11/27/2008

enter sandman este! "SandBox"


sa isang kwadro ng pakikipagsapalaran sa buhay ng isang kahanga-hanga at isang talentadong pinoy na nagpapalawak ng kaalaman sa buhanging kinatatayuan...buhay at pananaw ng isang OFW sa gitnang silangan...enter "The SandBox"


isa sa mga kahalintulad kong pogi(twiwit!,he he he),o wala nang makakaangal pa,pagbigyan nyo nako...magpapasko na naman..


tantaran...anu kayang magandang introduksyon,teka, di naman pwede na mas gwapo ako kesa ka kanya...aaminin ko na medyo lamang lang sya ng paligo sakin,kaya sya ang gusto kong iboto sa american idol, ay! sa top 10 pinoy OFW bloggers of the whole wide world.


nasa kanan bahagi ng blog na ito kung gusto nyo bumuto..sapilitan po ito.he he he.end of voting dec. 30,2008.salamas!..este salamat!...mabuhay ang lahat ng pinoy expat OFW!


salamat sa mga bumubuo nito.kay kenji shiela ng thoughtskoto.isa itong simple pero rock at isang paraan para mapalawak ang talento ng pinoy na nagtatrabaho sa ibat-ibang lugar..isang pamatay homesick para sakin na malayo sa perlas ng silangan.

11/19/2008

"paG wa WEntA wAg nALanG sA"

ang dami kong comment kay anonymous..( kilala ko na siya).maganda ang comment nya kaya lang di ko maintindihan spokening dollar kasi...umabot ng 57 comment,ang problema isa lang ang sinasabi...ok lang sana kaya lang paulit ulit yung comment..eniwey!,nagpapasalamat parin ako...

ito yung commment(ay tama ba?) nya!:

Anonymous has left a new comment on your post "tRabaho!": 4 U 2 UNDERSTAND! TAGALOG!You said"but I do have some knowledge of small part of arts...I myself, not consider as an artist.. I just love the art and the heart of it. This is my way for killing myhomesickness…"IT SEEMS IBA NA STORY MO DITO? BUMALIGTAD? YOU BECAME HUMBLE?PLEASE REVIEW YOUR STORIES ALL THE THINGS NA SINABI MO, PAG ARALAN MO IN CASE PAG NAG BAWI KA NG SALITA DI KA MAPAHIYA......OKAY?BE CAREFUL ON YOUR WRITE UPS COZ MARAMI NAKAKABASA, HUWAG MO MASYADO IAANGAT ANG SARILI MO SA PAG GAMIT NG IBANG TAO, LUMALAYO KA NA SA TEMA NG IYONG BLOG.Too much of it can have a fatal effect. Here's what you can do to relax.Choose a time when you won't be disturbed to write your nonsense poem....don't think too muchthink there is a very important point you are missing....PrayingIn social situations, do you find that You wish you could be more honest? Even though the things you are saying SOUND honest, they are actually freakish lies revealing your true evil self?When writing your own autobiography or experiences, would you detail the exact course of your life, including your precise toilet-plunger bowel-cleaning method, or alter the events of your life to better accomodate your ego.If you accidentally shot and killed someone in your write-ups, would leave a note attached to the body with your name, address and phone number, or you yell?PASISIKATIN KITA LALO SA MGA COMMENTS NG GRUPO NAMIN BLOG CRITICS......DON'T WORRY...OK BA?CORRECT ALL YOUR GRAMMAR HA.....toooooooo many.thankssee ya Andrea

ito lang ang masasabi ko...bakit laging nakikita ang mali,pero ang tama hindi?,tama ba o mali,teka ang gulo..bakit pa pagkaka-abalahan ang isang bagay na wala naman papupuntahan,wala namang mangyayari...sinisikap mong magbago at aliwin ang sarili mo para bukas maging handa ka.pero may mga bagay na lulubak sa daan..palagay ko ganun talaga ang buhay,kala siguro pag may maganda kang ginagawa pag nakikita kang masaya at pilit mong binabago ang sarili,mapagkunwari kana sa katotohanan. alin ba ang totoo,lahat ba tayo totoo?mas gusto ba nating isaad ang buhay na masaklap kesa sa masaya! teka nga muna! erase! erase!...wala nga palang kwenta wag nalang sayangin ang letra!

wala namang mangyayari wala rin namang mababago kung sabihin nilang pareho tayong "PANGET",kahit anu gawin natin "PANGET " parin tayo!

