Usapang puso
Di nga ba ... katatapos lang ng Araw ng mga Puso? Ang tanong ay: may puso ka ba? Palagay ko meron pa. Kung nagising kang buhay dahil tumitibok-tibok pa yun, malamang may dugo pang dumadaloy sa katawan mo. Maaaring humihinga ka pa nga, ngunit kung wala namang saysay ang buhay mo. Pero ano pa man, huwag mo namang putulin ang hininga mo nang walang laban, dahil nakatago man maganda pa din ang buhay. At kung binabangungot ka, marahil kailangan mo lang gumising at ayusin ang higaan mo sa pagtulog. Wala namang ibang usapan kundi puso. Damdamin. Pag ibig. Dahil nga siguro Valentine's Day o kaya nakatuon lahat sa ganitong senaryo. Puro kuwentuhang naman masaya o malungkot ang kinahantungan. Mga istoryang hango sa mga taong nakaranas ng kakaibang kapangyarihan dala ng pag ibig. Parang ang baduy, mala-love story na pampelikula. Lahat parang scripted. Siempre apektado ako ng buwan na ito, gaya din ninyo. Salamat sa Pebro 14 at pansamantalang nabago ang kulay ng mundo. Timplahin ang kuwento. Gawing parang kape na iba-iba ang lasa. Lagyan ng cream o gatas. Gawing matapang o katamtaman lamang. Pabilisin ang tibok ng puso. Gisingin ang diwang natutulog.
Malungkot ang kaso ng maraming OFW.
Tatlo sa sampung pamilya ng isang OFW ang nawawasak matapos magtiis na umalis ng bansa, iwanan ang mga minamahal, at magtrabaho abroad. Mahabang palaisipan. Sino ang nagkulang?
Hindi sa lahat ng panahon ikaw ay panalo. Ang laro ng puso ay isa ring sugal. Hindi lahat natatapos sa saya. Hindi na yata uso ngayon yung ending na “they live happily ever after.”
Ano man ang itaya mo, minsan hindi mo makakabig muli. Mararanasan mong mabigo. Bihira yata yung “one and only” o “una at huling pagibig.” Dahil nagbabago ang ikot ng mundo. At nag-iiba ang kulay ng paligid. Pero kung trip mong hanapin, magpakatatag ka. Darating din ang para sa iyo.
Walang katulad. Dahil masayang ma-in love. Dahil masarap magmahal. Dahil matamis mangarap na kasama kita. At kung sino ka man, ikaw ang bida sa love story ko.
read more: Philippine Online Chronicles

1 comment:
Uhmmm, tanong ko lang, nag celebrate ka ba? May ka-date ka ba?
Post a Comment