9/14/2009

mEron KAmiNg aNu!

sa isang banda, nakakatuwa rin ang makakita ng ganito. lalo na't nasa ibang bansa ka, hanap hanap ang panlasang pinoy!
ang panlasa ng mga PaPa!
sawali naman ang kisami ng tindahan,
at eto pa ulit, di ba nakakatuwa  na
makita natin gamit ng ibang lahi ang
sariling atin.

85 comments:

BlogusVox said...

Dito tsong binebenta supot-supot kompletong sangkap. Katulad ng pang-papaetan, halo-halo na ang tuwalya, baga, atay atbp. kasama na ang apdo. Sa pang-pakbet naman, iba't ibang gulay na sa isang supot. Tipid para sa namimili.

DRAKE said...

Dito sa Batha (Riyadh) marami ding ganyan. Pati tinderong Bangladeshi, Indians at Arabo mga nagsasalita din ng Tagalog!hehehe

sunny said...

pamatay homesick tlaga yan,hehehehe! bagoong meron ba din?

atto aryo said...

wow! multiple choice!

Anonymous said...

Your post reminded me of Saad Hospital here in Khobar. Alam mo ba na pinakamahal na ospital un at talaga namang parang hotel ang loob. Pero ang pinakanakakatuwa sa lahat, gaya ng post mo, bamboo at banig ang design ng reception area nila. Feeling at home ka talaga dahil Pinas na Pinas ang dati.

I get a chance to go there one of these days, kukunan ko sya ng picture.

poging (ilo)CANO said...

nakakatuwa nga sila. dito naman sa abu dhabz mga tindero ng karne tagalog salita nila. "bili na mga suki. wag ka kuripot kabayan"hehe

pamatayhomesick said...

blogusvox,
talaga pards may pakbet na kumpleto...para nga akong ignorante ng makita ko yung tindahan ni papa...he he he.:)

pamatayhomesick said...

drake,
uu nga eh kaya lang dito sa kuwait di ko masyadong tinuturo ang salita natin...alam mo na maraming makukulit na ibang lahi.:)

pamatayhomesick said...

sunny,
ha ha ha, bagoong meron din, kaya lang nasa bote eh....:)

pamatayhomesick said...

ryo,
alin ang naiba..ha ha ha..:)

pamatayhomesick said...

nebz,
talaga pards...kaya dapat talaga ingatan ang indegenous materials sakin..kasi nagagamit talaga itong international accent and display.:)

pamatayhomesick said...

pogi,
ganun din dito,mahilig kasi ang pinoy sa tawad.pero mas gusto nila ang pinoy pag bumibili,galante kasi ang pinoy!

Dennis Villegas said...

hehehe natawa talaga ako dun sa sign...lahat pala ng parte ng baka...e yun kayang pang Soup No.5?

Trainer Y said...

nalala ko tuloy sa vegetable market...
pag dumadaan ako sinasabi nila:
"bili na suki! ano hanap nyo? sitaw? sibuyas? bahay kubo?!"
hihihihi

Chubskulit Rose said...

at meron pang suso lol... Buti pa dyan kumpleto, samanatalang dito walang kalatoy latoy ang selection hay buhay.. Nakakamiss talaga mamili sa Pinas..

Nostalgic Marveling
Etcetera Etcetera
Spice up your LIFE!
Obstacles & Glories
Underway! Shift Color

The Nomadic Pinoy said...

Nakakatuwa naman, alam na alam nila kung paano akitin ang Pinoy na mamimili. Siguradong Pinoy ang kinonsulta ng mga Arabo.

rolly said...

buhay na buhay ang inuman pag ganyang kumpletos rekados ang pulutan hane? Teka, pwede ba kayong mag inuman jan? hindi ata no?

Anonymous said...

kakatuwa nman to kasi parang special tayo lalo na pagdating sa food...kelangan pa na gamitin ang sarili nating salita.

marami!!!

juliet said...

padaan
gusto ko nang papaitan
masarap pero makasalanan
pero dahil bata pa naman ako
kaya puwede ko pang kainin

RJ said...

Bakit kaya walang pang-dinuguan?

theLastJedi said...

' hanep ang galing! kahet saan lupalop ata, meh influence na ang mga pinoy! lupet!

witsandnuts said...

Hahaha, ang galing! Dito yata sa UAE walang ganyan. Or baka meron hindi ko pa lang nadiscover. =)

sheng said...

Hahahhaa, ang saya, kahit ano meron...