11/14/2008

tRabaho!


marami din nagtatanong kung anu ang mga pinaggagawa kong trabaho dito sa kuwait.gaya nila rj at blogusvox,gusto ko rin share ito.

interior designer/detailer ang trabaho ko...pero madalas nagiging all around ako...(kaya gusto nila ang pinoy kahit saan pwede at maasahan). site supervision, at kung anik anik pa,basta related sa design at interior construction.



madalas kong gamit ang autocad pero mas prepare kong mag-skecthes muna bago ang final design (mapapansin nyo di pako long hair dito.ito ang unang picture ko nung nagtrabaho ako dito sa kuwait.)


starting design
layout and perspective


final construction (exterior)
------------------------------------------------

interior sketches:



-----------------------------------------------------------
on site:



-------------------------------------------------
pahinga pag tapos ng trabaho..:)

11/11/2008

F.H Constantino at Dave Constantino

Kung nakapanuod kayo ng pelikulang pilipino nuon,kilala nyo ang sikat na derektor na si Felicing H. Constantino,sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pelikulang MANG KEPWENG, at ang iba pang pelikula na madalas pagbidahan ni nida blanca at nestor de villa.kung ikukumpara ngayon,oo ngat high-tech.na ang mga pelikula pero mas kinagigiliwan ko parin panuorin ang mga luma at nakakatuwang mga patawa...gaya nila balut,chiquito,tintoy,palito,babalu,panchito,dolphy,redfordwhite at marami pang iba..ewan ko ba pero hanggang ngayon naalala ko pa ang kanilang mga patawa at di na siguro mawawala sa history ng comedya.

ito ang ilang pelikula:






------------------------------------------------------

Isa sa kamasa sa grupo (adhika group) at nagsimula nito ang (anak ) este! apo pala ni F.H. Constantino na si Dave Constantino...talentadong pintor at skulptur,gaya ng kanyang ama kinalakihan ang pagiging isang artist...may pinagmanahan!...
ito ang ilang gawa ni Dave Constantino


11/03/2008

Malikhaing KoMiKS




nung time na madalas mawalan ng power ang kuryente,madalas akong tumambay sa tindahan ni aling Bining at madalas mag-arkila ng komiks. ito ang libangan ko umaabot ako ng halos tatlong oras sa pagbabasa o higit pa,daig ko pa ang nanuod ng sine.



komiks ang naging basehan ko rin sa pagdrawing,.dito ako nakakuha ng mga visual at shadow style..di lang ako partikular sa mga artist,pero madalas akong humahanga sa mga gawa nila.bumibilib ako at nabubuhay nila ang bawat istorya.para akong nasa loob nito at ako ang bidang inaabangan.


saan naba ang komiks sa pinas?..di ko alam kung bakit bigla nalang nawala ito,at kung tutuusin isa rin itong kultura natin,pero nawala at napabayaan..andyan parin naman ang komiks,sinasabi kong nawala ay yung pagpapahalaga dito,paglalabas ng kalidad,sabagay di naman masisisi ang iba,madalas kasi na walang budget para dito.


Ang isa sa mga nakikita ko para bumuhay dito si Randy Valiente ng Malikhaing Komiks.


ito ang buhay nya mula ng nag-aaral palang kami. isa sya ngayon sa kumikita ng dolyar sa komiks. at napublish sa readers digest na successfull komiks illustrator nuong november 2005 edition.


Maraming parte narin ng pagbabago ng teknolohiya pero sinisingit parin ang komiks sa kanyang trabaho.ginagamit nya ang komiks sa paghikha nya bilang web artist,bilang talentadong writer,at ngayon pinagkaka-abalahan ang pelikulang cartoon sa atin at kasama ng mga magagaling na artist sa pelikula, gaya ng "DAYO" na ipapalabas sa 2008 december filmfest.


ito ang kanyang likha:

balete


---------------------------------------

"Dahil ang kwadro ng Komiks ay hindi isang kahon"