4/09/2008

Ang Pagong At Kuneho...

Sobra ang puliktika ngayon sa opisina,pataasan ng ego ang nangyayari,puro sila magaling-magaling sa katarantaduhan,ewan ko kung bakit nagkaganito ang sitwasyon,maraming bago ang gustong umangat pero ampaw naman ang trabaho,parang pag gagawa ka ng tama eh,magagalit sayo,hahanapan ka ng mali at yun ang ipupukol sayo,pero wala talagang nangyayari kundi baliktad ang nagiging sitwasyon,ngayon ako naniniwala na mas kakaiba ang pinoy pag-dating sa arts and creativeness.

isang halimbawa sina ding at jojo ,kahit ano ang gawin di na kayang tibagin,malawak na ang kaalaman nila at experience sa ganitong bagay,mabilis at firm ang ginagawa sa kanilang trabaho,hope na pagdating ng panahon(teka parang kanta ata ah,),at humaba ang experience ko sa field na gusto ko kahit 50% ang ma-adopt ko ay ok na.kung tutuusin hilaw pa ako kung ikukumpara sa dalawa,pero masasabi kong starting point ko ito para sa mahaba haba ko pang lalakbayin at kakaining bigas sa ganung trabaho.isang halimbawa yung ginagawa naming opisina sa unang palapag,nung una, walang pumapasok sa eksena,ngayong nagustuhan ng amo yung design abay parang fashion show sa dami ng umeekstra at nagbibigay suwesyon!pwede ba tatantanan nyo nayan!buti sana kung nakakatulong,pwede pa,eh hindi! ,sana nung una pa sinimulan nila,ngayong matatapos na saka eentra!

madalas kong marinig kay jojo na “sa inyo na galing at angkinin,basta wag nyo lang akong iistorbuhin sa trabaho.”

Pagong at kuneho tanungin nyo nalang si rene!

jojo, ako,bergis(indyano),ding at rene.
-------------------------------------------------------------------------------------------
Medyo maganda ang gising ko ngayon,syempre ,sapagkat ,subalit,datapwat,di naman ako natulog..sinubukan ko lang ,medyo ayos din pala ang di natutulog,may natatapos na di matapos na pagsusulat,nakakaisip ako ng isang panimula na di ko sinasadya at nakakagawa ako ng naiisip ko na di ko naman naiisip,nakakawa rin ako ng ibang intro ng pagsususlat at pagkwento na malayo sa simula at kung ano lang ang pumasok na parang nagsasalita ka lang sa isip na hindi mo naman sinasadya.kaya ngayon sa palagay ko habang sinusulat ko ito di ko alam kung pano.malamang tulog nako..

3 comments:

Anonymous said...

sino ang pagong at sino ang kuneho?

hmmm! interesting ah!

Anonymous said...

ang pinoy ang pagong sa aking panayam kasi mabagal umasensyo dahil sa pananapak ng mga kunehong ibang lahi o sino pa man na mabilis sa pag asenso kasi nagmamadali na ma promote para maka pag............ steal...............heheheheheeh

naka damit tupa ang mga kambing!!!!!

gets????


abu hamza

Anonymous said...

to abu hamsa,

what! ano!kung pagong ang pinoy,..palagay ko mabilis na pagong,mabilis pa sa kuneho...a turtle win from a rabbit!