Kosa said...

hahaha
nakakatuwa naman parekoy:))

Anonymous said...

anu ang sawali??

pamatayhomesick said...

dennis,
pards, ok yung kuha mo sa smokey mountain..

pamatayhomesick said...

yanah,
uu ng apala galing karin palang lupang buhangin...mabait sila sa pinoy..kahit alam nilang mahilig tumawad..ha ha ha.

saka kung ikaw bibili, malamang libre na.;)

pamatayhomesick said...

chubskulit,
he he he..di ko napansin yung susu..ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

nomadic pinoy,
marami pang makikita rin dito na pinoy na pinoy ang dating..sa susunod subukan kong kuhanan yung iba.:)

pamatayhomesick said...

rolly,
ha ha ha, inuman umaatikabo..kaya lang bawal dito ang alcohol kung mahuhuli..he he he.:)

pamatayhomesick said...

anonymous,
lagi lagi naman po.:)

pamatayhomesick said...

juliet,
dito ko nalang din natikman ang papaitan..masarap lalo na kung bawal dito ang inuman..ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

rj,
meron din, kaya lang gamit ay dugo ng manok para sa dinuguan.

pamatayhomesick said...

lastjedi,
magaling magpauso ang pinoy..kahit saang bagay..;)

pamatayhomesick said...

witsandnuts,
meron din ata dyan..kasi may kasama akong galing ng dubai..;)

pamatayhomesick said...

sheng,
masarap at masaya din talaga..tamang pulutan ng walang alak..he he he.

pamatayhomesick said...

kosa,
nakakalasing din ang tubig na inumin...;)

pamatayhomesick said...

chikletz,
sawali- kawayang material na binanig at ginagamit sa dingding o kisame,makikita ito sa tradisyung bahay kubo.

zorlone said...

Ayos! Pwede na gumawa ng bopis at dinuguan! he he he. Samahan natin ng kare kare.

Buti na lang pare meron nitong tindahan na to.

Isa lang ang tanong ko, pwede ba tumawad?

Sensya na kung natanong na ng iba sa mga nagcomment, di ko kasi binasa ang mga kumento nila e. he he he

Z

siyetehan said...

ayup! papaitan to the max.

sarap niyan

AJ said...

True. parang pinas 2loy ang feeling. luckily, sa UAE rampant na ang ganyan. nkktwa lang na ibang lahi minsan ang nagpropromote ng produkto natin.

pamatayhomesick said...

zorlone,
masaya pards, dahil pwedeng pwede tumawad..at marami pang buxes..yun yung tawag nila dito sa dagdag.:)

pamatayhomesick said...

syetehan,
masarap pards, lalu na libre lang ang taba dito saka buto buto.

pamatayhomesick said...

aj,
tama pards, ibang lahi minsan ang nagbibigay halaga sa produktong pinoy..

Gumamela said...

nakakataba ng puso n gamit ang wika ntin...

mas natuwa ako dun sa extra sa pics!lol!

salamat sa pagdalaw lagi sa page ko!

Jena Isle said...

Talaga? Masarap ang papaitan, lalo na pag tamang tama ang timpla. Maanghang na tama lang ang pait.

Roy said...

ayos! pamatay homesick talaga!

The Lady in Green Ruffles said...

wow..proud to be pinoy talaga!

Nash said...

mahusay!

hey thanks for the comment by the way :)

nako mahilig ka sa lamang loob? ang taas ng choles nyan! OMG!

precious said...

whoa kuya ever! musta na? sowsyal pala jan! pag uwe mo d2 penge ng version nila jan ng lamang loob ng baka ah! ^,^

maroseqf said...

hahaha! ayos talaga! Di mawawalan ng pinoy saan mang panig ng mundo.

pamatayhomesick said...

bhing,
ok naman at kung maganda ang paggamit nila ng wika natin at kahit di masyado maintindihan..ok na ok parin.salamat!

pamatayhomesick said...

jena,
kung timpla mas masarap ang timpla ng papaitan dyan sa pinas, kumpletos rekados kasi,..pero ok narin naman dito yung papaitan lalo nat meron maiinom...:)

pamatayhomesick said...

roy,
pamatay homesik sa alak narin..ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

green ruffles,
masarap kasing makita na interesado rin sila sa kultura natin, pag-kain man o tradisyunal.:)

pamatayhomesick said...

nash,
di naman masyado mahilig napabili lang ako kasi nakita ko ang sulat pinoy..saka minsan lang ako makatikim ng papaitan.:)

pamatayhomesick said...

precious,
ay, di ako marunong ng papaitan..tatamisan pwede..he he he.;)

pamatayhomesick said...

maroseqf,
mahilig talaga magpauso ang pinoy kahit saan pwede at mabubuhay ng may lakas ang loob..:)

nga pala ang ganda ng blog mo.;)

Chubskulit Rose said...

just checking out kung may bago na kuya Ever..

