8/19/2008

mAkulay ang BuHay sa pRutAs at gUlay!

nun paman mahilig na talaga ako magtanim,bago ako umalis ng pinas at nagtrabaho sa kuwait,libangan ko na ito.lahat ata ng lupa pati sa kabitbahay nagtatanim ako.

at ngayon sa paghahanda ko ulit bumalik at magtrabaho ulit ng isang taon sa lupang buhangin,teka puro ulit...may ala-ala at may mga gulay,palayan prutas akong maiiwan.
saglit na katahimikan ng magpahinga ako sa duyan,muni muni.maraming bagay akong gustong gawin at maraming bagay ding gustong isipin.gaya ng mga tanim ko,di nila alam kung hanggang saan sila mabubuhay.pero hangga't may hangin ulan at araw na dadampi sa kanilang dahon di sila mag-aalala at ang buhay nilay walang hanggan..gaya ito ng Pag-ibig maaring mahirap at mabigat sa dulo nama'y kasiyahan...sa pagpitas, itoy walang katapusan (infinity!).


di ko na sila mahintay mahinog
at matikman.ilang araw nalang
balik trabaho na naman....

8/14/2008

sa PAgpaSyaL ni TwEety sa mUnting TaHaNan ni YZiEL!

mahirap ang mangupahan at naranasan ko ito nung time na nagsisimula palang kami.madalas, sapat at minsan kulang ang isang buwan sweldo para pang tustus sa mga bayarin at gastos sa pang araw-araw.ito rin ang isang dahilan kung bakit ako nagtrabaho sa lupang buhangin.

mali-it man ang bahay at lupa,masasabi kong pinaghirapan at dahil narin sa trabaho ko bilang isang interior designer,di naman ako nahirapan ayusin at pagandahin.ang sarap ng pakiramdam kung iisipin,pero ganito paman,kailangan parin ulit mag sakripisyo.para kay Yziel na aking prinsesa.hayyy! buhay parang life!


pagpasok ni tweety
sa living area
sa study area
sa bar counter
sa dining area

8/11/2008

pAmmpaliGo!...nAman! nAman!,di ako makapag post ng piX!

dear ever,

wag kana magtaka kung bakit ako sumulat sayo,alam kong busy ka sa kaka-try na magpost ng picture dito sa blog,at kanina ka pa inis dahil ayaw mag uplod ng picture mong nagpapacute! pero di naman cute.di narin kita babatihin,este! babatiin, ng nasa mabuti kang kalagayan ngayon dahil alam kong oks ka sa iyong bakasyon...oo alam kong lahat ng ginagawa mo,lalo na kanina nung n a t a t a e ka,habang naglalaro ng basketbol,pagka-syut na pagka-syut mo n a u t o t ka, pasalamat ka at malakas ang palakpakan at ang reperi lang ang nakarinig,tinawagan ka tuloy ng foul!.sandali nga tutal nag-iisip ka kung pano ko nalaman,hayaan mong ibalik ko ang history,bata ka pa nang nakahiligan mong magdrawing,at madalas ito ang ginagawa mo sa iskul para kumita sa mga kaklase mo para huthutan ng 3o pesos kada drawing sa science project(tama ba?-ang kapal mo).pero dahil dito sumikat kapa sa iskul at madalas sinasale ka sa contest..swerte ka lang at yung mga judges eh kapitbahay nyo na madalas mong igiban ng tubig sa poso...naalala mo rin ba nung nagbinata kana at madalas nang tigasan kahit na unang taon mo palang ng high iskul(tama ba?-ang tigas mo!).at syempre lumaki narin ang kita mo dahil 50pesos na ang singil mo sa mga project na may drawing.pero ganun ulit! ito ang naging dahilan para iboto kang best in art, dahil karamihan sa mga kakalase mo- anak ng teacher(tama ba?-ang galing mo!anak ka nang###).at itong nag-aaral ka bilang arkitekto,nagulat ka ng may mas maraming magaling magdrawing sayo.ganun paman naging challenge ito para pagbatihin mo,este, pagbutihin pala!...(tama ba?-agree ako dyan).medyo matumal na ang negosyo mong magdrawing nung college kana, kaya gumawa ka ng paraan at nag-aral magsulat,at sumama sa may alam na magsulat...kahit di nila alam na kinukuhanan mo lang sila ng style.(tama ba?- style mo bulok!)..pero wala sa isip mo na seryosohin ito,datapwat kinahiligan mo na ang pagsusulat..iniwan mo ito at nagtrabaho sa iyong propesyon bilang isang interior designer sa kuwait,at sige ka parin ng sige sa pag pinta at pag drawing at swerte na rin dahil marami ang nagkagusto sa mga gawa mo at ng iyong grupo. alam ko rin na na feature kayo sa pinoy abroad ng GMA7 at ng STAR STUDIO MAGAZINE middle east ng ABS-CBN(tama ba?-ok yan mabuhay ka and world peace!).balik tayo sa pagsusulat mo!, kahit ayaw na sayo ng mga sulat mong baduy,na hindi pa uso ang txt nun eh kung magsulat ka eh,sinasadya mong ibahin ang letra at gawing hidni tugma ang spelling na hanggang ngayon wala parin nakakapansin sa mga bumabasa ng mga notes mo.gaya ng mga pamagat mong di tama ang spell at pagdadagdag mo ng letrang M sa mga words na may M.(tama ba?-at ako lang ang nakapansin!).siguro naman at naniniwala kana sa mga kwento ko!...at wag kanang mag isip kung sino ako.dahil kasama mo ako sa paggamit mo ng sabon pampaligo!


nagmamahal,
ang iyong konsensya


p.s.
lang hiya ka,di lifeguard ang pangalan ko. safeguard!

8/04/2008

The Flaming heART


sa pangalawang pagkakataon,habang abala ako sa pagbabakasyon,nag email sakin ang Star Studio Magazine middle east Edition,yes! at yes na yes!,ayon sa maganda at magaling na si nikki(ang article in charge).itong week na ito,lalabas na ang magazine...at syempre ikinagagalak kong i-post dito sapagkat,datapwat,kasama po ang inyong lingkod at aming grupo Adhikagroup na ma-feature sa TRULY PINOY.

ito po ang link: http://www.abs-cbnglobal.com/ItoangPinoy/TrulyPinoy/TrulyPinoyDetails/tabid/231/ArticleID/2867/TargetModuleID/820/Default.aspx