2/11/2008

A message In A Can!


Pagkatao at pagiging isang ordinaryo ang basihan ko at sa tingin ko yan ang kailangan natin.bakit ba ako nagkakanda-atat sa pagsusulat at pag kwento ng tungkol sa isyu ng pangyayari ngayon na nagaganap sa pinas,kung tutuusin di na kailangan pang pansinin at isipin. dahil alam naman natin na matatakpan lang ang bawat problema at mapapalitan pa ulit ng bagong problema, ang bansa natin. bakit ba ako naiinis,siguro hindi lang ako!,pati ang nagbabasa nito na alam ang takbo ng problema at pangyayari.halo halo na at parang piyesta kung pumasok ang mga usapin,puro pulitika,mula ata ng nasa elementarya palang ako pulitika ang problema,ewan ko kung ito ang ugat kung bakit nandito ako ngayon sa Kuwait at nagtatrabaho at nagsusumikap na baguhin ang pamumuhay,hindi ko sinasabing tama ako o tama kayo,TAMA NA!.alam kong di tugma ang lugar at espasyo nato para sa ganitong usapin pero sa tingin ko, may karapatan din ako para magsalita,nakakasawa na talaga,nakakapangilabot na ang nangyayari,away dito, bangayan ng bangayan,kung pwede sana wag na nating hanapan pa ng mali ang bawat isa,kundi tingnan nating ang epekto ng bawat mali. madalas kong mapansin na inuulan ng argumento ang naghahangad ng kaayusan at pagbabago,pag gagawa ka ng tama dun nakatuon sayo ang mga maling balak,sa madaling salita di ka katanggap- tanggap,pero pag mali,isa kang henyo at kadaki-dakila,sana wag na nating ituon ang atensyon sa mga kulang o sobrang mga pahayag bilang pananggalang o sandata ng sinuman,napakasimple ng problema natin pero ni isa walang solusyon,sino ba ang may gawa nito?,walang umaamin.ngayong taon ,wala na yung tema ng bagong pag-asa!,napalitan na yata ng puro asa!,nawawalan na tayo ng malasakit sa kapwa at lalo na sa bansa,wala nang pinaniniwalaan at nakakalito na. Sabi nila di pa huli,sory kaibigan!, pakiramdam ko huli na.

” wag sanang dumating!, na.., sa mga susunod na araw, di na kayang gamutin ang sugat na tayo mismo ang nagpalalim.”

2 comments:

Anonymous said...

ALAM KO LANG KANYA KANYA NA ANG DISKARTE PARA MAGING SAKIM LAHAT.

pamatayhomesick said...

oo nga eh,di ko alam kung anu ano ang ginagawa ng mga namumuno satin,pero so far so bad talagang wala na atang pagbabago...sana meron parin!?