badge making contest for 2009 pinoy expat/ofw blog awards.
click this for details:
http://pinoyblogawards.blogspot.com/2009/04/peba-bannerbadge-making-contest.html
4/18/2009
4/16/2009
4/12/2009
di ako TaKot sa mUmo!
sa lahat ng bagay madalas akong magbalanse nuon,kahit alam kong kaya ko di ko ginagawa,kuntento nako sa mga nakakagawian ko,takot ako sa MUMO.mumo ang tawag ko sa FAILURE(tama ba spell?.he he he) ,gagawin ko palang parang hinihila nako ng sarili ko na wag na,baka mapahiya lang ako,saka nalang pag hinog nako,hanggang sa di ko na sya magagawa.
pero minsan di pala mahirap ang sumubok,kasama pala ito sa tagumpay kung anong gusto mo o kung saan ka lalakas at titibay,hanggang sa natutunan ko paunti-unti na lumakas ang loob ko.di pala mahirap, may mga basehan pala na matututunan ka at pag ginawa mo na ulit kayang kaya mo na.ito pala ang sinasabi ng tatay ko nuon na experience ang kailangan.paano mo malalaman kung hindi mo susubukan.
dito ko nakita ang katatagan ng aking ama nuon,walo kaming magkakapatid at ako ang bunso.karpentero ang tatay ko pero maayos ang buhay namin,dahil narin sa tulong ni nanay na ilaw ng aming tahanan,kahit hirap sa pagpapalaki samin si tatay lahat kaya nyang subukan.isang bagay ang hindi ko malimutan nuon,narinig ko habang nag-uusap sila ni nanay,(bakit pawis na pawis ka saka bakit sumakit na naman ang tuhod mo?) sagot ni tatay ng marahan,"Nag-lakad kasi ako pauwi,sakto pa naman ang pera ko pamasahe kaya lang wala akong pasalubong kaya naisipan kong maglakad nalang para mabili ko sila ng lansones,paburito kasi ni boyet yun."
naalala ko ang lahat ng ito tuwing papalapit na ang kaarawan ni tatay,para sayo tay ang lahat ng ito,kahit maaga kang nawala,iniwan mo sa amin ang yaman ng iyong pagmamahal.
nuon paman di ko na makalimutan ang pangyayaring yun...yun, ang simula kung bakit ngayon di na ako takot sa MUMO...
ngayon madalas nila akong tanungin,pano mo ba nagagawa yan? kinakabahan kaba?
ang sagot ko HINDI!...lahat naman tayo nabibigo.bakit di ko susubukan!
4/08/2009
.....:)
4/04/2009
ang ApAt na SuLoK Ng kWaRtO
Kwarto lugar ng pahingahan,dito ka nagpapalipas at nagiipon ng lakas para matulog at gumising, dito rin natatapos ang araw at panibagong bukas,marami kang bagay na magagawa.sa buong maghapon o aabot pa ng gabi ang trabaho mo,ang kwarto ang pinakamabisang paraan para magkaron ka ng lakas kinabukasan,kaya importante samin ang kwarto lalo na kung nagtatrabaho ka sa ibang lugar o bansa.sa kwarto iikot ang mundo mo,minsan dito ka nagpapalipas ng lungkot,ng saya,at nag-iisip ng mga pangarap...
teka anu-anu ba ang iba pang ginagawa sa kwarto!,madalas akong mag ja(toot toot) jaging dito at mag exercise.dito ko rin ginagawa ang iba ko pang trabaho.dito kasi sa lupang buhangin walang space sa labas ng kwarto at dahil sama-sama kayo sa isang flat,ang kwarto lang talaga ang magiging pribate!este!,private place mo para makapagrelax ka.kaya importante sakin ang kwarto .sabi nga ni dave dito makikita ang iyong personalidad!
ito naman ang kwarto ko!..
dito ko pinapalipas ang buong
gabi at nakakatulugan ko lagi
ang panunuod ng tv!
teka anu-anu ba ang iba pang ginagawa sa kwarto!,madalas akong mag ja(toot toot) jaging dito at mag exercise.dito ko rin ginagawa ang iba ko pang trabaho.dito kasi sa lupang buhangin walang space sa labas ng kwarto at dahil sama-sama kayo sa isang flat,ang kwarto lang talaga ang magiging pribate!este!,private place mo para makapagrelax ka.kaya importante sakin ang kwarto .sabi nga ni dave dito makikita ang iyong personalidad!
si dave habang natutulog sa
kanyang kwarto!
(melvin,dave,marcial at ako! ang
kumukuha ng picture.he he he)
ang kwarto rin ni dave ang madalas
naming tambayan at dito rin kami
madalas mag-inuman...ng tea!
Subscribe to:
Posts (Atom)