6/02/2008

Ang Tamang Panahon!

sa totoo lang malaki ang natutunan ko na magtrabaho dito sa kuwait,hindi dahil sa experience ko na sa field ng trabaho ko,kundi dahil narin sa mga kasama ko sa trabaho,aaminin ko na nangapa talaga ako,una iba ang sistema ng trabaho at mabuburat ka talaga,di mo alam gagawin mo,san ka nga naman nakakita ng trabaho na ang mali nagiging tama,at ang tama nagiging mali...nakakapraning noh,bakit ko nga pala naikwento ang trabaho,isang dahilan at importante ang may makasama ka at nagsisilbing gabay mo lalo na't nasa ibang bansa ka,pag mahina ang loob mo at di ka lumalaban kung tama ka,di pwede yun,baka pulutin ka sa daan ng luhaan.yan ang natutunan ko dito...maliban sa kaibigan kong si ding(kasama sa trabaho,ka grupo ng adhika).http://adhikagroup.blogspot.com

kay ding napaka-simple ng lahat walang komplikado,hanggat maaari walang problema,matagal nang nagtatrabaho si ding dito sa kuwait,at sa kanya marami akong natututunan,kahit sabihing siya ang may mataas na posisyon dito (as art director),nakikibagay parin.grabe ang galing ni ding kung hagod at linya ang pag-uusapan,malinis ang detalye, napakahirap ng ganung style,swerte nga ako at kahit paano nakikita ko yung kilos at galaw at syempre medyo pinag-aaralan ko.kung susumahin malaking bagay si ding sa pagpapalawak ng kumpanya,nasa kanya ang katawan nito...matagal na panahon at pagsasakripisyo,kahanga-hanga ang ganitong pagkakataon at napakaimportante sakin ang maging bahagi at makasama ang isang katulad ni Ser Ding Bautista Jr..http://dingbautista.blogspot.com
ngayon malapit nang matapos ang pagsasakripisyo mo,at malayo na ang narating,gagawin kong isang halimbawa ang magsisilbing gabay ko sa darating din panahon na makakarating din ako sa gaya ng iyong tagumpay at pagiging simple ng lahat....salamat!


Taong Nakalipas



adhika group










No comments: