3/17/2009

yakap

naglalakad ako kahapon,may nakita akong dalawang magkasama at medyo nagtatalo,kung bakit daw sampung porsyento lang ang tubo ng kanilang negosyo,tapos sa bandang kanan ko naman may galit sa mga tumatawid dahil hindi makadaan yung hammer nyang sasakyan...

ang kwento ng buhay talagang walang kakontentuhan..naiinis ang may ari ng sasakyan dahil na abala ang hammer nya,nagtatalo ang dalawang may negosyo dahil sampung porsyento lang ang kita,nagmamadali rin yung mga tumatawid dahil inis na inis dahil naglalakad sila,galit din yung may saklay dahil ang bagal nyang maglakad...pero di nila napansin yung isang bata na walang paa at nakangiti at sarap na sarap sa pagkain ng kubus(tinapay) at di alintana yung init-usok-at ingay ng kapaligiran...

aaminin ko ganito rin ako minsan,laging may kulang laging may angal...tignan mo nga naman ang buhay!...

pero dahil dito,iniisip ko na swerte parin tayo at binigyan tayo ng ganitong buhay,oo meron darating na problema at minsan sisimulan nating magtanong sa KANYA ng bakit?,pero naniniwala ako na may dahilan ang bawat pagkakataon,at dun nating kailangan mas mabuhay at lumaban,habang may hininga at may bukas sa tingin ko may pag-asa..dyan tayo papasok,kayo na sa mga pangyayaring handang magbukas ng buong kamay para yumakap at magbigay ng panalangin at lakas...isang halimbawa rin ang binigay nyong suporta para kay yanah!

3/07/2009

kEnGkoY

Di pa tapos ang project may panibagong project na naman, ang hirap talaga pag ikaw lang ang gwapo dito.(ehem ehem)..hirap pa nito bawal na ang mag yosi sa loob ng opisina.pero pasundot sundot parin at minsan pag tinutopak pinapangalandakan ko pa ang pagsindi sa loob at hithit buga habang dumadaan sa HR department.anung magagawa nila kung importante sakin ang bawat segundo ng trabaho ko,kung aalis pako sa upuan ko para magyosi mauubos ang araw ko.

Hinihintay ko nalang na may sumita sakin, kaya lang wala talaga.

Kaya syempre di masarap ang bawal pag walang pumipigil sayo.di ba Abou!,kaya eto ako ngayon nasa labas nagyoyosi,wala tuloy akong maburaot sa taas ng opisina.

Habang nagyoyosi sa labas nakita ko ang isang ito na naglalakad sa gitna ng kalsada,ewan ko kung anu ang dala,kung hindi ba naman saksakan ng ewan muntik nang masagasaan.

Dito lang talaga ako nakakita ng balistad ang tak-u!.dinaig si Sharon Cuneta sa pelikulang pasan ko ang daigdig!

Hay! buhay kengkoy ang araw ko ngayon,minsan malungkot minsan masaya,minsan may drama,may action,may horror din at syempre komedya…buti nalang at may nagbabasa nito kahit wala wenta.he he he…teka akyat muna ako sa office at dun naman ulit ako magyoyosi…wala silang magagawa kung tigas ti..este! tigas ng ulo ko…


Patigasan ng ulo!

Tinawag ang Hapon- tatalon sa 10th floor building una ulo..pag bagsak nagtimpla pa ng kape!

Clap clap clap,palakpakan ang nanunuod!

Tinawag ang Americano-tatalon sa 20th floor building una ulo…pag bagsak sumayaw pa at nag break dance at head spin!

Bravo! Bravo! Mas malakas at maraming palakpak!

Tinawag si kabayan-nasa unang palapag palang ng building ayaw nang umakyat.
Tinawag ulit..ayaw parin…tumalon,pinakiusapan na,ayaw talaga tumalon! ilang oras na nakalipas.ayaw parin…

Mabuhay! Ang galing! fantastico! Sigawan ang mga tao!

Panalo si kabayan ang tigas ng ulo!