error ako lagi..waaahhhhh..di ko na tuloy nababasa ang top 1 ng influential blogger! twiiiiwiiiit!
syetehan,
anu balita sa pinas? balita ko may balita daw..pasyete naman dyan.;)
aj,
tama ka pards, tanging kakaiba ang likas na yaman satin..syempre meron din naman lugar na wala satin dito sa lupang buhangin, at yun yung nabanggit mo..safari..
dyan sa uae, malulula ka naman sa mga inspraktura...kaya sure ako na mis mo rin ang probinsya nyo..he he he.:)
halow kuya! musta na? homesick pa rin?! hay...miz ko na si pader ko..
penge pasalubong ah! bgla akong nagutom sa fuds..kelan ba uwe mo kuya? penge din work of art mo ah! ang daming penge! ^,^
sana nga dadami pa ang gawang pinoy na ibebenta sa ibang bansa. may magnolia ice cream din ba dyan?
i felt your love for our country..mabuhay ka
pengeng pagkain!
Wow buti pa dyan madaming pinoy products... dito maswerte ka kung makakakita ka ng lima lol..
wala pa nga akong nakikitang larawan ng kuwait...
hihihihi
at sa mga kakanin at chips...
hmmmm mainggit ka muna kuya!
hahahaha
marami dito.. u like?
hehehehe
hmmmmmmmmm
sa kabilang kanto namin may nagtitinda na ng bibingka at puto bumbong hehehe
Haha, oo nga, dapat bayaran ka sa pag advertise niyan, kasi effective ang advertisement mo - parang gusto ko ring kumain niyang mga kakanin, hehe. :)
Nakaka-excite nga makakita ng mga Filipino foods lalo na pag nasa ibang bansa.
Uy paano nagkaroon nyan dyan? hindi kaya napanis ang puto sa tagal ng pagbiyahe?
wow talagang parang pinas na rin dyan..may mga osihi at kirei narin...meron din kayang choc-nut o choco-bot o serg's o goya? hehehe
mababawasan talaga ang homesick ng ating mga kababayan dyan dahil sa mga snacks na yan ;)
psssttt...
salamat...
precious,
ganun talaga pag malayo yung dad mo..nkkmissss!
dong,
uy! uu nga.. sarap nun..wala dito eh, puro imported ice cream.
green ruffles,
mas masarap ang pagkain natin dyan,, ako ring penge..he he he he.;)
chubskulit,
kala ko nga wala rin dito..buti nalang at napansin ko agad na meron tindang pinoy..:)
yanah,
talagang ingit to the max ako, may puto bumbong na..hay lalo tuloy akong natakam..:)
dee,
tama ka dee,may discount nako sa tindahan..ha ha ha.:)
dennis,
swerte nga rin pards at napadpad ako sa lugar dito sa kuwait..nasa sulok lang pala..he he he he...hinahanap hanap ko parin kasi ang panlasa ng pinoy!
shynyrd,
salamas!..:)
uwi ka na dito kuya..wahehe
basta may pinoy community, may tindahang pinoy din :)
green ruffles,
naku matagal pa ang uwi ko...:)
enhenyero,
tama ka dun pards..syang nga ngayon ko lang nakita ito.
salamat sa sunday visit... check ko lang if may bago ka na hehehe..
Oo nga, hanap hanapin talaga ng mga ofw ang sariling atin. Super ganda ng mga works dun sa www.artinsitemagazine.com. Kasama din ba mga gawa mo dun at pede din kaya makahiram ng ilang paintings dun? heheh
Isa kang bayani ever :)
Buti at may nabibilhan ka riyan nga mga sitserya. Chicharon gusto mo? Masarap ang chicharon dito sa Bulacan :P
hahaha ever, para ka sigurong nakakita ng ginto nang makita mo ang oishi!. lol
www.iamnobe.wordpress.com
www.deariago.com
Ako makakita lang ng Chippy masaya na. Cheap lang naman ang tsitsirya na gusto ko.
Z
Post a Comment