Nostalgic Marveling
Etcetera Etcetera
Spice up your LIFE!
Obstacles & Glories
Underway! Shift Color

Mike Avenue said...

All of the above! Sarap pulutan niyan.

Natutuwa ako't hindi naman "masyadong umaaalis" ang mga Pilipino sa Pilipinas. Kung malayo man sa mga mahal sa buhay, may mga pagkakataong "para ka ring nasa Pilipinas", kung tutuusin.

Sige! tagay na!

madz said...

You mean, ibang lahi ang may ari niyang baka? Este nung tindahan? :P

--
Bulakenyo ka pala, saan ka sa Bulacan?

pamatayhomesick said...

chubskulit,
meron pulutan..he he he.salamat!

pamatayhomesick said...

mike,
uu nga eh kaya lang wala alak eh...he he he..

pamatayhomesick said...

madz
sa sjdm city bulacan...:)

jan geronimo said...

Buti pa yung Arabo nakaka appreciate ng sawali. Pano kaya sya nagkameron nun? As in this was shipped from the Philippines kaya? Baka wife nya ay Filipina? Ahahaha - speculation. Tsismoso ko talaga ano?

At ang mga pagkain ha - pinoy na pinoy. :)

eli said...

katuwa naman..parang nasa pinas lang ah.

maganda rin ang naisip nilang ito. atleast kapag pinoy ka at makikita mo ito sa ibang bansa siguradong mapapansin mo ito.

pamatayhomesick said...

jan geronimo,
uu nga eh,i think import nila yung sawali sa pinas, tama isa sa may ari ng tindahan ay pinay.

pards ganda ang topic sa blog mo writingto exhale .:)

pamatayhomesick said...

eli,
sales at marketing strategy na rin.:)

aceychan said...

whoa. makakain pala ang body parts na yaaan...

madz said...

Ah, malapit ka lang pala sa siyudad, :P

pamatayhomesick said...

acey,
ha ha ha, uu, makakain din ito, masarap ika nga na maging pampalipas ng amats, lalo na kung naparami ang inom..:)

pamatayhomesick said...

madz,
sa city mismo kami..malapit sa fairview quezon city..:)

Chyng said...

Haha, sabik sa mga pagkaing pinoy.
Magkano naman?

Grabe, buong week akong absent, nagkasakit ako eh.. Syet! naubos sick leave ko! :(

Ysh ♥ said...

Haha! Nakakatuwa naman! :D

Nash said...

Ever,

nako eh di mabuti naman hindi kasi yan mabuti sa katawan ahaha ano ba yun dietician ba ang eksena ko dito? LOL

pamatayhomesick said...

chyng,
he he he,mukhang natesting na yung underwater cam mo ha...pati sa lugar ng pinas sabik ako..ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

issshh,
musta na...:)

pamatayhomesick said...

nash,
ok naman doc nash..he he he.:)

escape said...

hahaha... at siguradong hindi ako kakain ng lamang baka.

Francesca said...

at may arabic translation pa!
pinoy ba tindera?

dito sa france wala as in nada

merong gulay at phil products pero super mahal
yung sinigang powder lng eh 100php na eh 10 lng yung sa tindahan ni aling pokwang!

elmot said...

Hahhah! Ayos! Kompletos rekados, kulang na lang beer na malamig!

Universal language na ang Tagalog Pre!!! Yahoo! Kita mo nga dito sa Pinas eh, isturang talagang Bombay na nag 5-6 pero ang tatas magtagalog! wahahahha!

pamatayhomesick said...

dong,
dito ko lang din natikman ang papaitan...sa pinas di ako nakatikim..baliktad noh..he he he

pamatayhomesick said...

francesca,
mahal din dito ang produktong pinoy,kaya ang sekreto ko di ko kinukumpara ang presyo ng pinas at presyo dito...:)

ok ang kwento mo pabalik sa france dami adventure!..ha ha ha.:)

pamatayhomesick said...

elmot,
pards napghahalata ka na mahilig kang komunsulta sa bumbay..ha ha ha..alam na alam mo ang 5-6..he he he.

Dee said...

Ok ah! O diba, parang nasa Pinas na rin. At least, di gaano nakaka-miss ang Pinas. At oo nga, sana may dinuguan din. :)